Always - 42

287 8 5
                                    

UNO'S POV

Nakabalik na si Mommy pero hindi na niya kasama si Tricia.







"Mom, sorry about what I said earlier."






"Don't you think Tricia needs your apology more than I do?"




Tama si Mommy.








Hindi ko naman gustong iwan si Tricia. Hindi ko lamang din kaya na makita siyang laging malungkot lalo pa kung ako ang dahilan niyon. Pero tulad ng sinabi niya, ako din naman gusto ko tumawa at umiyak na kasama siya.






" Asan siya, Mom?" Tanong ko.








"Nag paalam may pupuntahan daw."







"Madami na siyang iniisip. Hindi na nga niya mapag kasya ang oras sa trabaho niya tapos dadagdag pa ako."







"Naniniwala ka talaga diyan? Hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Alam mo bang nasa labas lang si Ate Trish?"






Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Kaye na para bang manunugod. Mas nagulat sa narinig na nasa labas si Tricia.





"Naabutan ko si Ate Trish na nakaupo sa labas. Ayaw niyang pumasok. Gusto mo bang malaman ang dahilan?"





"Kaye,anak. Tama na." Saway ni Mommy sakanya





Mali ako. Maling mali ako. At sa gusto kong mangyari hindi lang si Tricia ang nasasaktan -









"No, Mom. Kuya needs to get back to his senses." Diin ni Kaye at tumingin sa akin.






"Ayaw ni Ate Trish pumasok dito kasi natatakot siya. Natatakot siya na ipagtabuyan mo siya. Natatakot siyang hindi mo gugustuhin na makita siya. Kuya, nagkamali si Ate Trish before pero bumalik siya. Bumalik siya. Bumalik siya kasi pinag sisihan niyang iniwan ka niya. Bumalik siya kasi mahal ka niya at hindi dahil sa naaawa siya. "





Natigilan ako sa sinabi ni Kaye. Hindi ko magawang tumingin sakanya.



"Kaye, anak enough. Please?"




Ngunit hindi iyon pinansin ni Kaye.




"Bakit mo gagawin yung bagay na maaaring pag sisihan mo sa huli? Hindi ko maintindihan. Malakas ka pa naman. Hindi ka naman bed ridden. So anong problema? Kung natatakot ka na baka iwan mo lamang din siya hindi ba dapat mas ginugugol mo nga ang bawat oras na kasama siya?"








Natahimik lang ako sa sinabi niya. Wala akong maisagot. Dahil tama naman siya. Tama sila. Mali ako na iiwan ko si Tricia with exactly the same reason na kung bakit nasaktan ako noon. Bakit ko pa nga ba gugustuhin na magkahiwalay kami sa pangalawang pag kakataon? Bakit nga ba hindi ko na lang gugulin ang bawat oras na maging masaya kasama siya?

.



.



.

.





.

.






That caressing touch. I know it is Trish. Tricia is here. I slowly open my eyes and I see her - my love. My love is here. She is back.







"Sorry, pumasok na ako nang malaman ko na natutulog ka. Wag kang mag alala aalis na din ako kung ayaw mo ako makita dito."





Aalis na sana siya mabuti na lamang at nahawakan ko ang kamay niya.





"Sorry for being too harsh on you."






"No you're not. But you are being to harsh on yourself, Uno. Huwag mo pilitin paniwalain ang sarili mo na mapapagod ako o kahit na sinong taong nasa paligid mo. Wag mong labanan yang puso mo. Mahal kita. Mahal ka namin. So, once you're done with that stage of self-pitying , I am just outside. I am not going anywhere. Tandaan mo yan."




Napatungo ako sa mga sinabi niya. Tama si Tricia. Tama siya.



--
Good Evening!

❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now