Always - 58

352 19 3
                                    

Sorry for the late update again. Medyo madaming ganap. Yung iba baka mabore sa update na 'to 🤣

Wag mag alala sinusulat ko na ang I DO nila.

Enjoy reading and thank you for the support.

You can also follow me on twitter :@bravingKD

Part 2/2

TRICIA'S POV


"Bakit ka pa bumalik?"


I am lost for words. Uno assured me na okay naman silang nakapagusap ni Kaye pero bakit ganito ang bungad niya sa akin?



Binalot ng katahimikan ang buong apartment nila matapos ang tanong na iyon. After niya akong tanungin ay bumalik siya sa pag babasa. Ako naman ay nanatiling nakatingin lamang sakanya.




"Mahirap bang sagutin? You used to be my idol. But I don't get your life choices. Siguro nga sobrang bata ko pa the first time you left him. Kaya noong bumalik ka tuwang tuwa ako. But the second time matanda na ako para maintindihan lahat lahat. Hindi na ako magmamakaawa ulit sayo para kay Kuya. Sana naman this time panindigan mo na ang desisyon mo."




"Kaye,I'm sorry. But to answer your question bakit pa ako bumalik? Bumalik ako kasi mahal ko ang kuya mo. Nagkamali ako at gusto ko na itama 'yon. Kaya sana -




"You don't have to say sorry. Wala na din tayong dapat pag usapan pa ng matagal."


Nagsimula siyang magligpit ng mga gamit niya sa lamesa at tumayo.




"I will be attending your wedding dahil mahal ko si Kuya. After that I will be back here in NY. One last thing for me, oras na iwan mo ulit ang kapatid ko ako na mismo mag lalayo sakanya mula sayo. I can't lose him just because of you. Not now not ever. It's up to you kung anong sasabihin mo kay Kuya after this. " at tuluyan na siyang umalis at pumasok sa kanyang kwarto.




I was left speechless. Hindi ganitong usapan ang inaasahan ko. But atleast aattend siya ng wedding at 'yon naman ang importante.



Naghintay muna ako ng ilang minuto. Nag isip kung dapat ko bang sabihin kay Uno kung anong naging usapan namin ni Kaye. Alam ko naman na dapat pero nagtatalo ang isip ko. Baka mamaya kapag sinabi ko ang totoo magkaroon pa ng conflict ang magkapatid at ayaw kong mangyari 'yon.



I decided not to tell him. As I walk towards his room ang iniisip ko lamang ay ngumiti sa harap niya as if everything is okay. Nangako ako na hinding hindi ko na siya iiwan at papanindigan ko 'yon. Kung kailangan ko din iassure si Kaye gagawin ko.



Naabutan ko siyang natutulog. Wala pa naman dalawampung minuto ang itinagal ng usapan namin pero nakatulog na agad siya. Mukhang pagod na pagod. Habang pinag mamasdan ko siya ay bumalik sa isip ko ang sinabi ni Kaye "I can't lose him just because of you. Not now not ever." Paulit ulit sa isipan ko."I can't lose you too, Love. Not again."

Ayaw ko sana siyang gisingin pero pinapanindigan ko ang pagiging clingy ko sakanya. Ewan basta gusto ko lagi akong nakadikit sakanya.


Humiga ako katabi niya. Sapat para masilayan ko ang napakagwapo niyang mukha.I kissed him.

"Hmm.Sarap naman." he said half asleep. "How was your talk with her?" sabay yakap at tulad ng paborito niyang gawin sinubsob na naman niya ang ulo niya sa leeg ko.


"It was good." I lied.




"Okay that's good. So, magbobook na tayo ng ticket pauwi? Gusto ko ng maibalita kina Mommy ang good news. Ofcourse excited na din ako na hingin ulit ang blessing ni Tita at ni Ate Aiks."


AlwaysWhere stories live. Discover now