Always - 31

350 9 0
                                    

UNO'S POV

I was able to booked a private beach resort in Batangas for us. At tulad ng plano umalis kami after lunch. Hindi naman ganoon kalayo ang batangas.  Hinayaan ko na lamang matulog si Tricia sa byahe para may energy na siya pag dating namin sa resort. Magandang opportunity na din ito to make up for the lost time.


Nang malapit na kami ay sinimulan ko na siyang gisingin.


"Labs, gising na muna. Malapit na tayo." Ngunit wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Mukhang pagod na pagod si Doc.


Nakarating na kami't lahat sa resort ay tulog mantika pa din ang mahal ko. Kaya naman may kapilyuhan na naman akong naisip. Ayaw mo sa santong dasalan ha dadaanin kita sa santong paspasan. At pinutakti ko siya ng halik sa kanyang labi.


"Labs, pagod ako. No twins talk muna, please."


"Alam ko naman na pagod ka. Pero andito na po tayo. Gising ka na dyan para makapag pahinga ka na ng maayos sa room." agad na tugon ko sakanya.



Unti unti na din naman niyang dinilat ang kanyang mga mata. "Akala ko nag tatake advantage ka na naman e. Bakit ngayon mo lang ako ginising?"

Hala siya. Kanina pa po kita ginigising mahal na Doktora. Sadyang tulog mantika ka lang.


"Baka naman mag pa good boy ka na naman kay Mama at bumukod ka na naman ng room. Hindi bagay sayo, okay?"


Tinawanan ko na lamang siya. Hindi na ko kukuha ng hiwalay na room baka maudlot pa ang kambal e.


Kanya kanya partner kanya kanyang kwarto. Si Tita Leni naman ay kasama ng Mommy ni Kevin sa room.


Talagang pagod na pagod ang Doktor. Pag kapasok na pagkapasok sa kwarto kama agad ang niyakap. Tumalikod lang ako saglit para iayos ang mga gamit namin pag tingin ko tulog na ulit. Mukhang hindi dito mabubuo ang konsepto ng kambal. Soon kambal ha mommy niyo e walang energy today.


Sina Jill and Michael nakita ko na nag ppicture na sa may dagat. Sina Ate Aiks  at Tita Leni naman ay mukhang nag papahinga rin. Matapos kong maiayos ang mga gamit namin ay tinabihan ko na din si Tricia sa kama. Napagod din ako sa 3 oras na pag mamaneho. Hindi ko na din namalayan na nakatulog na ako.




Nagising lamang ako sa mga halik ni Tricia. "Labs, oy gising na gabi na. Dinner na."


Pag mulat ko aba nakaligo na ang  Dokotorang puyat. Ang ganda naman ng bumungad sa akin. Sana araw araw ganito.


"Naligo ka na? Di mo ko ginising sana sabay tayo".


"Loko! Bangon na maligo ka na at mag didinner na daw. Kanina pa nagtetext si Mama. Kilos na Labs."


"Dito na lang tayo mag dinner. Ikaw na lang dinner ko." Mapilyong lambing ko.



"Kilos na, Labs. Sige na po. Naready ko na yung damit mo. Go na." Utos niya sabay halik.


Sino ba naman hindi gaganda ang gising pag ganito lagi ang mood ng Doktora. Hay sana laging ganito. Lahat ng utos susundin ko basta may kiss sa lips.


Agad din kaming bumaba para sa dinner. And as expected since kami na lang hinihintay sa amin na naman po ang attention ng lahat. Nakalimutan ko na andito na nga pala ulit si Jillian"mapang asar" Robredo.



At hindi nga ako nag kamali. Tumayo pa ang bunso. 

"Oh may mukha na ba yung pangalawang pamangkin ko?" Kitang kita ko pag taas ng kilay ni Tricia sa sinabi ni Jillian.


"Mama si Jill oh." Agad na sumbong ni Tricia

" E may mukha na nga ba ang pangalawang apo ko?" gatong ni Tita Leni


Aba aba mukhang hindi naman na pala problema kay Tita e. Gagawin na yan mamaya. Dessert!


"Maaa!" Angal ni Tricia


Nagtawanan na lamang kami. Naging okay naman ang dinner. Mahirap lang kausapin yung Michael ni Jill pinoy naman pero hindi talaga nakakaintindi ng tagalog. Nakakangalay.

TRICIA'S POV

The dinner went well. But as expected ang mapang asar na duo si back. Ieenjoy ko muna 'tong break na to bago ko isipin ang pakikipag usap kay Richie.


"Labs parang gusto ko na umakyat sa room. Biglang sumama yung pakiramdam ko." bulong ni Uno


Tiningnan ko pa siya ng masama. Nag kakayayaan kasi na mag lakad lakad muna sa may tabing dagat. Medyo maaga pa din naman.


"Labs, ano na naman yang nasa isip mo? Kapilyuhan na naman ba yan?"

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa kanyang noo. Shocks! Mainit nga siya. Akala ko nag loloko lang. Unang dapat maiwasan ay ang magka lagnat siya. Dahil maaring infection iyon na hindi maganda sa mga patients na nag undergo ng transplant.


"Kaya mo mag lakad?" tanong ko sakanya

"Mauuna na kami sainyo umakyat." Pag papaalam ko.


"Ate Trish, maaga pa ah. Mukhang magkakamukha na nga ang pangalawang pamangkin ko." pang aasar na naman ni Jill


Lagi talagang may hirit 'tong isang to.


"Not funny Jill. Uno is not kay, may lagnat siya. Ma, mauna na kami sa kwarto para mapainom ko ng gamot at makapag pahinga na." Pag papaalam ko.


Agad naman sumangayon si Mama na may pag aalala. Kinakabahan ako pero hindi ko dapat ipakita yun kay Uno. Alam ko na alam niya ang dapat gawin at bilang doktor alam ko din iyon. Napagod siguro siya at nastressed  dahil sa ngyari sakanila ni Richie kaninang Umaga.



I checked his temperature pag kadating namin ng room- 38°c kaya agad ko siyang pinainom ng gamot at pinahiga para makapag pahinga na. Hinang hina daw siya. Sabi niya naman this is not the first time na ngyari sakanya 'to after the transplant. Masyado kaming malayo sa ospital kaya hindi ako pwede kumurap. Ininform ko din agad sina Tita Stella nangyayari daw to kay Uno pag sobrang pagod pag nakakatulog naman daw ay nawawala din agad.




Naalimpungatan ako  sa tawag ni Uno.

"Labs, bakit nandyan ka? Dito ka. Higa ka na dito." Nakatulog na pala ako sa may upuan.

Nang icheck ko si Uno hindi na siya mainit at nanghihina na lamang daw siya. Nanibago lamang daw siguro siya kasi ngayon lang ulit siya nag maneho ng mahaba.


Ang dami ko pa pala ulit kailangan malaman kay Uno. Madami na ang nagbago. Kailangan ko na din iadjust yung sarili ko sa mga pag babago.


"Mahal na Mahal kita Labs. Andito lang ako sa tabi mo ha? Hindi na kita ulit iiwan".


Pahinga ka lang diyan. Pag gising mo andito pa din ako.


——————
Hopefully maka 2 chapters ako bukas. Depende pa.

Enjoy po and thank you sa suporta!

❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now