Hello po. Babalik na nga kaya si Uno?
Part 20 you guys.
♥️
——————UNO'S POV
"Kuya! Kuya! She took the exam and she passed! Licensed Doctor na si Ate Trish!" Sigaw ni Kaye habang papasok sa kwarto ko.
"Really? Are you sure that's her?" I excitedly asked.
"Yes! Janine Patricia G. Robredo - ADMU". And she showed me the list.
You, letting me go is all worth it. I'm so proud of you! Sana naalala mo pa kung paano natin plinanong icelebrate ang araw na 'to.
Kaye is still Tricia's # 2 supporter. Yes number 2, ako pa din kasi yung #1.
Napatawad na daw niya si Trish sa nangyari. Sabi niya redirection daw 'yon. Kung hindi daw kami nag break baka hindi ko pa din pansinin na kailangan ko na mag pagamot. Bilang babae daw ay naitindihan niya ang naging desisyon ni Tricia ngunit bilang kapatid daw ay naawa at nasaktan siya para sa akin. Ipinag papasalamat na lamang daw niya na tinaggap ng katawan ko ang bago kong puso. Kung nawala daw ako baka daw kamuhian niya na si Tricia habang buhay.
Kaye never had it easy. She found me unconcious in my room a day after I return from the US. She stopped schooling for a while to make sure that she is always by my side.
Mom and Dad - nagalit sila at some point. Pero naniniwala daw sila na lahat may dahilan. Lahat daw ng relasyon at lahat ng tao sinusubok. Naging masakit nga lamang daw yung nangyari sa akin pero never nila sinisi si Tricia.
I was able to talked to Ate Aiks and Jill before we left at naibilin ko sakanila si Trish. I know they'll do good.
We'll be back in Manila very soon.
TRICIA'S POV
Labs, Doctor na ako. Sana proud ka. Kung okay ka sana umuwi ka na. Kung hindi naman sana kahit sa panaginip mag pakita ka.
"Nakapasa ka naman pero yung mukha mo pang 1st day of clerkship". Pang aasar ni Karl.
We've already planned this out of town trip before the boards. Pang tanggal stress na din sa pinag daanan namin na review. Pero sa totoo lang si Uno sana ang gusto kong kasama ngayon. I can still remember yung plano namin once I passed the boards.
Tulad ng plano natin andito ako sa tabing dagat, Labs. Pero kulang kasi wala ka. Miss na miss na kita.
"Wag niyo ko pansinin, may naalala lang ako." Sagot ko kay Karl.
"Trish, ito baka mahaha-happy ka" sabi ni Richie habang iniaabot sa akin ang dala niyang kape
Ngumiti lamang ako at inabot iyon.
Richie has been very vocal of what he feels about me. Baka daw pwede ko na siyang bigyan ng chance. Mag hihintay daw siya hanggang sa maging ready na ako. Pero magiging ready pa nga ba akong mag mahal ulit? Paulit ulit man akong sabihan nina Mama at ng mga kaibigan ko na subukan ko ng magmahal ulit. Subukan ko ng palayain ang sarili ko. Pero paulit ulit ko lamang din sinasabi sa kanila na si Uno pa din. Si Uno at si Uno pa din. Kay Uno pa din ang puso ko.
Naiwan kami ni Richie na nakaupo sa tabing dagat. Ang ibang mga kasama namin ay minabuti munang umakyat sa kwarto at magpahinga.
"Trish, let me guess. Si Uno yang iniisip mo? " tanong niya.
"Ha? Hindi." maikling sagot ko
Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. "Trish, hindi mo naman kailangan mag sinungaling. Kitang kita sa mga mata mo. Alam ko na paulit ulit ko na 'tong tinatanong sayo, pero hanggang kailan ka magiging ganyan? Hanggang kailan mo sisisihin ang sarili mo?" dugtong niya.
"Hh-hindi ko alam. Siguro pag sinabi niyang napatawad niya na ako? Siguro pag nakita ko na siyang masaya? Siguro pag nakita ko siyang may kasama ng iba? " tanong din ang sagot ko sa tanong niya.
"Paano, kung hindi mo na marinig mula sakanya na napatawad ka na niya? Trish, paano kung w-wala ka na palang hinihintay? "
Mula sa pag kakayuko ay nilingon ko siya. " Don't you ever say that. Buhay si Uno, buhay siya" ramdam ko ang bigat sa mga mata ko na para bang ano mang oras ay papatak na lamang ang mga luha ko.
"Trish, kung buhay siya at kung talagang mahal ka niya, hindi ka niya papahirapan ng ganito. K-kung..
" Stop Rich! Stop! "
" Pero, Trish. "
" I said stop! Just please stop. " aalis na sana ako na muli siyang nag salita.
" Trish, kung talagang mahal ka niya hindi ka niya hahayaan na mahirapan at malungkot ng ganito. Bigyan mo naman ng chance yung mga taong handang pasayahin at mahalin ka."
"Rich, I have been very honest with you. I didn't asked you to wait. I didn't asked you to stay. Hindi mo alam yung nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano ko pinag sisisihan na ipinagtabuyan ko si Uno. Hindi mo alam. At hindi mo din alam gaano ako nasasaktan sa tuwing may nag sasabi sa akin na baka wala na talaga si Uno. Hindi niyo alam. " tuluyan nang bumuhos ang luha ko at lumayo
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...