TRICIA'S POV
"Wala munang good morning text, mas gusto ko 'to personal kong masasabi sayo. Good Morning, my Labs. Rise and Shine. Gising na breakfast na tayo" bulong ni Uno.
Hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Uno sa tabi ko.
This is what I love about mornings. Aside from being able to rest after a tiring day you also get a chance to spend another day with the ones you love.
"Goodmorning my Labs. Ang aga mo naman nagising" bati ko sakanya sabay yakap.
Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. "Get up na. Let's have breakfast." Lambing niya
"Labs, 5 mins pa, please?" Antok na pakiusap ko sakanya.
"No Labs, get up na. Maaga flight ko pabalik ng Manila. Gusto ko sabay tayo mag breakfast."
Oo nga pala. Mauuna nga pala siyang bumalik ng Manila because of work. Since bakasyon pa naman mag stay pa kami dito nina Mama ng 2 more days.
Bumangon na din ako at tumabi sakanya.
" Hindi ba pwedeng WFH ka na lang muna? Dito ka na lang din muna, Labs." Pakiusap ko.
"Labs, I would love to stay here. Pero alam mo naman kung bakit kailangan ko mauna diba? 2 days lang naman and mag kikita na ulit tayo. Sige na fix yourself na and breakfast na tayo ha?" Saad niya
"Okay. Wait for me here." Utos ko sakanya bago pumasok ng banyo.
SUNDAY - At the Dining Table
"Uno, hindi ka na ba talaga makakapag stay for 2 more days?" Tanong sakanya ni Mama.
Sana maconvince siya ni Mama.
"Tita, gusto ko po sana. Pero hindi na po kasi talaga pumayag yung client na i-move yung meeting e."
"Ah ganun ba? Sayang naman sana ay maipapasyal ka pa namin dito sa Naga."
"Sa susunod na lang po, Tita."
"Kevin, Uno sa bahay na kayo mag dinner sa Tuesday." Utos ni Mama.
Nagtataka akong nag tanong. "Dinner? May okasyon ba, Mama?"
"Wala naman. Gusto ko lang ipag luto itong 2." Agad na sagot ni Mama.
"Paborito na din ba kayong 2?" Tanong ni Jill.
Natawa na lamang kami. Bihira mag invite si Mama sa bahay. Dahil lagi din naman siyang busy sa OP.
"Sige po tita, I'll be there". Sagot ni Kevin
Tumingin muna sa akin si Uno bago sumagot kay Mama.
"Sige po. Pupunta po ako, Tita."
Nang matapos kami mag breakfast ay sinamahan ko na si Uno na ayusin ang gamit niya. Yung lungkot ko parang mag aabroad siya.
"Labs, sure ka wala ka na naiwan?" Tanong ko.
"Meron pa Labs". Agad niyang sagot
"Ano pa?" tanong ko.
"Yung puso ko, Labs. Maiiwan ko dito ng 2 days". Laglag balikat niyang sagot.
Ano ba naman Uno. Baka pumasok na lang ako sa maleta mo.
"Awww. Labs naman e. Kakaganyan mo iccancel ko flight mo sige ka." Arte kong sagot
"Gusto kong gawin mo yun, Labs. Kung hindi nga lamang talaga ako kailangan sa meeting bukas, dito na lang din sana ako." Malungkot niyang sagot.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...