TRICIA'S POV
Sana ay hindi ito ang huling beses na makikita, mayayakap at mahahalikan ko si Uno. Mahal na mahal ko naman siya pero kailangan ko lamang ng oras para sa sarili ko. Hindi naging madali ang mga nakaraang araw para sa aming dalawa. Pinilit ko naman ibalik ang dati pero talagang mahirap pa. Para akong ninakawan ng karapatan. Kung nakinig lamang ako sa kanya hindi sana nawala ang anak namin.
"Primo, anak. Paulit ulit akong hihingi ng tawad sayo. Kasalanan ko kung bakit ka nawala. Ngayon, kailangan munang umalis ni Mommy. Iiwan ko na naman ang Tatay mo sa pangalawang pag kakataon. I just think that I need sometime alone. Alam ko na kailangan din 'yon ng Tatay mo. Masyado ng madaming nangyari, Anak. He is a wonderful person at kasalanan ko kung bakit hindi mo na mararanasan kung paano siya mag mahal. Ako ang dahilan kung bakit hindi na niya mararanasan maging isang ama. He was very excited about you and Mommy disappointed him so much. Hindi ako nakinig sakanya. Araw araw ko pag sisihan 'yon. Be Tatay' s guardian angel. Bantayan mo siya habang wala ako ha? Mommy will be back soon. I love you, Anak."
Minabuti ko na hindi ipaalam kahit kay Mama kung saang lugar ako nag volunteer bilang isang Doktor. Mas mainam iyon para makapag isip isip ako at makalimot. Ipinangako ko naman sa kanila na tatawag tawagan ko sila kapag may pagkakataon.
Baon ko ang pag mamahal ng pamilya ko at ang pag mamahal ko kay Uno. Umaasa ako na sa pag balik ko sana ako pa din ang mahal niya. Pero kung magbabago iyon tatanggapin ko ng maluwag dahil ako naman ang may gusto nito.
UNO'S POV
"Kailangan mo pa ba talagang umalis? Pwede ka naman mag stay dito, pamilya ka na."
"Jill, nakakahiya na 'yon. Iniwan na ako ng ate mo kaya kailangan ko na ng umuwi. Wag kang mag alala bibisitahin ko naman kayo at welcome ka din sa bahay anytime."
Kinabukasan after akong iwan ni Tricia ay nag paalam na din ako kay Tita na uuwi na sa amin. Wala naman ng dahilan para mag stay pa ako dito. Si Tricia na ang nag desisyon para sa aming dalawa. Sinubukan ko naman na pigilan siya pero wala na din akong nagawa.
Umiiyak na yumakap sa akin si Jill. "Mamimiss kita and sorry kung hindi ko lamang sana iniwan si Ate Trish, hindi hahantong sa ganito."
"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na wala kang kasalanan? Irerespeto ko ang desisyon ng ate mo. Sinubukan ko naman pero mukhang buo na talaga ang desisyon niya."
"Deretso ka na sainyo niyan?" Tanong niya
"Dadaan lamang ako kay Primo at uuwi na din. Gusto mo bang sumama?"
Umiling lamang siya.
Simula ng ilibing namin si Primo never pang pumunta si Jill sa puntod niya. Hindi niya raw kaya. Matagal niya daw ipinag dasal na magkaroon ng kalaro si Celeste pero dahil sakanya hindi na mangyayari iyon.
"Jill, pag ready ka na sabihan mo ako at sasamahan kita. Wag mo ng sisihin ang sarili mo sa nangyari ha? Mauuna na ako. Mag iingat kayo dito." Pag paalam ko.
"Uno,anak. Sandali." Palabas na sana ako ng pintuan. "Anak, sandali." Pigil ni Tita Leni.
"Tita, hindi na po ako umakyat at alam ko na busy kayo. Aalis na po ako. Maraming salamat po sa pag papatuloy at pag tanggap ninyo ulit sa akin."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Hindi mo naman kailangan umalis. Dumito ka na lamang hanggang sa makabalik si Tricia."
Kumalas ako sa yakap niya. "Tita, kailangan ko pong gawin ito. Tulad nga po ng nasabi ko kay Jill nirerespeto ko po ang desisyon ni Tricia. Maghihintay po ako kahit pa gaano katagal. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Kung makausap niyo po siya pakisabi na lamang po na palagi siyang mag iingat kung nasaan man siya."
" Hindi ka pa din nag babago sa kabila ng lahat ng mga nangyari. Salamat sa pag mamahal mo sa anak ko. Welcome ka dito anytime. Mag iingat ka." Muli siyang yumakap bago ako tuluyang umalis.
" Oh may bagong toy ka na naman. Mukhang dumaan dito ang Mommy mo. Namimiss ko na siya agad, anak. Hindi pa ako nakakabawi sa pag kawala mo tapos ngayon ang Mommy mo naman ang umalis. Saan o kanino pa ako huhugot ng lakas? Gagabayan mo siya palagi ha? Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko siya mapoprotektahan. Mahal na mahal ko kayo ng Mommy mo at handa akong maghintay sa pag balik niya kahit gaano pa katagal. Pero sana lamang anak pag balik niya mahal niya pa din ako. Gusto kong gumanti sa may kasalanan kung bakit nawala ka sa amin. Pero tama din ang Mommy mo kahit ano pang gawin namin hindi na maibabalik ang buhay mo."
Naghintay akong maubos ang mga sinindihang kandila bago umalis sa sementeryo.
" Primo, anak aalis muna si Tatay. Dadalawin kita ulit dito bukas. Ang bilin ko sayo ha, guide Mommy always. I love you, anak."
Akala ko pinatibay na kami ng lahat ng mga nangyari. Akala ko sapat na ang pag mamahal namin sa isa't - isa para makayanan naming lampasan ang mga pag subok. Ngunit mali ako. Malaking akala lang pala lahat.
Naisipan ko din na dumaan kina Ate Aiks para makapag paalam.
Dating gawi. Si Ate Aiks ang takbuhan ko.
"Welcome pa ba ako dito?" Bungad na tanong ko ng pag buksan niya ako ng pinto.
"Always,Uno. Come in. Wala pa si Kevin naipit sa meeting." Sagot niya.
Nang makapasok ay agad kong binuhat si Celeste"Hindi rin ako mag tatagal. Nag hihintay sina Mommy sa bahay. Dumaan lamang ako para makapag paalam at makita 'tong si Celeste."
" Magpapa alam? Aalis ka din?" Tanong niya.
"Hindi. Baka lang hindi na muna ako masyadong mag papakita. "
"Bakit naman?"
Inilapag ko muna si Celeste sa kanyang crib. Kinuha ko ang singsing sa aking bulsa at saka humarap kay Ate Aiks. "Binalik ni Tricia".
"Ha? Ang buong akala ko hindi siya makikipag hiwalay. I'm sorry, Uno."
"Kinausap niya naman ako ng maayos. Hahayaan ko lang muna siya ulit. Baka nga talagang kailangan namin pareho 'to. Pero umaasa pa din ako na isang araw babalik siya at masusuot ko ulit 'to sakanya."
"Will you be okay?"
"Hmm. Hindi ko alam. Hindi pa ako nakakarecover sa pag kawala ng anak namin and ngayon si Trish naman. Pipilitin. Hindi pa ako makapag isip. Ayaw ko naman umalis kasi gusto ko araw araw ko mapupuntahan si Primo."
"Tatagan mo lang. Thank you for loving her kahit na alam ko na mahirap. Maybe one day kung hindi man si Patty baka may dadating na mas okay. Yung taong hindi ka iiwan kahit sobrang sakit na. Pero tulad mo aasa din ako na sana balang araw kayo pa din pero kung hindi tatanggapin namin ng buong buo. Nandito lang kami para sayo. Bukas ang bahay namin para sayo."
Akala ko wala na akong maiiluha, meron pa pala.
" Thank you, Ate Aiks. Maybe one day. Sana. Sana bumalik siya. At sana ako pa din ang laman ng puso niya."
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...