Always - 22

248 6 0
                                    

The return of the comeback 😅
——————————————————

UNO'S POV

"Kuya, are you sure?" nag aalalang tanong ni Kaye.

Sinundan iyon ni Mom " Pwede pang umatras, anak."

"Handa ka na?" Paninigurong tanong naman ni Dad.


Humawak ako sa kaliwang dibdib ko bago ko sila sinagot. " Kaya na nito, matibay na 'to."


Kung hindi pa ngayon baka wala nang pag kakataon. 


Off we go!

This place is familiar. Dito ako iniwan ni Tricia. Dito niya ako ipinagtabuyan. Tama bang umuwi pa ako?


Kasama namin umuwi ng Pilipinas ang pinsan ko - si  Kuya Chris at ang asawa niyang si Ate Selina - matagal na din silang hindi nakakauwi at mas gusto din nila na dito isilang ang panganay nila.

"Kuya are you really okay with this?" Kaye worriedly asked.

"Okay lamang ako". Hindi pwedeng takasan ko na lamang lahat. Kailangan ko harapin at bumalik sa lugar kung saan ako naging masaya - at nasaktan.

Hindi agad pwedeng malaman ni Tricia na nakauwi na ako. Ayaw ko na magulo ko ang buhay niya ulit. Oo inaassume ko -inaassume ko na ako pa rin.


First order of business ko is to meet Kevin and Ate Aiks. Sila ang naging sandalan ko noong panahon na wasak na wasak ako.

————————————

Nang makarating kami noong isang linggo araw - araw na akong nag - pabalik balik dito nag babaka sakali na dito pa din nakatira sina Ate Aiks. Hindi naman ako nahirapan mag labas pasok sa subdivision na 'to dahil kliyente namin sila.


Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Kevin. Hindi ko na papalampasin ang araw na ito. Kasalukuyang may ibinababa si Kevin mula sa trunk nang sasakyan niya. Nag door bell ako. Kitang kita ko ang pagka gulat nang lingunin niya ako.


Agad naman niyang binuksan ang gate. "U-uno? B-bro?. It's been wh..... t?" naputol ang sasabihin niya ng biglang lumabas si Ate Aiks.


"Loveeeee, you doo...ne?" katulad ni Kevin ay gulat na gulat din si Ate Aiks nang makita niya ako sa labas ng bahay nila. "O My God, Uno? Ikaw ba yan?" agad akong nilapitan at niyakap ni Ate Aiks. Walang pinagbago ang yakap na iyon - yakap na puno ng pag mamahal ng isang kapatid. Ang nagbago lamang ay ang malaki niyang Tiyan.



Pag katapos ng isang mahigpit na yakap ay agad iniyabang ni Ate Aiks ang tiyan niya at hinimas himas iyon. "Baby, ang swerte mo naman andito na pala ang Ninong mo".


Ngumiti ako at hinawakan ang tiyan ni Ate Aiks "Sakto lamang pala ang dating ko."


"Sa loob tayo". Pag aaya ni Kevin habang inaalalayan si Ate Aiks.


Halos walang pinag bago ang bahay nina Ate Aiks at Kevin. Nandito pa din ang sofa na tinutulugan ko sa 'twing hindi ko na kayang umuwi sa kalasingan. Nandito pa din ang billiard table na ginagawa kong pampalipas oras noong mga panahon na ayaw kong mag pakita sa lahat.



"Bro, it' s been what? 2 years? Kumusta ka? Kumusta kayo?" Sunod sunod na tanong ni Kevin ng makaupo kami sa sala.



Kitang kita ko pa din ang gulat sa ekspresyon ni Ate Aiks na hindi mawala ang tingin sa akin.


AlwaysWhere stories live. Discover now