Always - 46

344 13 0
                                    


Good Morning!
Chill lang ako sa work kaya hawak ko ang oras ko - kaya madami din ako time mag update.

Enjoy Part 46

Malapit lapit na tayo sa exciting part 😅

-----

UNO'S POV


Our sweet pea is growing, going 9 weeks now. Habang tumatagal naman nababawasan na ang pag iyakin ni Trish pero yung pag kamataray staple na ata kasi sakanya 'yon. Pre occupied din naman kasi siya because of our wedding.





I teared up the the first time na narinig namin ang heart beat ng baby namin.It feels like when I first woke up after my heart transplant.






Sa condo nila Trish kami nag s-stay. Mas gusto din ni Tita and ofcourse kailangan din namin ang tulong ni Jill for our wedding.








"Labs, gising ka. Labs, sobrang sakit ng puson ko."







It is almost 1AM nang tumingin ako sa relo sa bed side table namin bago ko binuhay ang lamp shade. Akala ko nanaginip lang ako but I saw Tricia sweating at hawak niya ang tiyan niya. Namimililipit sa sakit.






Nakita ko ang dugo. Naisip ko agad ang baby namin.






" Kuya Uno, anong nangyari?"



"Jill, sumunod na lang kayo." Pag mamadaling sagot ko




Hindi ko din alam paano kami nakarating ng mabilis sa ospital. Ang nasa isip ko lang sana walang masamang mangyari sa mag ina ko.




Mabilis din nakasunod sina Jill at Tita Leni sa ospital.





"Uno, anong nangyari?" tanong ni Tita Leni.






"Tita, ginising niya lang po ako. Masakit daw puson niya and she is bleeding."






Para akong maiihi at matatae na masusuka. Nakailang pabalik balik na din ako sa examination room at sa waiting area - pero hindi pa din lumalabas ang Doktor na tumitingin kay Trish.








" Kuya Uno, umupo ka nga muna dito. Bukod sa nahihilo na ako sa ginagawa mo baka mamaya ikaw din bumigay. Halika dito. Ate Trish will be okay. Magiging okay sila."




"Jill, ano pa bang ibang ginawa ng ate mo kahapon?" Tanong ko. May kinailangan lang ako ayusin sa opisina kanina kaya iniwan ko siya sa condo kasama si Jill.






"Aside sa inayos namin ang mga invitations lumabas lang kami para ipick up 'yong mga isesend sa mga sponsors niyo at bumalik din agad sa condo." sagot niya




"Siya nagdrive?" tanong ko ulit







Tumango lang siya.







Mas kinabahan ako ng makita kong tumatakbo si Kim kung nasaan si Trish. Si Kim - na bestfriend ni Tricia. Siya ang OB namin.







" Uno". Tawag ni Kim. Mga kalahating oras pa ang lumipas nang lumabas siya. Agad akong tumayo para kumustahin ang mag ina ko.










"May mabigat bang ginawa or ginagawa si Trish lately?"









"Aside sa pag aayos ng wedding namin wala naman. Kumusta siya? Kumusta ang baby namin?"




AlwaysWhere stories live. Discover now