TRICIA'S POV
Mula pa sa sasakyan hanggang makarating kami sa bahay nila ay hindi niya ako kinakausap. Pero hindi niya naman inalis ang pag kakahawak ko sa kamay niya. Inalalayan din niya ako sa pag baba sa sasakyan kanina.
Dati dati pinapauna niya ako maligo at mag bihis pero ngayon nauna siya ng walang pasabi. Pag labas ko pa ng banyo ang Uno nakahiga na at tulog na ata. Mukhang hindi nga talaga siya makikipag usap sa akin.
Bukas bibili talaga ako ng 4 na alarm clock.
Nang matapos ko ang routine ko ay agad din ako tumabi sa kanya.
Niyakap ko siya pero tinalikuran lang ako. Since kasalanan ko at makulit ako niyakap ko lang ulit.
"Labs, sorry na. Bati na tayo oh. Sorry na, please?"
"Diba nag promise tayo na kahit gaano tayo kabusy hahanap tayo ng time? Bakit parang hindi naman?" sagot niya.
Naguguilty na ako. Busy din naman siya pero lagi lagi siyang humahanap ng time for me. Pag sobrang down na down na ako isang text ko lang ng Labs, maya maya nasa parking na yan ng ospital may dalang coffee and flowers to cheer me up. Eto yung iniiwasan ko e. Yung hindi ko marepciprocate yung nagagawa niya. Ito yung naging dahilan bakit ko siya iniwan noon e, natakot ako.
"I know, Labs. Sorry na talaga. Hindi ko masasabing di na mauulit kasi ilang beses ko na nagawa. But pipilitin ko." malungkot na sagot ko sakanya. Nakatalikod pa din siya pero mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.
"Gustong gusto kita ipakilala sa lahat kanina pero late ka na dumating. Ang daming naghahanap sayo pero wala ka naman. Anong isasagot ko sa kanila tulog ka?"
Hindi ko na alam paano siya susuyuin. Naiiyak na ako. Importante kasi sa kanya 'tong araw na to.
"I am not demanding too much of your time. Alam ko na halos sa ospital ka na nakatira, pero akin lang naman pag off mo kahit 1 or 2 hrs lang para sa akin. Pero lagi mo pa din ako nakakalimutan. "
Mas lalo ko naramdaman yung tampo ni Uno. Masakit pala talaga pag alam mo na mali ka. Hindi na ako nakasagot sakanya. Nanatili na lang ako nakayakap sakanya hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako.
Yes pati panunuyo ko nakatulugan ko pa. So ano na, Tricia? Kaya pa ba?
Nagising ako na wala na si Uno sa tabi ko.
Nag punta ako agad sa home office niya pero wala siya. Pag labas ko ay nakita ko naman si Kaye na paalis na papuntang school.
"Good Morning, Kaye. Nakita mo si Kuya mo?" agad kong tanong.
"Good Morning din, Ate Trish! Hindi ba nag paalam sayo? Maagang umalis may client meeting sila ni Dad." Tugon niya.
Tampong tampo nga ni hindi man lamang nag paalam sa akin. Di ko na alam ano gagawin ko. Back to duty na ako ulit after lunch pero hindi pa kami okay.
Nauubusan na ako ng pasensya pero kasalanan ko naman. Nag ask pa ako kay Jill ng tulong baka malalaman niya kung nasaan pero wala ayaw ako tulungan.
Nakarating na ako't lahat ng ospital di pa din siya nag tetext man lang. Hindi katulad dati na kahit sobrang tampo niya na nag rereply naman yun at nag papadeliver ng kape pero ngayon wala.Matagal tagal pa ulit bago kami mag kita kung hindi siya pupunta dito sa ospital.
UNO'S POV
"Kuya Uno, hindi mo pa din papansinin si Ate Trish?" Hinahanap ka, nagtext." tanong ni Jillian
Meron bang nag sosorry na mas nauna pa nakatulog sa akin?
Iniwan ko si Tricia kanina na natutulog pa. Nag paalam naman ako sakanya pero sadya lang mantika siya matulog. Okay naman na sa akin yung ngyari kahapon pero titiisin ko muna siya ngayon para naman maramdaman niya na naghahanap din ako.
May breakfast meeting kami kanina with a client and dumeretso ako ng condo nila Trish para sa plan ng proposal. Jill is helping out. Si Ate Aiks naman over video call muna tumutulong dahil kakapanganak pa lang niya.
"Hayaan mo na lang muna siya, Jill."
Si Jill ang nag conceptualized ng buong proposal. Naisipan niya na isabay na sa binyag ng anak ni Ate Aiks. Parang after party ang mangyayari sa bahay nila Ate Aiks, since malaki naman ang garden nila. Very intimate gathering with our family and friends. Jill already planned everything nag kikita lang kami pag may tinatanong siya kung may gusto ako idagdag or bawasin.
"Kuya Uno, we are all set na. Sagot na lang ni Ate Trish ang hihintayin natin. Kinakabahan ka?"
"Oo naman Jill. Syempre hindi ko naman hawak ang isip ng ate mo. Malay natin mag No pa." sagot sa kaniya.
"Kawalan na ni Patty pag nag No pa siya" singit ni Ate Aiks na kavideo call namin.
Ate Aiks gave birth to a healthy Baby Girl named Kalila Celeste. Ibig sabihin daw nun Heavenly Love. Ang unique ng name and bagay na bagay kay Baby. Kung mag kakaanak kasi kami ni Trish ang gusto ko combination ng names ng Lolo and Lola.
Ayaw ko din naman maramdaman ni Trish na binabalewala ko siya. Okay naman na sa akin yung ngyari kagabi and miss ko na din siya.
Nasa parking na ako ng ospital ofcourse with coffee and flowers. Hawak ko na phone ko para imessage siya pero pinigilan ko. Hahayaan ko muna siya. Ang alam ko kasi straight duty siya, so malalaman natin kung makakatiis ba siya.
Habang nag mamaneho ako pauwi naisip ko - ako ba makakatiis? Gustong gusto ko mag U-turn para bumalik ng ospital pero.... sige panindigan muna natin.
Ready na ako matulog ng biglang tumunog ang phone ko. Malamang sa malamang si Tricia ang nagtext.
Hindi nga ako nag kamali si Tricia nga ang nagtext. Aba at ginagamit pang bala ang kambal. Sinagot ko naman, baka kasi nag aalala kung nakauwi na ba ako. Pero kahit pa ginamit mo na ang kambal card - tampo pa din ako.
————
Friday naman kaya medyo ginanahan.Enjoy Reading and Ingat po tayong lahat.
❤️
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...