Madaming pangyayari sa part na 'to.
Kung magulo para sa inyo feel free to comment.Thank you sa patuloy na mga nag babasa.
Ingat tayong lahat! ❤️
------
UNO'S POV
"Uno, Patty is.. -
" Kuya Uno, sorry" pag putol ni Jill kay Ate Aiks. "Kasalanan ko. Hindi ko dapat iniwan si Ate Trish. I was with her sa mall and nag paalam siya na mag c-cr lang. Natagalan siya kaya sinundan ko. I looked for her pero hindi ko na siya nakita."
Nilapitan at niyakap ko si Jill. "Ssssshhh. It is my fault not yours. Ako dapat yung nag p-protekta sa kanila. Pero wala ako para gawin 'yon. But I need to know what really happened."
"Tigilan niyo yan. Wala sainyo ang may kasalanan. Uno, Patty is still in the operating room. Tinawagan ako ni Jill and sinabi niya na hindi niya makita si Ate Trish niya. I tried to call her but hindi siya sumasagot. Ilang oras pa namin siyang hinanap ni Jill hanggang sa nakatanggap ako ng tawag that Patty was involved in a car accident." Nanghina ako lalo sa narinig ko.
"Noong dumating kami ni Jill ay isinasakay na si Patty sa ambulansya. Hindi pa namin alam ang buong pangyayari. She was with Richie." Kumulo ang dugo ko sa aking narinig. Kim and Richie planned this.
Hindi pwedeng mawala si Tricia sa akin. Hindi sila pwedeng mawala sa akin.
Nag paalam ako na sa chapel na muna at tawagin na lamang kapag lumabas na ang doctor.
" Diyos ko, hindi ko po alam ano pa ang pwede ko ibigay pero kunin mo na po ang lahat wag lamang ang pamilya ko.Wag lamang ang mag ina ko. Hindi ko po alam ang gagawin ko kung may mangyaring masama sa kanilang dalawa. Mahal na mahal ko po sila."
Mahal na mahal ko si Tricia. Ang buong akala ko uuwi ako dito ng masaya. I was ready to show her the house I bought before proposing to her. I was so excited to finally put up our baby's crib. I was to excited to know our baby's gender. I was so excited that I will be able to hug and kiss her again. Pero ang lahat ng 'yon ay napalitan ng lungkot at pangamba.
"Anak" Si Dad. "The Doctor is out of the OR and gusto ka niyang makausap. Let's go?"
Tumango ako at tumayo. Habang naglalakad ako I saw familiar faces sa may waiting area. Mga kaibigan sila ni Tricia. Sa isip ko "Nandito kaya sila for Trish or para kay Richie? May alam kaya sila sa plano ni Kim?" Payak akong sumulyap sa kanila at agad na tinungo ang kinatatayuan ng Doctor na kasalukuyang kausap ni Tita Leni.
"Doc, how is she?" I asked.
"She suffered subdural hematoma but the bleeding is under control kaya hindi naman kinakailangan ng operation. But we will keep her in the ICU for the next 48hrs for close monitoring. If the bleeding goes out of control we may need to operate on her. Asahan natin ang pagsakit ng ulo at pag kahilo pag nagising siya, dala na rin ng malakas na pag kakaumpog ng ulo niya. Aside from that nabali ang buto sa kanang balikat niya and -. "
" Doc, my daughter is pregnant. Kumusta ang apo ko?" Tita Leni asked. Kaninang kanina ko pa din gustong malaman.
Tumikhim ang Doctor bago siya sumagot." Madam President, wala na pong heart beat ang baby nang dumating sila dito sa ospital." Napaupo ako sa narinig ko at hindi ko na napigilan ang pag patak ng aking mga luha. I know Tricia will be very devastated."I am sorry, she already underwent D&C. She is concious, nakausap namin siya kanina. Sa ngayon hayaan na po muna natin siyang mag pahinga, bugbog ang katawan niya. Hindi po magiging madali ang mga susunod na araw lalo pa at nawala ang baby niya. Bukod sa dasal kailangan ni Dr. Robredo ngayon ay pasensya at suporta nating lahat."
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...