Part 1/3
UNO'S POV
Dahil sobrang busy ni Kaye sa school si Jill muna ang kukulitin ko. Mga isang linggo ko din siyang kinumbinsi na makipagkita. Hanggang ngayon nga kasi ay sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari kay Primo at sa amin ng ate niya.
Nasa cafe na ako kung saan kami magkikita for breakfast. Kung gaano katagal nawala si Tricia ay ganoon di kami katagal na hindi nagkita ni Jill. Kumaway ako agad ng matanaw ko siya sa may pintuan. Mas masaya na ang awra niya ngayon unlike noong nasa pilipinas siya.
"Kuya, I can't believe that you are really here." She said habang nakayakap. Namiss ko ang bunso.
Kumalas ako sa yakap niya at ngumiti. "Namiss kita, bunso and yes, I am here."
"Namiss din kita. Grabe,one year noh? One year tayong hindi nagkita."
Tumango lamang ako at nag simula ng pumili sa menu.
"I hate to open this topic but I think I have to". Hindi ako nagkamali. Inaasahan ko na talaga na mapag uusapan at mapag uusapan pa din namin ang nangyari.
"Alam ko naman na magtatanong ka. Go ahead, Jill. But this will be the last time na pag uusapan natin ang nangyari, okay?"
Matapos kaming makaorder ay natahimik siya.
"Akala ko ba mag uusap tayo? Bakit bigla ka ng tumahimik?" Tanong ko.
"Hmm. Kuya, nakauwi na si Ate Trish. Nagkita kayo?"
I just smiled at her. "Hindi pa rin kayo naguusap hanggang ngayon?" Tanong ko.
"Nakapag usap na. Kahit paano magaan na sa pakiramdam".
"Jill, since sabi ko nga last time na natin pag uusapan 'to. Free yourself from all the guilt. Wag mo ng sisihin ang sarili mo sa lahat ng nangyari. Wala kang kasalanan at paulit ulit ko 'yang sasabihin sayo."
"Nagkita na kayo?" muli niyang tanong.
"Yes. Dalawang beses sa puntod ni Primo. Una noong kakauwi niya pa lang at ang last before ako lumipad papunta dito."
"So, nakapag usap na kayo?"
"No. Nagkataon lamang na nagkita kami pero hindi kami nakapag usap ng maayos. Before ako umalis she said na mahal niya ako and asked me if she can take her ring back."
"Ohhhhhh. Tapos?"
"Mahirap ng sumugal ulit. Lagi't lagi ko naman pinipili ang ate mo pero lagi niya pa din akong iniiwan."
"Wala ng chance? Sobrang malabo na?"
Natahimik ako sa tanong niya.
"Hindi ka makasagot. So malabo na nga? Okay sige babaguhin ko ang tanong. Mahal mo pa ba si Ate Trish?"
"Mahal ko ang ate mo. Pero hindi talaga ata sapat ang pagmamahal lang. Kasi kung sapat ang pagmamahal hindi niya sana ako iniwan. Sana magkasama namin hinarap ang problema." Sagot ko
"E kung sumunod siya dito? Anong gagawin mo?"
Akala ko titigil na siya kasi dumating na ang order namin. Pero hala sige pa din siya sa tanong
"Hindi 'yon pupunta dito. Sobrang labong mangyari."
"What if?"
"Jill, pumunta ako dito para unti unting makalimot. Masyado kong minahal ang ate mo at hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya mamahalin pero sooner or later kailangan ko din matutunan na kalimutan siya.Kailangan ko rin pag bigyan ang sarili ko na magpahinga. Magpahinga sa lahat ng sakit. Napakadaming beses ko ng sumugal. Natatakot na ako. Nakakatakot maiwan. Nakakatakot na paulit ulit kang ipapatalo. Parang hindi ko na ata kakayanin na masaktan pa - quota na ako." Ramdam ko ang pangigilid ng aking mga luha.
" Paano kung makapag usap kayo ng maayos? Sa tingin mo may magbabago ba? "
" Akala ko ba mag b-breakfast tayo? Bakit parang naka hot seat ako? " Tanong ko sakanya.
" Sabi mo kasi last time na natin 'tong pag uusapan kaya sinusulit ko. So paano nga kung sundan ka niya dito? Tapos makapag usap kayo ng maayos sa tingin mo may magbabago? "
Napahinga ako ng malalim sa tanong ni Jill. May magbabago pa nga ba?
" Ewan. Siguro. Baka. Hindi ko alam. Malabo kasi ang iniisip mo." Pag susuplado ko.
" Galit ka na niyan? " Tanong niya.
" Sorry Jill, hindi naman ako galit. Hindi ko lamang din siguro talaga alam ang tamang isasagot ko. Ang tagal ko rin naghintay na makapag usap kami pero wala e. Hindi nangyari. Dapat nga matagal na pero mas pinili niyang lumayo."
"Mapagbibigyan mo ba ako?
Ngayon?
Na makausap ka?
Maka pag usap tayo?
Baka pwede?
Palinawin natin ang malabo? "
Nagulat ako sa presensiya ng tao sa likuran ko. Buhat sakanya ang mga tanong. Tumingin ako kay Jill nang may pag tataka ngunit agad siyang tumayo.
"Kuya Uno?" muli siyang tumingin sa akin.
"Ate Trish?" at sa tao sa likuran ko.
"Mag usap kayo." At tuluyan siyang umalis.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...