Always - 25

274 6 5
                                    

TRICIA'S POV


Shocks! Ang sakit ng ulo ko. Nakapa ko naman agad ang aking salamin at agad isinuot iyon. Laking gulat ko ng mapagtanto ko na wala ako sa aking kwarto. Hindi din ito isa sa mga kwarto sa bahay nina Ate.



Inilibot ko ang aking paningin at namataan ko ang isang nakatalikod na lalaki na nakatanaw sa kawalan. Mukhang sobrang lalim ng iniisip niya. Ni hindi niya na nalamayan na gising na ako.


Kilalangkilala ko ko siya. Kabisadong kabisado ko ang lalaking ito - Uno, mahal ko.



Malaya ko siyang tinatanaw. Gusto ko ng umalis ngunit gusto ko din tumakbo palapit sakanya at yakapin siya.



Naalala ko ang mga pangyayari kahapon. Akmang tatayo na ako upang umalis ng bigla siyang nagsalita.




"Good Morning, gising ka na pala. Kumusta pakiramdam mo?" Palapit siya ng palapit sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Napigilan niya ang pag bukas ko sa pintuan. " Trish, no one is leaving. Let's talk."



"Let me go". Pag pupumilit ko habang nilalabanan ang mga kamay niyang nakahawak sa door knob ng pintuan.



"No, Trish. This time I won't let you go."




Sa isip ko, pa I won't I won't let you go ka pa e may asawa at anak ka naman na.


Niyakap niya ako mula sa likuran ng sobrang higpit. God! Namiss ko 'to pero mali. Kailangan ko ng umalis.



"I really need to go, please." Ngunit mukhang wala siyang naririnig. Mas lalo lang humigpit ang yakap niya at ipinahinga ang kanyang ulo sa aking balikat.



"Trish, no. No one is leaving hanggang hindi tayo nakakapag usap." Naramdaman ko ang pag bigat ng aking mga mata na para bang kahit anong oras ay ibabagsak na naman nito ang aking mga luha.



Bumalik sa alaala ko ang araw na iniwan ko siya sa kabila ng lahat ng pakiusap niya. Pero this time I really needed to go. I need him to let go. In as much as I wanted him back ayaw ko makasira ng pamilya.



Pinilit kong kumalas sa yakap na iyon. Nabuksan ko ang pintuan ngunit bago pa man ako makalabas ay muli na naman siyang nag salita.


"You really are good at this. Running away. Leaving people behind your back."


Sh*t ramdam na ramdam ko ang sakit sa sinabi niya.


"Trish, ito ba talaga yung gusto mo? Ito ba talaga yung kailangan mo? Paano naman ako? Hindi ko ba deserve ang paliwanag mo? Kung bakit mo ako iniwan? Kung bakit mas pinili mo akong saktan?"



Alam ko na umiiyak na si Uno, halatang halata ang pag garalgal ng boses niya. Nanatili akong nakatalikod sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.



" Sa loob ng 2 taon, pinilit ko na intindihin ka kahit sobrang sakit. Kahit sobrang hirap. Ang daming tanong sa isip ko. Masyado ba akong naging aggressive? Nasakal ka ba ng pag mamahal ko? Oh talaga bang ganun lang ako kadaling iwan? Siguro nga talagang ako ang may problema. Hanggang ngayon gusto ko malaman saan ako nagkulang? "




Nang hinarap ko siya ay tama nga ako umiiyak siya. Umiiyak siya na tulad noon." Uno, ayaw ko ng makasakit pa ng iba "


" Ayaw mong makasakit ng iba kaya ako na naman ako sasaktan mo? Kahit naman noong tayo pa iniingatan mo ang nararamdaman ni Richie. I guess mas lalo pa ngayon."



"Bakit naman napasok si Richie sa usapan na 'to?" pag tatakang tanong ko.

"Kasi siguro kayo na? Ayaw mo siyang masaktan."


"Walang kami ni Richie, Uno."


"Kung wala naman pala kayo ni Richie, sinong ayaw mo masaktan? May iba pa ba? Yung bang nakita kong kasama mo sa US?"


Alam ko na ang tungkol sa asawa at anak mo.Sila ang ayaw ko masaktan.

UNO'S POV

"Wala akong boyfriend at wala akong naging boyfriend simula noon. God knows kung gaano ko katagal hinintay na makabalik ka. Dahil gusto ko mag sorry sayo kasi nasaktan kita."


Kitang kita ko ang pag bagsak ng luha sa mga mata niya.


"Gusto mo pala mag sorry pero bakit aalis ka? Bakit hindi mo ako kausapin? Sinong ayaw mong saktan? Ako? Hindi mo ba alam na mas sinasaktan mo ako sa ginagawa mong yan? tanong ko sakanya.



" Yung mag ina mo ang ayaw ko saktan. Sabi ko sa sarili ko kung makita kitang masaya hahayaan na kita. Kasi after ng ginawa ko sayo derserve mo na maging masaya." pahayag niya


Anong mag ina? Saan mo ba nakuha yang ideya na yan. Kagabi ka pa ha. Fake news!


—————
Wag kasi tayo mag assume agad 😁
Salamat po sa 1k+ na nag babasa!

Magkakabalikan kaya sila?

❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now