Always - 24

258 6 0
                                    

TRICIA'S POV

I finally find the courage to run. Wala si Mama. Wala si Jill. Litong lito ako. Buntis si Ate Aiks ngunit wala naman akong ibang pupuntahan. Hindi ko alam kung mabilis o mabagal ang patakbo ko. Ang alam ko lamang ay gusto kong iiyak ang lahat kay Ate.



"A-a-t-tttt-eee-ee?" hindi ko inasahan ang nadatnan ko. Ang taong matagal ko nang gustong bumalik ay nasa harapan ko. Ngunit dala na rin ng nakita ko sa ospital kanina ay hindi ko magawang humakbang palapit sakanya.


Nang tumayo siya ay agad akong tumakbo. Rinig na rinig ko ang pag tawag niya sa pangalan ko. Ang tagal kong hinintay na marinig muli iyon. Ngunit bakit ako lumalayo? Bakit ako tumatakbo? Bakit hindi ko magawang huminto, harapin at yakapin siya?



Pinakaripas ko ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Gusto kong huminto ngunit parang de baterya ang sasakyan ko na ayaw huminto.

Me: Kim. Si Uno.

Kim: Trish, wait I can't understand you. What?

Me: Si Uno. Bumalik na si Uno.

Kim: Oh f*vk. Where are you? Puntahan kita. Diyan ka lang.

UNO'S POV

.. trish! Wait. Trish!....... Ngunit hindi niya ako nilingon. Pinakaripas niya ang sasakyan. Hinabol ko ngunit hindi ko siya inabutan. Labs, asan ka?


Minabuti kong bumalik kina Ate Aiks nag babakasakali na tatawag or mag tetext sakanya si Tricia.


Nag aalalang sumalubong siya sa akin " Naabutan mo si Patty?"

Laglag balikat akong umiling.


Kitang kita ko ang pag aalala sa mukha ni Ate Aiks habang paulit ulit sinusubukang tawagan si Tricia.


"Love, ako na. Sige na umupo ka na dito. Makakasama sayo yang ginagawa mo. Sige na". Pag pupumilit ni Kevin.



Lumipas ang mga oras. Palalim ng palalim ang gabi ngunit wala pa din si Tricia. Hindi pa din siya bumabalik.


"Nakatakas na naman si Trish sa security kanina. Akala daw nila sa loob pa ng ospital. Okay na nakita na nila. Kasama daw si Kim." Nabuhayan ako ng loob sa sinabing iyon ni Ate Aiks. Salamat walang masamang nangyari sa kanya.



"Love, pwede bang puntahan mo na din? For my peace of mind. Baka kung ano na naman kagagahan ang pumasok sa isip ni Patty" Dugtong ni Ate Aika.


Sasagot na sana si Kevin ng sumingit ako. " Ate Aiks, Bro pwede bang ako na lang ang pumunta?" Mukhang tututol pa si Ate Aiks. Kaya sinundan ko agad. " Sige na Ate, ako na bahala. Kahit ngayon lang? Kahit saglit lang. Tama ka kailangan na namin mag usap." Nag katinginan pa sila ni Kevin.



"Bro, siguraduhin mo lang na makakauwi si Trish ng ligtas. Siguraduhin mo na makakapag usap kayo. Chance mo na 'to. Kung hindi talagang sisikmuraan na kita." Seryoso ang mukha ni Kevin sa mga bilin niyang iyon.



Lumapit sa akin si Ate Aiks at tumingin sa mga mata ko." Uno, ipagkakatiwala ko ulit sayo ang kapatid ko. Tulad ng pag titiwala ko sayo noong una kang nagpaalam sa amin na liligawan mo siya. Gawin mo ang tama. Piliin mo kung ano ang tama. Palayain nyo na ang isa't isa sa sakit. Iuuwi mo ng ligtas ang kapatid ko kahit ano pa man ang kakahinatnan ng pag uusap ninyo. Makakaasa ba ako? "  tanong niya.


" Thank you, Ate. Iuuwi ko si Tricia sayo ng ligtas" Nginitian ko sila ni Kevin at tuluyan ng nagpaalam.


Naitawag na ni Ate Aiks sa mga security ni Trish at kay Kim na ako ang susundo sakanya. Nagtaka pa ako ng marating ang address na ibinigay niya. Kailan pa natuto si Tricia pumunta sa ganitong lugar? Noong kami pa never naman siya tumikim ng alak. People change nga naman. Pero sana yung feelings mo hindi pa din nagbabago.


Nang makapasok ako sa loob ng bar ay agad kong namataan ang sumesenyas na si Kim. Ngunit habang papalapit ako sa kinatatayuan niya ay kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. Mukha na siyang tigre na anytime ay susugurin ako.


Hindi nga ako nag kamali. Nang malapit na ako sakanya ay agad niya akong pinag singkitan ng mata. "Kung hindi dahil kay Ate Aiks, hindi ko iiwan sayo ang bestfriend ko. Galit ako sayo. Galit ako sayo kasi nawala ang dating Tricia. Dahil sayo nawala ang bestfriend ko. Kaya sana naman Uno this time hayaan mo na siyang makawala sa sakit. Hindi mo alam ang pinag daanan niya. Palayain mo na siya." 


" Marami nang nainom yan." Pahabol niya.


Nang makaalis si Kim ay agad kong tinabihan si Tricia at inalalayan para iaangat sa pagkasubsob dala ng kalasingan." Trish, halika na. Let's go home"


"Richie, ikawww ba yannn?"

.

Alam kong lasing ka pero kumirot ang puso ko. Siya ba ang laging sumusundo sayo sa 'twing nalalasing ka?

.

"Halika na. Iuuwi na kita. Lasing ka na." Itatayo ko na sana siya ng biglang


"Alam mo Richie, lagi ka lannngg nandyan. Hindi ka nag sh-shawwwwwa. Kung sssshaaagutin na kaya kita? ". Umaakyat yung ang dugo ko sa ulo ko sa mga sinasabi ni Tricia. So kung hindi ako ang nandito maaring bukas kayo na nung Richie!


"Trish, hindi ako si Richie, okay?" sabi ko sakanya bago siya subukang itayo ulit. Gaano ba kadami ang nainom nito. God, Tricia! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

.

Bulong pa siya. " E s-hinno ka? Hindi naman pwedeng si Uno ka, kas-heee may asawa na 'yon. Nandito na pala siya hindi ko man lang alam. Tapos malalaman ko mag kaanak na siya. Sakit di-bbba?"


Anong pinag sasabi mo, Labs? Paano ako mag- kakaasawa e iniwan mo nga ako?Paano ako mag- kakaanak e ikaw lang naman ang gusto kong maging ina ng magiging mga anak ko? Saan mo ba nasagap yang impormasyong yan? Fake news yan. Fake news!
...



" So, hindi mo boyfriend si Richie?" Alam kong lasing siya pero sabi nila mas honest daw ang mga nalalasing mas naiilabas ang nasa loob nila.




"H-hindi"


"Pero balak mong sagutin?" tanong ko ulit.


"S-shiguro kasi yung taong mahal ko may mahal ng iba. Tinulak ko 'yon palayo, ayun nakahanap ng iba."


"Sino ba yung mahal mo?"


"Bak-eee-tt ka ba tanong ng tanong? S-hino ka ba ha?"


"Wala. Concerned citizen lang." Agad ko na siyang binuhat para makauwi na. Pinag titinginan na din kami ng mga tao. Mahirap na baka makilala pa nila na si Tricia 'to - asahang nasa news bukas.


"Let' s go, Trish. I'll bring you home."

—-—————
Salamat po sa patuloy na nagbabasa Hanggang may nagbabasa mag ssulat ako.

❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now