Hello!
Ang tagal na pala since ng last update ko. Medyo busy lang. Anyway, ingat tayong lahat. Better prepare your EMG bag. Mas mabuti na ang handa!
❤️
TRICIA'S POV
Hinintay ko ang text ni Uno na nasa loob na sila bago ko inaya sina Mama at Ate Aiks na bumaba na ng sasakyan.
Pagkadating nga namin sa loob ng restaurant ay agad na namang namataan ni Ate Aiks si Uno. Ang linaw talaga ng mga mata niya. Kung kanina nakapag pigil pa siya sa parking ngayon ay hindi. Agad niya itong nilapitan. Kita ko mula sa aking kinatatayuan na bahagya siyang sumulyap. Gulat rin marahil sina Tito Anton at Tita Stella na makita kami nina Mama.
"Madam President, you are here too. What a coincidence." Bulalas na bati ni Tito Anton kay Mama. Nilingon niya naman ako ng may ngiti sa labi ganoon din si Tita Stella. Nagmano lamang ako at nakipag beso pa kay Mama si Tita Stella.
Medyo hindi ganito ang inaasahan namin ni Uno pero wala na kaming magagawa. Nakita ko naman na yumakap siya kay Ate Aiks at agad ding lumapit kay Mama upang magmano.
"Kumusta ka na? Ang tagal na ng huli tayong magkita, Hijo." Tanong ni Mama.
"Oo nga po medyo matagal na nga po. But I am good po, in fact kakauwi ko lang po-
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Kakauwi lang po namin ni Tricia, Tita. Yes, Mom, Dad, Ate Aiks sabay po kaming umuwi."
Kitang kita namin ang pag tataka sa kanila ngunit mas nangibabaw ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
"See?" Itinaas niya ang magkahawak naming kamay. "The ring is back to its owner." Tinutunaw ang puso ko sa kung paano niya ako tingnan. Hindi nagbabago ang kanyang mga tingin.
"God, namiss kita Love." Bulong niya na lalo ko naman ikinakilig.
Matapos ang mga yakapan at iyakan ay naupo na ang lahat sa pakiusap na rin ni Uno.
"Alam po namin na madami kayong tanong. Pero masasagot po ang lahat kaya rin nandito tayo ngayon." Panimula ni Uno.
Tumingin pa siya sa akin na para bang nagtatanong ang kanyang mga mata kung may gusto ba akong sabihin. Pinisil ko lamang ang kamay niya bilang tugon na ituloy niya lamang ang mga gusto niyang sabihin.
" Tita, Ate Aiks - katulad niyo po ay ngayon lamang din nalaman nina Mommy at Daddy. Pero kasama po sila ngayon ay gusto ko po na hingin muli ang blessing ninyo. Papakasalan ko po si Trish. Itutuloy na po namin ang -
Nanggigilid ang luhang tumayo si Tita Stella at lumapit sa amin ni Uno. Niyakap niya kami ng napakahigpit at ganoon din si Tito Anton. Sana pag uwi ni Kaye ay tuluyan na din kaming maging okay.
Matapos ang tagpong iyon ay nagpatuloy lamang si Uno at itinuloy ang sinasabi niya kay Mama at Ate Aiks.
"You have our blessing, Hijo. Masayang masaya ako na nandito tayo sama samang muli para sa isang napakagandang balita. Right mga balae?"
Napatawa kaming lahat sa sinabing iyon ni Mama na sinangayuan naman ni Tito Anton at Tita Stella.
"So, kailan niyo balak ituloy ang kasal?" Tanong ni Ate Aiks.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...