Good Morning! Sorry for the late update. Naging busy lang but here it is. Thank you for the support! ❤️
Happy Friday! 🌞🌹❤️
twitter: @bravingKD
-------
Part 2/2
TRICIA'S POV
I didn't know na may plano pala siyang dinner with Kaye and Jill tonight. Ngayon lamang daw kasi maluwag ang schedule ni Kaye. Wala akong problema kay Jill, matutuwa siya na malaman na okay na kami ulit ng Kuya Uno niya but with Kaye? I don't know. Matagal ko na siyang hindi nakikita or nakakausap. Ang sabi ni Uno sa sobrang busy daw ni hindi niya pa nasasabi na nagkita na kami ulit dito sa NY. Pero he assured me just like before na wala akong dapat ikabahala.
Nasa restaurant na si Kaye ng dumating kami halatang busy nga siya. Ni hindi niya namalayan na nakalapit na kami sakanya. Tutok na tutok siya sa pag babasa at pag no-note. Nakikita ko ang sarili ko sakanya, noon habang nag dadate kami ng Kuya niya ay nag aaral ako.
"Kaye, bunso. Hanggang dito aral pa din?" Pag abala sakaniya ni Uno. Ngumiti siya ngunit agad din na naglaho iyon ng makita niya ako at ang magkahawak naming kamay ni Uno.
"Kuya, ano 'to?" Tanong niya. "or should I say ano na naman 'to?"
Nanlamig ako sa inasta niya. Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ibang ibang Kaye ang kaharap ko ngayon. Hindi na siya ang dating Kaye na shipper namin ni Uno.
Pinisil ni Uno ang kamay ko, his way of assuring me that everything will be okay and that he got this.
"Kaye, I know you ar-
" I am what? Mad? Yes. I am. Lagi kong sinasabi kay Kuya before not to hurt you. Pero ikaw pala 'yong paulit ulit na mananakit sakanya."
May karapatan naman talaga siyang magalit.
"Kaye,that's enough. Please?" Pakiusap ni Uno.
"No, Kuya. Ilang beses pa ba kitang makikitang walang malay because of her? Ha? Ilang beses pa ba ako ulit iiyak at mag mamakaawa sayo na mahalin mo naman 'yong sarili mo? Akala ko kaya ka sumunod dito para makalimutan mo na lahat ng sakit? Kuya naman."
"Bunso, let us talk about this over dinner. Okay? "
Tumayo siya at niligpit ang librong kanina' y inaaral niya. Buong akala ko mapapakiusapan siya ni Uno. Pero...
"I bet hindi pa alam nina Daddy at Mommy 'to. I already lost my appetite. I'll leave you two here. Have fun catching up!"
"Kaye!" Tawag ni Uno.
Ngunit hindi siya nakinig. Derederetso siyang umalis. Nag kasalubong pa sila ni Jill sa may pintuan. Kitang kita ko that Jill was about to greet her ngunit derederetso lamang siya palabas.
Nang tumingin sa akin si Uno ay agad kong nakuha ang ibig sabihin noon. Tumango lamang ako bilang pagsang - ayon at agad siyang umalis upang sundan si Kaye.
"Ate Trish, anong ginagawa mo dito? Anong nangyari kay Kaye?" Tanong ni Jill.
"We were supposed to have dinner and tell you and Kaye na -
" Wait. What? OMG! Okay na kayo? As in nagkabalikan na kayo? " The usual high pitch Jill. Sabay yakap.
"Yes. Nag kaayos na kami. Thanks to you and to my hyperacidity I guess? Pero mukhang may tutol na naman."
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...