Always - 54

278 12 4
                                    

Sorry for the late update. I was in the office today.

But here you go, Chapter 54 - Part 1 of 2.

-------

TRICIA'S POV

Sa sinabi ni Tiffany ay para akong kandilang nauupos. Bakit kailangan mo pang umalis?




"Ms. Trish, okay lang po ba kayo? Maupo muna po kayo." Inalalayan niya ako papunta sa waiting area.




"Alam mo ba kung bakit siya umalis? May nangyari ba sakanya? Naospital ba ulit siya? Gaano katagal siyang mawawala?" Sunod sunod na tanong ko.





"Huling beses po siyang naospital mga isang buwan after niyo umalis. Binugbog ang sarili sa trabaho. Kung wala dito sa opisina nasa sementeryo siya. Doon nga po siya nakitang walang malay. Kahit sa aming mga empleyado po nagbago rin ang pakikitungo niya ng mga panahong iyon. Bumalik lang po sa dati ang lahat pag kalabas niya ng ospital."




Tumungo lamang ako habang nagkkwento si Tiffany. Ako na naman ang dahilan bakit siya nasaktan.





" Wala po ako sa posisyon para sabihin 'to pero ang alam ko po for good na si Sir Uno sa US. Ang sabi niya sasamahan niya daw si Ma'am Kaye sa New York."




Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Tiffany. Nanatili lamang akong nakatungo.




"Mauuna na po ako Ms. Trish may kailangan pa po ako gawin sa taas. Sure po kayo okay lang kayo?"




"Salamat, Tiffany. Naabala pa kita."



Nang makatalikod siya ay tumayo na din ako para umalis.



"Ms. Trish"




Napalingon ako sa muling pag - tawag niya at nakita ko na papalapit siyang muli sa akin.




"Mahal na Mahal ka po ni Sir Uno."






Pag kasabi niya noon ay agad din siyang umalis. Natigilan pa ako sandali bago tuluyang umalis. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin.




"Oh bakit nandito ka?" Kakababa ko pa lamang ng sasakyan ay iyon agad ang bungad ni Ate Aiks.







"Makikipag inuman ako sayo. I mean iinom ako kausapin mo ako." Sagot ko.





Pinag taasan niya ako ng kilay na may kasama pang pamemewang. "Baka gusto mong habulin si Uno? Dumaan siya dito nagpaalam."








"Galing ako sa opisina nila. Sabi ni Tiffany kanina pang umaga pa siya nakaalis at hindi na babalik. Kaya wala na akong aabutan" Tugon ko.





"Wag kang papasok dito. Habulin mo si Uno. Wala pang 20 mins siyang nakakaalis. Dadaan pa daw siya kay Primo. Aabutan mo pa siya doon. Alis na, bilis!"






Walang tanong tanong ay agad akong bumalik sa sasakyan at umalis papuntan sementeryo. Sana ay abutan ko pa siya.







Nakatungo siyang naglalakad hawak ang susi ng sasakyan sa isang kamay at nasa bulsa niya naman ang isa.Ang gwapo niya sa suot niya pink polo shirt at ripped jeans. Nagulat pa siya ng makasalubong niya ako.





"Nakalock na 'yong gate. May susi ka naman diba? Mauna na ako." at lumampas sa akin.









"Aalis ka?" Humarap ako sa kanya ngunit nanatili siya sa pag lalakad.








"Uno! Dumaan ako sa opisina mo sabi ni Tiffany aalis ka. Ganoon din ang sinabi ni Ate Aiks." Hindi pa rin siya huminto.












"Hindi ko boyfriend si Doc Enzo". Siniguro ko na malakas ang boses ko para marinig niya. Ngunit patuloy pa din siya sa pag lalakad at hindi man lamang lumilingon sa bawat sinasabi ko.








Minabuti ko na sundan siya pero may sapat pa din kaming distansya.




"Labs naman!" Nabingi na ata si Uno.






"I love you! " Sa sinabi kong iyon ay nakita kong napahinto siya ng bahagya, akala ko ay haharapin niya na ako ngunit nagpatuloy siya sa pag lalakad. Malapit na siya sa sasakyan niya.












"Uno Ezekiel Laurel Villarama,

































































































Labs, can I take my ring back?"
































































This time huminto siya.







"Labs, can I take my ring back?" inulit ko ang tanong.



































At humarap siya sa akin.








"Trish, tama na."

Nagulat ako sa sinabi niya. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot.



"Anong tama na? Anong ibig mong sabihin?"





"Tama na. Yan ka na naman kasi e. Sasabihin mo na naman na mahal mo ko. Tapos ano? Kapag may pinag daanan na naman tayong mahirap iiwan mo na naman ako? Pagod na pagod na ako, Trish."







"Pagod ka ng mahalin ako?" Tanong ko. Ngunit iyon ang tanong na hindi ako handa sa kung anong isasagot niya.






"Hindi ako napapagod na mahalin ka. Mahal na mahal na mahal kita, Trish. Pero pagod na ako. Pagod na pagod na akong masaktan. Kaya please don't ask for your ring back if you are not sure na hindi mo na ako iiwan at hindi ka na ulit aalis. Dahil sa susunod na iiwan mo ako baka ikamatay ko na."






" Uno, let's talk please? I'm sorry. Sorry sa lahat ng sakit."







"Trish, ang tagal ko hinintay na mag usap tayo. Ilang beses akong nagtanong sayo baka pwede natin pag usapan ang nangyari. Pero lagi kang umiiwas. Nasaktan din ako Trish, nasaktan din ako sa pagkawala ng anak natin. Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko. Wala man lamang ako nagawa. Hanggang ngayon nga hindi ko pa alam ano ba talagang nangyari noong araw na 'yon. Naisip mo man lamang ba na karapatan ko din malaman? Mas pinili mo pa din na hayaan si Richie. Gusto ko mag sampa ng kaso pero sabi mo wag na. Sinunod naman kita. Umalis ka sabi mo hayaan kita. Hinayaan kita kahit ang sakit sakit, tapos ngayon sasabihin mo mag usap tayo? Para saan pa?"





"Sorry sa lahat ng sakit. Alam ko na hindi sapat ang salitang sorry sa lahat lahat ng pasakit. Mag usap tayo para sa ating dalawa. Pag usapan natin 'yong tayo. Wag ka ng umalis. Mahal na mahal kita."








"Wala ng TAYO, Trish. Tinapos mo na a year ago. Nakalimutan mo na?"





Ramdam na ramdam ko ang sakit at bigat sa bawat binibitawang salita ni Uno. Kung kaya ko lamang tanggalin lahat ng sakit. Nagawa ko na.





Yumakap ako sa ngayon ay nakatalikod na si Uno. "Mag usap tayo, please?"




Ngunit pilit niyang tinanggal ang mga kamay ko. "Malalate na ako sa flight ko. Palagi mong dalawin si Primo."




At tuluyan na siyang umalis at iniwan ako.














AlwaysWhere stories live. Discover now