Sorry for the delayed UD. Like what I've mentioned I just got back from my birthday trip. But here you go hindi pa masyadong malaman ang update na 'to. Pag pasensyahan niyo na muna. Babawi ako in the coming days. Naiwan pa ata sa eroplano ang utak ko 😅
Magandang Gabi! ❤️
UNO'S POV
Nasunod lahat ng gusto namin ni Tricia na mangyari sa aming kasal. Hanggang dito nga sa reception ay napaka solemn pa rin.
"Hindi naging madali ang lahat sainyong dalawa. Alam natin pareho na hindi madaling mahalin si Tricia pero hindi ka sumuko. Alam ko at kampante ako na nasa mabuti siyang kamay."
Ngayon ay nag sasayaw kami with our parents. Tricia is with Dad and I am with Mama. Yes, Mama Leni.
"Wag po kayong magalala, Tita. Aalagaan, iingatan at mamahalin ko po si Tricia." Tugon ko.
"Tita? Mama.Mama na Uno."
Napangiti naman ako. Matapos si Mama Leni ay isinayaw ko rin si Mommy, Kaye, Ate Aiks and Jill. Lahat ay puro habilin at pagbati. Isang tumunaw ng puso ko sa mga sandaling iyon ay ng lapitan at yakapin ni Kaye si Tricia. Kumpleto na. Kumpleto na ang sayang nararamdaman ko. Para bang wala ka ng mahihiling pa.
Maayos na natapos ang kasal. At totoong walang nangyayari sa unang gabi bilang mag asawa. Lalo pa kung ang asawa ay si Tricia. Tulog agad. Bagsak. Parang galing sa 36hrs hospital duty.
"Shocks, Love." Isang malakas na tapik sa braso ko at medyo malakas na sigaw ang gumising sa akin. Alas otso pa lamang nang tumingin ako sa orasan.
Pupungas pungas pa ako ng humarap sakanya. Nakasandal siya sa headboard ng kama at nakatitig lamang sa akin."Good Morning, Mrs. Villarama." Nakangiti kong bati ngunit pinagsingkitan niya ako ng mata.
"Bakit hinayaan mo ako makatulog kagabi? Sana ginising mo ako." Nagtatampo niyang pahayag.
Pilyong ngiti ang isinagot ko sakanya. Ngunit lalo niya akong pinaningkitan ng mata. Ano naman kayang problema netong asawa ko? Ang aga aga nagtataray. Red flag is up na ba agad? Parang a week ago lang naman 'yong last period niya.
"Pwede naman nating ngayon gawin"
Pakindat kindat pa ako habang sinasabi iyon. Hindi niya ikinatuwa. Nabato pa ako ng unan sa mukha. Unang araw pa lamang namin bilang mag asawa bugbog sarado na ako sakanya. Ano kaya talagang problema ng isang 'to?
"Anong pinagsasabi mo dyan? May usapan kami nina Kaye and Jill. Sinabi ko sayo kagabi diba? Ginising mo sana ako. Nakakainis ka naman."
Ay wow ako pa ang sinisi. Sino kaya sa amin ang antukin? At tsaka teka, bakit naman si Kaye at Jill pa ang uunahin niya? E kakatapos lang namin ikasal ah? Parang gusto ko ng magtampo.
Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Kinuha ko ang unan na ibinato niya kanina at itinakip iyon sa akin mukha bago tumagilid na patalikod sakanya. Wala naman siyang nabanggit na kagabi na may usapan sila nina Kaye.
Nakahalata siguro. Biglang yumakap. Pero nagtampo na ako. Hahayaan ko na lamang muna siya.
TRICIA'S POV
Halatang halata ko ang pagtatampo ni Uno. Unang araw pa lang nakalimutan ko agad na may asawa na ako. Maling mali na nag tantrums ako ayan hindi ako pinapansin. Bakit ba naman kasi na sa halip na sakyan ko 'yong sinabi niya e mas inuna ko pang isipin ang naging usapan namin nina Jill and Kaye kagabi.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...