Always - 23

258 6 0
                                    

UNO'S POV

Ang bigat sa dibdib na yung mahal mo hindi mo na makausap ng tulad ng dati. Hindi ka kasi sigurado kung gusto ka pa ba niyang makausap. Hindi ka sigurado kung gusto ka pa ba niyang makita. Natatakot ka na baka masaktan ka na naman at nakakatakot na baka makasakit ka.


Labs hanggang kailan ko kaya kakayanin na mahalin ka sa malayo?


Sabi ni Ate Aiks nag decide ka daw na dito ka mag reresidency. Dahil ba yan sa iniintay mo ako bumalik o meron kang ayaw maiwan dito? Hinatid ka ni Richie, nakita ko yun Labs. Siya na ba?


Kay Ate Aiks pa rin ako tumakbo. Katulad pa rin ng dati pag sobrang sakit na.



"Ate Aiks nakita ko si Tricia. Pero kasama niya si Richie." Para akong batang nag susumbong kay Ate Aiks.



"Uno, ilang linggo ka na dito. Bakit hindi mo unti unting subukang tanggalin ang sakit diyan sa puso mo at subukang hanapin ang sagot sa mga tanong sa isip mo?"



Tumungo ako at ramdam ko ang pagbigat ng mga mata ko. "Dahil natatakot ako, Ate Aiks. Natatakot akong mas maging sakit. Natatakot akong pag sisihan na bumalik ako."




Same old Ate Aika alam niya paano ako kakausapin. Paano ako papakalmahin.



"Hindi lang ikaw ang nasaktan, Uno. Nasaktan din si Patty, nakita ko kung paano siya nahirapan. Akala mo ba hindi din ako nasasaktan sa ginagawa mo ngayon? Kapatid ako, Uno. Masakit sa akin na makitang nasasaktan ang kapatid ko. Hindi ako ang taong makakasagot sa mga tanong mo. Sana hayaan niyong maging pareho na kayong maging malaya sa nakaraan. "



Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko sa sinabing iyon ni Ate Aiks.



" Wag mong hayaan na balutin yang puso mo ng sakit. Hindi ka pa ba napapagod? Hindi mo pa din ba pipiliin maging masaya? Bigyan niyo naman na ang mga sarili niyong maging masaya. "




Wala na akong naisagot sa mga sinabing iyon ni Ate Aiks. Alam ko naman na tama siya. Patuloy akong masasaktan kung patuloy akong matatakot.


TRICIA'S POV

Kaye? Hindi ako maaring magkamali si Kaye 'yon. Sinundan ko kung saan siya patungo. Kasama mo ba si Uno? Nandito ba siya sa ospital?



Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa OB dept. Anong ginagawa mo dito, Kaye? Kailan ka pa nakabalik?



Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at sinadya ko siyang lapitan.


"Kaye?" tawag ko sakanya at hinawakan siya sa balikat.


Nang humarap siya sa akin ay agad akong luminga sa paligid. Gustong mahigip ng mga mata ko si Uno. Ngunit wala siya dito.


"Oh My God, Ate Trish? Dito ka nakaduty? Kumus...? Naputol iyon ng biglang may tumawag sakanya.


" Kaye? " agad niya itong nilingon


" Ate, okay na? " tanong niya sa babae na lumabas ng OB examination room.


Tumango ito." Halika na, nag hihintay na daw si Kuya mo sa labas"


Ngumiti na lamang si Kaye at nilampasan na nila ako. Ate? Kuya? Buntis? Sino ka?  Hindi ko maproseso sa isip ko ang nakita ko. Kinurot ng nakita ko ang puso ko.



"Doc Tricia" bumalik lamang ako sa katinuan ng tawagin ako ng nurse. " Paakyat na po sana ako para ibigay ito sainyo." pahayag niya habang iniaabot sa akin ang isang patient chart. " Referral po ni Dr. Chiong for pedia consult kay Dr. Rodriguez."



"Salamat" sagot ko sa nurse at agad na din nag lakad pabalik sa Pediatric Dept. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang impormasyon ng pasyente.


Patient : Villarama, Selina

Pregnancy Term: 37 weeks and 4 days

Expected Delivery Date : March 25,2021

Parang may batong nakapatong sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko mahanap ang lakas ko para gawin iyon. Gusto kong tumakbo pero hinang hina ako. Labs? Andito ka nga pero may kasama nang iba.



Sabi ko naman noon kakayanin ko. Kakayanin ko sakaling bumalik ka at masaya ka na. Pero bakit parang bumalik lahat ng sakit, Labs?

AlwaysWhere stories live. Discover now