Good Morning! 🌞❤️
Part 2/3
----
UNO'S POV
Jill left me with no choice but to talk to Tricia. Mula sa likuran ko ay lumipat siya sa inalisang upuan ni Jill.
In front of me is the girl I love. The girl I once thought was ready to build a life with me.
"Can we talk, please?" she said.
"Do I have a choice? We are now talking so talk."
May panguso nguso ka pa diyan. Dadaanin mo pa ako sa mga ganyan mo. Alam mo naman na kahinaan ko yan.
"I know. But not here. Can we go somewhere quiet?" at itinuro niya ang isang park na katapat lamang ng cafe na kinaroroonan namin.
Hindi na ako sumagot. Tumayo na lamang ako at nag lakad palabas.
Umupo lamang ako sa may damuhan. Hindi rin naman nagtagal at naramdaman ko na katabi ko na rin siya.
"I have 30 minutes. Anong gusto mo pag usapan?"
"Gusto ko pag usapan natin 'yong TAYO, Uno."
"Wala ng tayo, Trish. Tulad nga ng sabi ko sayo tinapos mo na diba bago ka umalis?"
Huminga siya ng malalim at natahimik.
"What really happened that day? Bakit kasama mo si Richie?" Tanong ko.
"Nagtatampo ako sayo noong araw na 'yon. Sabi mo kasi intayin na lamang kitang bumalik before tayo bumili ng mga gamit ni baby. Pero hindi ako nakatiis kasi kahit isang gamit wala pa si baby. So nagpasama ako kay Jill sa mall sinabihan ko pa siya na wag na wag sasabihin sayo- kasi alam ko na magagalit ka. Then I received a message from Kim kailangan daw namin magkita kasi may sasabihin siyang importante. And si Richie na lamang daw ang susundo sa akin. Dahil alam ko na hindi papayag si Jill sinabihan ko siya na mag ccr lamang ako. Sinamantala ko ang pagkakataon at tinakasan ko siya. Habang nasa sasakyan kami ni Richie sinabi niya sa akin that something is going on between you and
Kim -"At naniwala ka naman?" Pag putol ko sa sasabihin niya.
"He showed me pictures of you and Kim sa opisina mo pa - dito. Pumasok sa isip ko na kaya na lamang siguro ganoon ang trato sayo ni Kim kasi may gusto pala siya sayo. At baka usapan niyo na talaga 'yon para hindi ko kayo mahuli -
"That's bullshit, Trish" Pinutol ko ulit ang sasabihin niya. "Sa tingin mo talaga kaya kong gawin sayo 'yon?"
"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko that time. Gulong gulo ang utak ko. Ang daming sinasabi ni Richie na hindi ko maproseso. Hanggang sa nagkaroon na kami ng pagtatalo. Ayaw niyang itigil ang sasakyan. The last thing I know nasa ospital na ako - nasa tabi na kita at wala na ang baby natin."
" Ang tagal kong hinintay na sabihin mo sa akin ang nangyari. I thought you will tell me everything noong sinabi ko sayo ang naging encounter namin ni Kim. Ang lokohin ka ang hinding hindi ko kayang gawin. And I was planning to surprise you, nakapag usap na kami ni Jill. Pabalik na ako dapat ng Pilipinas that weekend. I warned you pero hindi ka naman nakinig. Unang beses mo pa lamang sinabi sa akin na nakipag ayos sayo ang gagong 'yon I knew something was off. Pero nakinig ka ba? Hindi. Ikaw pa ang nagalit. Sabi mo pa bakit ba hirap na hirap ako bigyan ng chance 'yong tao at kaibigan mo naman siya after all that had happened. Hinayaan kita kasi ayaw ko na pag awayan pa natin baka kako makasama pa sa kalagayan mo. Pero ngayon mas sinisi ko ang sarili ko. Sana pala hindi kita hinayaan."
Hinawakan niya ang mga kamay ko ngunit kumalas ako. Nakita ko ang pag tulo ng luha niya.
"I'm sorry. Sorry hindi ako nakinig sayo. Sorry kasi dahil sa kakagawan ko nawala sa atin si Primo. And sorry for leaving you when things are tough."
"Bakit paulit ulit mo akong iniiwan?"Tanong ko.
" Uno, hindi ko naman gustong iwan ka. Naging mahina lamang ako. Natakot. Natakot ako na iwan mo ako dahil wala na si Primo. Natakot ako na baka matagalan ako sa pag tanggap sa nangyari kay Primo mapagod ka at iwan mo ako. Kaya minabuti ko na lumayo para hindi ko makita na napapagod ka na."
"Lagi mo akong iniiwan dahil lagi mo iniisip na mapapagod ako. Trish, bakit kita iiwan dahil wala na si Primo? I proposed to you without knowing na buntis ka. Mahal kita hindi lang dahil buntis ka. With or without baby I love you. And Primo was made out of love not just because gusto ko or gusto mo. Mas pinili mo na hindi ipakita na nasasaktan ka? Ako ba naisip mo? Nasaktan din ako at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Baka nga. Baka nga yung mga nangyari is the Universe way of saying na hindi tayo para sa isa't-isa at tama lamang na hindi natuloy ang kasal natin." Sabay tayo para umalis na.
"Aalis ka na? Please, stay. Please"
Hindi ko siya pinakinggan. Tumalikod na ako at naglakad palayo sakanya.
"Mahal kita, Uno at alam ko mahal mo din ako. Hindi ako susuko kahit itaboy mo pa ako."
Huminto ako at muli siyang hinirap. "Too late, Trish." At tuluyan na akong umalis.
TRICIA'S POV
Kung noon naging madali na magkabalikan kami this time mukhang mahihirapan ako pero hindi ako susuko. It is not too late, Uno. Susuko lamang siguro ako kung isang araw ay kasal ka na sa iba but until then kukulitin kita.
Kinaumagahan ay sinadya kong pumunta sa opisina niya. Wala naman siyang ibang pupuntahan at kilala na din ako ng mga tao dito. Minabuti kong maghintay sa lobby dala dala ang niluto kong breakfast for him.
Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko siyang nag lalakad papasok ng building. Bagay na bagay sakanya ang suot niyang black suit dala na rin ng tangkad niya. Ang gwapo gwapo ng Uno ko pero may kulang. Kulang ng ngiti. Kulang ng kislap ang kanyang mga mata hindi tulad ng dati.
At mas kumunot pa nga ang kaniyang noo ng makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Hayy. Wala man lamang good morning, Tricia? Pero sige wag na. Good Morning, Mr. Villarama I brought you breakfast." nakangiti ko pang ipinakita ang dala kong bag na kinalalagyan ng breakfast niya.
Pero hindi niya ako pinansin. Nilampasan niya ako at nagtungo na sa may elevator. Sinundan ko siya. Sakto namang bumukas agad ang elevator at pumasok siya.
" Ikaw na lamang kumain niyan. Nagbreakfast na ako" sabi niya.
"Babalik ako sa lun-" at tuluyan ng sumarado ito. Di bale babalik ako ng lunch.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...