This story is about Uno and Tricia.
Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific.
while
Janine Patricia Robredo...
We are now down to the last chapter. Ano nga ba ang ending ng kwento nina Tricia at Uno?
Last Chapter will be published Saturday Night between 8PM-10PM.
Maraming maraming salamat sa lahat ng patuloy pa ring sumusubaybay. Sana ay mag karoon pa ako ulit ng pagkakataon na mag sulat.
—————
UNO'S POV
Hindi mawala ang aking ngiti habang binubuksan ang regalo galing kay Trish. Ang mga ngiti ay napalitan ng pagtataka. Maliit lamang ang kahon kaya ang hula ko marahil ay relo o kaya naman ay belt. Ngunit mali ako.
"Totoo, Love? Pinaprank mo ba ako? Hindi nga?"Sunod sunod kong tanong. Habang palipat lipat ang tingin ko sakanya at sa kahon na hawak ko.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Totoo yan, bakit naman kita ipaprank. Tatay ka na ulit, Love." Masayang sagot niya.
Hindi na ako halos umaasa na magkakaanak pa kami dahil na rin sa sinabi ng Dr noon. Pero kumapit ako sa IVF na sinubukan namin.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi yakapin si Trish."Thank you, Love. Best birthday gift indeed! Kaya pala. Kaya pala sobrang antukin ka na naman lately and medyo nagtataray ka na din. Pero okay lang, tarayan mo lang at tulugan ako all you want. I love you, Patrcia." Hindi ko na napigilan maluha.
"E bakit ka umiiyak, Love?" Tanong niya.
"Tears of joy. I can't believe it, Love. Halos hindi na ako umaasa. Inilagay ko na sa isip at puso ko na baka wala na. Pero eto binigyan pa rin tayo ng bunga ng pagmamahalan natin. Wala na akong mahihiling pa. Pinapangako ko na poprotektahan ko kayo. Hindi ko na hahayaan na may mangyari sa inyong dalawa. Hinding hindi na mawawala ang tingin ko sainyo. Hinding hindi na ako papayag na mahihiwalay ako sainyo. Sisiguraduhin ko na this time mahahawakan na natin pareho ang baby natin, Love.Thank you, Love. Thank you."
She cupped my face and look straight into my eyes." You don't have to thank me. Tayong dalawa 'to. I will do my best, Love, not to fail you this time. Promise me na hindi mo kami iiwan. Alam ko na gusto mo ng magandang buhay para sa atin pero anong gagawin ko sa isang magandang buhay kung hindi naman kita kasama?"
" Pero Lo—
Magsasalita na sana ako pero agad niya din akong napigilan.
"Wala ng pero pero. Hindi naman kita pagbabawalan mag trabaho. Dahil alam ko na yan ang gusto mo. Hindi ko aalisin sayo 'yon. Pero don't over do it. Hindi natin kailangan ng maraming pera. Mabubuhay na tayo sa kung anong meron tayo ngayon ang mahalaga okay ka, okay ako —okay tayo. Mahal kita at kailangan kita. Kailangan ka namin ng anak mo. Mapapangako mo ba sa akin 'yon, Love? " tanong niya.