TRICIA'S POV
-Condo
"Nakakahappy talaga mag work out. Ang refreshing lang" sambit ko ng makapasok kami ng condo.
Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin ni Jill. "Okay ka lang ba ate Trish? Una pa lang talaga masama na kutob ko sa Jacob na yun e. Pero dahil mahal mo nagtiwala ako. Pero sisikmuraan ko talaga yun pag nakita ko sya."
"Iyakan mo lang ng konti tapos move on na. Hindi sya worth it. May dadating na taong parang sayo" Dagdag pa ni Ate Aiks at yumakap na din.
Gusto ko ng maiyak ulit pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Ayaw ko pumasok bukas na namamaga na naman mga mata ko. "Okay lang ako. Ito ang sinayang mo ang peg ko ngayon. Don't worry mawawala din tong kirot. At hindi na ako maghahanap. Kung dadating sya e di dadating. Kung para sa akin e di para sa akin." Tugon ko sa kanila.
"Wow ikaw ba talaga si ate Trish? Parang ibang tao ka ah. Strong yarn?" Pang aasar ni Jillian. "Pero seriously ate, wag mo ng hayaan na malungkot at umiyak ng umiyak ka dahil sa kanya. Be happy at tama ipakita mo sakanya na ikaw ang sinayang nya."
"Oh sya, kilos na at mag ready na kayo matulog. Sabay sabay tayo bukas mag bbreakfast. Sabi ni Mama by 8AM daw andito na sya". Utos ni Ate Aiks.
"Okay ate. Aakyat na po. Ikaw di ka pa ba matutulog?" tanong ko
"Iccheck ko lang dito sa baba at aakyat na din ako. Mauna na kayo."
"Okay, ate. Good night" Sagot ni Jill
-THE NEXT DAY
Nagulat ako na biglang may yumakap sa akin. "Trish, trish. Wake up na, anak". Akala ko panaginip lang. "Mama, andito ka na pala. Kumusta po ang byahe?"
"Okay naman, nakakapagod pero atleast andito na ako sa bahay. Nakauwi na sainyo. Ikaw kumusta ka? Kumusta to? Sabay turo ni mama sa bandang puso ko.
Mag sisinungaling ako kung sasabihin ko na okay na ako. Pero alam ko na maiintindihan ako ni Mama. Yakap nya palang nakakagaan na ng pakiramdam.
"Magiging okay din ako, Ma. One step at a time. Hindi din naman madali na kalimutan sya kasi 4 years din yun. Pero mas nangingibabaw na sa akin na hindi naman ako nagkulang. Alam ko naman na naibigay ko lahat. Siguro talagang tamang pagmamahal pero sa maling tao. Lilipas din po ito. And may mga mas importanteng bagay pa dapat ko unahin".
"Tama naman yan, anak. Pero wag mo din kakalimutan na okay lang umiyak at maging malungkot. Parte yan ng pagmamahal. Basta pag tapos ka ng umiyak at malungkot, mag mahal ka ulit. Masarap magmahal. Lagi mo lang tatandaan na magtira ka para sa sarili mo". Tuluyan na nga ako naiyak sa sinabing iyon ni Mama.
"Ano ba yan, Ma ang aga aga pinaiyak mo ako. Pero salamat, salamat kasi andito ka na." mas hinigpitan ko ang yakap sakanya.
"Lagi lang ako nandito para sainyo. Oh sige na bangon na mag ready ka na at bumaba ka na for breakfast. Nag hahanda na sina ate aika mo sa baba. Gigisingin ko lang din si Jillian". Sabay tayo para puntahan na si Jill.
UNO'S POV
Nagising ako ng maaga dahilan na din siguro ng kaba. Tama, kinakabahan ako kasi ngayon na ako ipapakilala ni Dad sa mga tao sa aming kompanya. I mean kilala naman na ako ng mga tao pero official ng ipapakilala na ako na mag tatake over ng position ni Dad as CEO. Iniintay na lang talaga ni Dad na makagraduate ako at mag reretired na sya. Hindi ako pinilit ni Dad bata pa lang ako talagang sinabi ko sakanya na pag nakapag tapos ako tutulungan ko sya mag patakbo ng company. Medyo maluwag na schedule ko sa school ngayon. Nakatapos na ako sa defense for my dissertation. And next month commencement exercises na namin. Sa wakas after 5 years ng pag susunog ng kilay eto na matatapos na. Hindi naging madali ang acads sa akin lalo pa at bachelor's + graduate program ang kinuha ko. Pero nailaban naman.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...