Always - 29

396 8 0
                                    

UNO'S POV

"Finally, akala namin hindi ka na lalabas ng kwarto mo." Agad na puna ni Dad ng makita ako.



"Kumusta? Okay naman?" Tanong ni Mom na lumabas from the kitchen.



"Okay naman. Nakapag usap kami ng maayos. Just making sure na okay lang sainyo 'to? I mean dinner with her?" Sagot ko.



"Anak, as long as you are happy we are okay with it. And besides sabi mo nakapag usap na kayo diba? Namiss ko na din si Trish and no more hard feelings. Kaya tawagin mo na siya para makapag dinner na tayo."



I've been blessed with a set of parents who are not just loving but also understanding. I would have not carried on if not because of them.




" Thanks Dad and Mom, i'll go check with Kaye. "


I'm sure Kaye will be very happy. She is our number 1 shipper even before. I just need to somehow confront her kung bakit hindi man lang niya sinabi kay Trish na pinsan namin si Ate Selina.



"Saya ata natin ah? Okay na kayo? Pamangkin lang, okay na ko." Malakas din talaga mang alaska 'tong kapatid ko.


Tiningnan ko siya ng masama. "Nagkita na pala kayo ni hindi mo man lang nabanggit at isa pa hindi mo man lang nilinaw na pinsan natin si Ate Selina. Ang akala niya may asawa na ako at mag kakaanak na."


Nginitian niya lamang ako. Mukhang planado niya.


"Let's have dinner with Trish. Ready na sa baba, okay?"


"I'll be there in a bit" At iniwan ko na siya para balikan si Trish sa kwarto.



I am so amazed of what is in front of me. Trish, looking at the mirror wearing my sweat pants and shirt. She is beautiful. She is so pure.



"You're beautiful." I hugged her from the back. "Ang bango mo naman. Parang dito ko na lang gusto mag dinner sa room. Mas masarap ka pa sa ulam sa baba." Lambing kong may pagkapilyo habang hinahalikan siya sa leeg.



Ayaw ko na matapos ang araw na 'to. Gusto ko ganito na lang araw araw. Sana dito na lang siya araw araw.


She turn around smile and kiss my lips. Gosh! Trish yung dimples mo tinutunaw na naman ako.


She pinched my nose. "May kapilyuhan ka pala Mr. Villarama ha? Sad, i' m still tired. Inubos mo lakas ko kaya magtiis ka muna. Your twins need to wait."


May kapilyahan ka din Patricia.


"Natext mo na si Ate Aiks?" she asked.



"Yes, but before kita ihatid let's have dinner muna. My family is waiting for us downstairs. Don't worry you will be fine. They are not mad at you. They've missed you especially Mom. So, let's go?" Aya ko sakanya.



TRICIA'S POV

Having Uno back also means meeting his family again. Hindi naman ako takot na makaharap sila. More of nahihiya ako dahil sa kasalanang nagawa ko. Alam kong nasaktan din sila sa nagawa ko. I can still remember how Tita Stella and Kaye begged I didn't know na mabigat na pala mas lalo ko pang dinagdagan. Hindi ko alam paano ko sila haharapin pero kailangan.




Uno assured me that everything will be okay. Mas nag woworry pa daw siya sa magiging reaction ko pag nameet ko si Ate Selina. Nakakahiya talaga.





Kami na lamang ang hinihintay nila para makakain na. Agad tumayo si Tita Stella ng makitang papalapit na kami ni Uno sa kanila. She welcomed me with a big smile and a tight hug.


"It's been a while. Namiss kita, Trish."


Tama si Uno everything will be okay at wala ako dapat ikatakot.


Then Tito Anton

"It's so nice to see you again." He said

And Kaye. " I was not able to hug you the other day. Namiss kita ate Trish. I am so happy you are here.and pinsan namin si Ate Selina asawa ni Kuya Chris." nag peace sign pa siya.



Nakilala ko din si Kuya Chris and Ate Selina and as expected naikwento pa ni Uno ang tungkol sa naging assumption ko. Nakakahiya pero ang gaan lang ng mga oras na 'yon. Parang walang ngyari. Lahat ay parang katulad lamang ng dati.



"Tita?" I finally get a chance to talk to her nang sundan ko siya sa kusina.


Kasalukuyan niyang inaayos ang dessert. " Oh hija bakit sumunod ka pa dito?" tanong niya


"Tita I want to apologize for what had happened. I should have known that he is not doing good back then. I should have listened to you."



"Hija, yes nasaktan kami. Akala namin tuluyan ng mawawala sa amin si Uno. But naintindihan naman namin na may mga bagay na hindi namin hawak. May mga bagay na hindi kami ang mag dedecide. Nagalit kami at some point pero matagal ka na namin napatawad. Tapos na 'yon. Ang mahalaga nakapag usap na kayo ni Uno at ang importante ay yung ngayon. " Niyakap niya ako ng mahigpit at pinunasan niya ang luhang tumulo sa aking mga mata.



" Bakit parang nag kakaiyakan naman ata dito? " Nagulat ako sa biglang pag dating ni Tito Anton. Lumapit siya sa akin at muli akong niyakap." Ikaw pa din ang gusto kong maging manugang, kung pwede pa?" pahayag niya  na ikinangiti ko lamang.


Mayamaya pa ay bigla din nakisingit si Kaye." Ate Trish, hinihingan ka na ba agad ng apo ng dalawang yan?"


"Pwede naman". Sambit ni Tito Anton


"Thank you po sa pagtanggap ulit sa akin. Masaya po ako na nakabalik na kayo. Masaya po ako na makita kayong muli. This time po, I will assure you na aalagaan at mamahalin ko si Uno."



"Ohhhh group hug!" sigaw naman ni Kaye


"Hindi ba ako kasali diyan?" sambit ni Uno


It was a lovely day indeed. Mapagbibigyan ata talaga sa kambal.


Hindi mawala ang ngiti ko habang nasa sasakyan kami ni Uno. I can't remember the last time na inihatid niya ako pauwi. Pero naaalala ko ang pakiramdam. When I am with him I know I am safe, wanted and love.

And yes holding hands while driving.

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sabay lingon sa akin


"Wala naman. Hindi pa din ako makapaniwala na ito katabi kita at ihahatid mo ko pauwi. Parang katulad ng dati. Labs, lagi mo iinumin mga gamot mo ha? And mag sasabi ka pag hindi maayos pakiramdam mo, okay?"



" Doctor na Doctor ka na talaga. I am so proud of you! Lagi naman pero I am even more prouder kasi kinaya mo." Hinalikan niya ang kamay ko." I will never let go of this again. Kahit pa ipagtulakan mo ako ulit. Hinding hindi ko 'to bibitawan. Hinding hindi kita tatalikuran". Mas naramdaman ko iyon ng tumulo ang luha ni Uno.



Wala na akong balak pang bitawan ka. Ilalaban kita hanggang dulo. Mahal na Mahal kita Uno.


————————
Part 29 ❤️

Pang forever na nga kaya?

Thank you and stay safe!

AlwaysWhere stories live. Discover now