Always - 19

259 5 0
                                    

TRICIA'S POV

Labs I'm sorry for hurting you. Please be well. Sana pag nakita ulit tayo mapatawad mo ako.

Mas lalong sumasakit araw araw. Hindi ko alam paano ako uusad pero alam ko na kailangan.

Araw araw ako nag hihintay kung may balita kay Uno. Pero araw araw din akong nawawalan ng pag asa na baka hindi ko na siya makitang muli.

"Jill, day 180 na today. Wala pa din ako makita or nadidinig na kahit anong balita." Ganito lagi nag sisimula ang umaga namin ni Jill, simula ng malaman ko na lumipad na sila Uno for his heart transplant

Laglag balikat na sumagot si Jill." Ate Trish, don't you think it is about time to give up? Baka ayaw na talaga nilang ipaalam sa atin kung ano man ang nangyayari. Kahit si Kaye never na nag post sa social media niya since the day they left."

Kahit si Ate Aika wala din balita. Ipinagbebenta na daw ang bahay nina Uno sa Pilipinas pati ang beach house nila sa Batangas kung saan nag proposed si Kuya Kevin kay ate ay iba na din daw ang nag mamay ari. Ibang management na din ang naghahawak sa company nila. Ang tanging pinanghahawakan ko na lamang na pag asa na makikita ko pa siya ay ang LOA status ni Kaye sa school. Kung naka LOA pa si Kaye ibig sabihin babalik pa siya. Hindi siya pwedeng mag enrol or mag aral sa ibang school hanggang naka LOA pa siya. Maaring bumalik pa sila. Sana ay nasurvived ni Uno ang transplant. Sana ay nag papagaling lamang siya at babalik din. Kung tutuusin ay kayang ipatrace ni Mama sa DFA o sa BOI kung nasaan ang pamilya nina Uno, ngunit ayaw kong gamitin ang posisyon ni Mama sa personal na interes.

Dala dala ko ang maliit na pag asang buhay pa siya at baabalik din siya ulit. Gagawin ko lahat malaman ko lamang kung kumusta na si Uno. Kung kailangan ako manligaw sakanya ay gagawin ko. Kung kailangan ko lumuhod ay gagawin ko. I want him back.

"Ate Trish, halika na. Baka malate na tayo sa flight natin." tawag ni Jill

Pinunasan ko ang luha ko at ibinalik ang picture namin ni Uno sa wallet ko bago ako sumunod kay Jillian.

FA: Ladies and Gentleman, we have just landed at the Ninoy Aquino International Aiport. Philippine Airlines welcomes you to Manila. On behalf of...........

"It is nice to be back. Are you ready, ate?" Tanong ni Jill habang hawak ang kamay ko.

Ngiti lamang ang naging sagot ko sakanya at agad na din sumunod kay Jill palapag ng eroplano.

Habang iniitay namin sina Ate ay bumalik na naman sa alala ko ang ngyari. Dito sa kinatatayuan ko, dito ko tinapos ang sa amin ni Uno. Dito ko winasak ang taong pinakamamahal ko. Ramdam ko ang pag tulo ng luha ko na agad kong pinunasan para hindi na makita ni Jill at Ate.

"Kumusta ang byahe?" agad na tanong ni ate. Una siyang yumakap kay Jill. Simula nang maghiwalay kami ni Uno, minabuti ko na wag umuwi unlike Jill na every 4 months ay nagpipilit na makauwi.

"Welcome back home, Patty!" sabay yakap ni ate aiks. Si Kuya kevin naman ay agad inilagay ang mga gamit namin sa sasakyan. " You, ready to finish the race?" dugtong ni ate aiks.

"Namiss kita ate aiks." alam ko na nagkaroon kami ng mga hindi pag kakaunawaan sa mga desisyon kong hindi niya maintindihan.

"Namiss ko kayong 2. Mabuti naman at may kaibigan na ako ulit." dagdag niya

"Nasaan si Mama, ate?" tanong ni Jill

"Nag pareserved ako sa favorite resto mo Patty. Doon na tayo immeet ni Mama, Jill". Sagot niya

Yumakap din si Kuya Kevin sa amin ni Jill bago kami pumasok sa sasakyan. Hindi ko alam pero parang may iba sa yakap nila ni Ate, ramdam ko yung pag aalala nila. Ramdam ko sa yakap nila na magiging okay din lahat.

AlwaysWhere stories live. Discover now