TRICIA'S POV
Gusto ko sana ay nakabalik na ako sa ospital bago pa ilipat si Uno from ICU to a private room but because of the traffic na late ako. Nakatanggap ako ng text mula kay Tita Stella na nailipat na siya.
When I reached his room dahan dahan akong nag bukas ng pintuan. Narinig ko pa na nag uusap sila ng mommy niya. Hindi ko naman gustong marinig iyon pero huli na.
"Ngayon dapat nag sisimula na kami sa pag aasikaso ng kasal namin, Mom. Pero andito ako limitado ang mga galaw."
Dahan dahan akong pumasok sa loob dahil may divider pa bago ang kama ni Uno hindi nila ako agad nakita.
"This not the life I envisioned for us. I wanted to give Tricia the world. Mom, mahal na mahal ko si Trish. Pero sa tuwing makikita niya akong ganito masasaktan at masaktan siya."
"Anong ibig mo sabihin? "
"I was thinking, Mom, kung tama bang nagkabalikan kami? I love her I really do. Once we get married she will carry all this burden."
Sumisikip ang dibdib ko sa mga naririnig ko.
"Malapit ko ng isipin na hindi ikaw si Uno. Ang Uno na kilala ko hindi ganyan mag isip at hindi ganyan mag salita. Anak, mahal ka ni Trish. Kita namin ng Daddy mo 'yon. Iniisip mo na mapapagod siya at iiwan ka?"
Hindi ko narinig ang sagot ni Uno.
"Hindi ba yan din ang dahilan kung bakit kayo nasaktan noon? Sige ipag palagay natin na doble yung sakit na naramdaman mo dahil ikaw yung iniwan. Pero sa tingin mo ba hindi ka masasaktan diyan sa iniisip mong gawin?"
Hindi ko pa din narinig na sumagot si Uno. But sh*t ang sakit. Baka mauna pa akong atakihin sa puso sa mga naririnig ko.
" Sabi mo nga, Trish, is one of the reasons bakit ka pumayag sa transplant. You two got back together. You were given another chance. Why would you like to let go of that chance, Anak? Sa tingin mo ba papayag si Trish mag pakasal sayo kung nakikita niyang burden ka? Mahal ka niya at mahal mo siya. Wag mong saktan ang sarili mo. Wag mo siyang saktan. Wag niyong saktan ang isa't - isa. "
" Mom, mas lalong masasaktan si Trish pag nag tagal at ayaw ko mangyari 'yon. "
" Kung maririnig niya yang mga sinasabi mo akala mo ba hindi siya mas masasaktan? Anak, parte ng pag mamahal ang sakit. Hindi puro saya. At sa tingin mo ba hindi mo ako sinasaktan sa mga sinasabi mo? Anak, parang sinasabi mo na din sa akin na sukuan na kita. Malakas ka. Sabi nang Ninong mo kailangan lang ng extra ingat. Nakaligtas ka na sa kinatatakutan natin, ngayon ang kailangan lang natin gawin ingatan yang bagong puso mo. "
Ramdam ko iyon. Tagos sa laman ang mga binitawang salita ni Tita. Kung nasasaktan ako alam ko na mas nasasaktan siya.
" Last week you are full of hope and love. Anong nangyari sayo, Anak? Wag ganito. Wag mo pangunahan ang mga pangyayari. Mabubuhay ka pa ng matagal."
"Mom, hindi naman madali 'to. Pero kung kailangan ko siyang i-let go para wag na siyang masaktan in the long run kahit mahirap —
" So, iiwan mo ako? "
Lumingon sila pareho ni Tita Stella sa kinatatayuan ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko na kayang iproseso ang mga sinasabi ni Uno.
" Trish, Anak. "
Lumapit si Tita Stella sa akin, yumakap.
"Lalabas muna ako. Talk to him, Trish."
Hinintay kong makalabas si Tita Stella bago ako lumapit kay Uno. Pinauupo niya ako sa kama pero tumanggi ako.
"So iiwan mo ako? Gumaganti ka ba dahil iniwan kita noon? Bakit?" sunod sunod na tanong ko.
Sa halip na tingnan niya ako ay tumungo siya.
"Hindi ko gusto pero ayaw kong mahirapan ka. This will not be the last time na makikita mo akong ganito. Alam kong alam mo 'yon dahil Doktor ka."
"This is not supposed to be like this. Hindi dapat ganito yung pinag uusapan natin. Dapat nagpapahinga ka."
Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko bigla akong nawalan ng karapatan na hawakan siya. Pakiramdam ko may malaking pader sa pagitan naming dalawa.
" Trish, you deserve the world. You deserve to be happy. Pero hindi ko alam kung palagi kong magagawa 'yon."
"Yes, Uno tama ka. I deserve the world. The world with you in it. Tama ka, I deserve to be happy. Pero gusto kong tumawa at umiyak kasama ka."
"Trish —
He was about say something pero may dumating na mga nurse.
" Doc Tricia, ECG lang po namin si patient. "
Tumango lamang ako at nilingon si Uno.
" I'll go find Tita Stella."
Hindi naman ako nahirapan na hanapin siya. Iisa lang naman ang lugar na pinupuntahan niya dito sa ospital — sa Chapel.
"Tita, aalis po muna ako. Kayo na po muna ang bahala kay Uno." pag papaalam ko.
"Hija?"
" May kailangan lang po akong puntahan. Pero babalik din po ako. May mga nurse po sa room ni Uno ngayon. Mauuna na po muna ako."
Kay Ate. Kay Ate Aiks ko lamang naiisipan pumunta. Alam ko na ako dapat umalis pero para akong sinasakal. Bumabalik sa isip ko ang nakaraan —
" Ate Aiks ganito siguro ang pakiramdam ni Uno noong tinataboy ko siya. "
" Ano bang nangyari, Patty? Wait hindi ko maintindihan." Tanong ni Ate
Ako din hindi ko din maintindihan. Okay naman kami e - ang alam ko okay naman kami.
I told Ate Aiks what I've heard and ang naging usapan namin ni Uno. Kung kanina sa ospital napigilan ko umiyak, habang kausap ko si Ate Aiks binuhos ko na lahat.
"Patty, magulo lang ang isip ni Uno ngayon which I know you understand. So go back to where he is, take good care of him."
"Natatakot ako, Ate."
"I know. Pero alam ko na kaya mo yan. Umpisa pa lang yan ng mas madami pang mabibigat na pag subok na dadating sa inyong dalawa. Sige iiyak mo pag tapos ka na bumalik ka na sa ospital. Mas ngayon niyo kailangan ang isa't - isa. Be each other strength."
Kinailangan ko lamang huminga. Babalik at babalik pa din sayo. Mahal na Mahal kita, Uno.
——————
Good Morning! ❤️
Follow me on twitter @bravingKD
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...