Always - 8

235 5 0
                                    

Kung nagugustuhan nyo po ang story line paki vote and comment na lamang po.

Thank you! ❤️

------------------------------

UNO'S POV

AT THE OFFICE

Nang makita ko ang schedule ko for today ay agad ko inisip anong sasabihin ko kay Tricia. Kanina pa ako nakatingin sa telepono ko. Paano ko sya tatanungin ng availability nya? Bakit ba naman ang hirap hirap? Napakasimple lang naman ng ganito sa akin dati. Hayy Tricia, ano nga ba talagang meron ka?

Bahala na nga. Ayaw ko naman sayangin ang chance na 'to.

To: T ❤️

Good morning, Tricia! 🙂 Available ka ba around 3PM today? - Uno Villarama

Matapos ko isend iyon ay itinago ko na muna ang telepono ko. Bukod sa kinakabahan ako sa magiging sagot nya kailangan ko na din simulan ang mga kailangan ko tapusin today.

TRICIA'S POV

From: uknown number

Good morning, Tricia! 🙂 Available ka ba around 3PM today? - Uno Villarama

Nang mabasa ko iyon ay napangiti ako ng bahagya. Akala ko nakalimutan na nya. Tricia, kalmahan mo lang.

To: unknown number
Hello! Yes, available naman ako 🙂

Hayaan ko na lang munang 'unknown' sya sa contacts ko.

Last day of school na today. More of completion na lamang. Pero dahil graduating students kami, ay mas nauna naman na kaming makapag complete ng lahat ng mga requirements kaya maluwag na ang schedule. Kahit paano makakahinga na din bago mag simula ang bagong kabanata.

Richie: Since wala naman na tayo iniintinding mga requirements, let's go out. Let's grab merienda - dinner, guys?

Tumango tango naman sila.

Nathalie : Trish? How about you? Merienda-Dinner, later?

Karl: Girl, don't tell me hindi ka na naman sasama?

"Guys sorry. Hindi ako makakasama sainyo. Next time na lang" Malungkot na tugon ko

Ashley: Ano ba yan Trish, akala ko pa naman ngayon na wala na kayo ni Jacob makakasama ka na sa mga lakad. Bakit ba hindi ka makakasama today? I'm sure na wala naman problema kay Tita Pres yun, mas gusto pa nga nya na umaalis ka.

Tiningnan ko muna ang cellphone ko kung nag reply na ba si Uno. Ngunit wala.

"May nauna lang talaga akong lakad today. Hindi ko na sya pwede i-cancel. Pero babawi ako sainyo, promise!"

Richie: So iresched na lamang natin, guys.

"Uy, hindi tumuloy na kayo babawi na lang ako sainyo. Sorry talaga". Agad kong sagot

Kim : Nakakahalata na talaga ako sayo Richie. Si Trish lang ata talaga gusto mo kasama hindi kami.

Richie: Hindi naman. Mas masaya lang kung kumpleto tayo.

Matagal ko na naririnig ang mga side comments nila about kay Richie. Pero bestfriend ko 'to e. Imposible naman na may gusto sya akin kaya tinatawanan ko na lamang sila pag minsang niloloko nila si Richie sa akin.

Karl: Saan ka ba pupunta, Trish? Baka naman magkikita kayo ni Jacob ha? Sinasabi ko sayo girl. Kakalbuhin na kita pag binalikan mo pa yun!

"Ano ka ba, Karl. Hindi. Hindi ako makikipagkita sa lalaking yun. Never na, okay?" Diin kong sabi sakanya

AlwaysWhere stories live. Discover now