UNO'S POV
Nakasanayan ko na ang ganoong routine. Kung wala lang din naman importanteng meeting sa office ay sinasamahan ko si Kaye sa gym. Napapadalas ko na din nasisilayan ang mga ngiti ni Tricia. Mga ngiti nyang nakakapag patuod sa akin tuwing makakasalubong ko sya sa gym. Ilang beses na ako nagtangka na kausapin sya pero natotorpe ako at natatahimik pag malapit na sya.
"Kuya, bakit hindi mo kausapin?"
"Ha? Sino?" Patay malisya ko na tanong.
"Maang maangan ka pa. Alam mo naman sino tinutukoy ko. Sa pag kaka alam ko hindi ka naman torpe. Pero bakit kay ate Tricia di ka makabwelo?" pang aasar nyang tanong.
"Napapansin mo pala. Hindi ko din alam. Ilang beses ko na syang gustong kausapin pero natitigilan na lamang ako pag malapit na sya. Ewan ko ba, pero iba 'tong si Tricia. Para bang ayaw ko magkamali pag andyan sya. Yung mga ngiti nya yung dimples nya gustong gusto ko laging makita. Pero lagi naman akong dinadaga. "
" Bahala ka, baka maunahan ka pa ng iba".
"Ano ibig mo sabihin?" Takang tanong ko sakanya.
" Narinig ko lang kanina na may gusto pumorma kay ate Tricia, kasama mo sa program yun e. Tinuro sa akin ni coach kanina. Sige ka baka maunahan ka pa. Gusto ko pa naman si ate Tricia for you. Pero pag sinaktan mo sya isa din ako sa maninikmura sayo. Idol ko kaya sya. "
Napaisip ako sa sinabi ng kapatid ko. Yes, aaminin ko na gusto ko si Tricia. Gusto, as in gusto ko sya makilala pa. Pero paano naman po Lord everytime na ngumingiti sya natutunaw na ako. Bukas susubukan ko talaga syang kausapin. Sana naman magkalakas na ako ng loob.
TRICIA'S POV
"Patty!" Tawag ni ate Aiks.
" Yes, ate ano yun?"
"Sino yung laging kasama ni Kaye? Napapansin ko parang natitigilan sya tuwing nakakasalubong natin ah? Boyfriend nya ba yun? Naku ha baka mamaya magkagulo pa dito" May pagkachismosang lahad nya.
Natawa na lang ako sa sinabi ni Ate aiks. Pero naccutan ako kay Uno and yes tama si ate Aiks ilang beses ko na din yun napapansin.
"Ano ka ba ate, kapatid ni Kaye yun. Si Uno, hindi nya ba napakilala sainyo?" Tanong ko.
"Ah. Uno naman pala ang pangalan. Kapatid naman pala ni Kaye". Mapang asar na tugon nya habang nakatingin kay Jill.
"In all fairness, cute sya ha. Mukhang mabango at matalino" Dugtong ni Jill.
"Hoy, Jill". Saway ko sakanya. " Masyado ka pang bata sa mga ganyan ganyan ha.
Sinamaan nya ako ng tingin. " Hay naku, sinasabi ko lang naman ang nakikita ko. Bagay kayong 2. Yung mga ganun pa naman ang bet mo." nakapamewang nyang sabi.
" Jill, stop. Baka may makarinig sayo o baka marinig ka nya. Nakakahiya". Mataray kong tugon.
THE NEXT DAY
UNO'S POV
To Bunso:
Bunso, hindi ulit ako makakasama sayo sa gym. May meeting pa kami with our US partners. Kailangan ako dito. Mag pahatid and sundo ka na lang kay Manong Fred, okay? Okay. Love you!
From Bunso:
Ay ganun? 3 days in a row na, kuya. Nag seselos na ako sa work mo and baka maunahan ka na talaga ng iba kay ate Tricia. Bahala ka.
Nabahala ako sa text ng kapatid ko. Overthink malala. Pero wala naman ako magawa dahil pinangako ko kay Dad na sisiguraduhin ko na makakaattend ako sa mga importanteng meetings. Ayaw ko naman maging dahilan pa yun para mag away kami. Babawi talaga ako kay Kaye at mas lalo kay Tricia. Sana talaga bukas makasama na ako sa kapatid ko at ng makausap ko na si Tricia.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...