UNO'S POV
Hinayaan lamang ako ni Tricia na mag salita. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na sabihin sakanya lahat.
Binalot ng katahimikan ang buong kwarto matapos ko sabihin ang lahat ng nasa loob ko.
Tumayo na ako at inaya na si Tricia "Halika na ihahatid na kita. Baka nag aalala na si Ate Aiks sayo."
Napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Hindi pa ako uuwi." Pigil niya. "Umupo ka dito."
Agad akong bumalik sa pag kakaupo. Hawak niya pa din ang kamay ko.
"Namiss kita. Pwede ako naman mag salita ngayon?" Tanong niya na sinagot ko lamang ng isang tango.
"When Jacob and I broke up I promised myself na hindi na ako maghahanap at mag mamadali humanap ng bagong pagmamahal. Pinangako ko sa sarili ko na hihintayin ko na lamang na dumating ang tamang tao para sa akin. And you, came."
Ngayon hahayaan ko lamang din siya mag salita. Gusto ko marinig ang saloobin niya.
" When you came everything was perfect. Kahit ako hindi ako makapaniwala na may isang katulad mo. Yung pag mamahal mo ang nag bigay sa akin ng takot. Takot na baka hindi ko maibalik kung ano yung naiibigay mo. Natakot ako na pag nangyari yun mapagod ka at iwan mo ako."
Nanatili siyang nakatungo ngunit hawak pa din niya ang kamay ko. Gusto ko pawiin lahat ng sakit na nararamdaman mo, Trish. Gusto ko nang tapusin ang usapan na 'to ngunit alam ko na pareho natin kailangan ito.
" Sa pag nanais ko na maiwasan ang sakit kung sakaling iwan mo ako inunahan ko ang mga pangyayari. And believe it or not pinag sisisihan ko na itinulak kita palayo. Ginusto kong balikan ka sa unang beses kang pumunta ng US after we broke up, pero kailangan ko panindigan ang desisyon ko. Pero hindi ko alam na ganoon pala kasakit at huli na ng marealized ko na mas nasaktan ka."
Kita ko ang pag tulo ng luha ni Tricia.
" Yung lalaking sabi mong kasama ko? Si Paul he was just trying to comfort me, dahil wala na ako ibang mapag sabihan ng nararamdaman ko. Hindi ko siya naging boyfriend. When we broke up feeling ko pati si Jill at Ate Aiks ay nawala sa akin."
She finally held up at tumingin sa mga mata ko.
" Noong sinabi ni Ate Aiks sa akin na may sakit ka at aalis ka mas lalo ko sinisi ang sarili ko. May pinag dadaanan ka na palang mabigat pero hindi ko man lamang napansin. Hindi ka nagparamdam nang napakatagal na panahon. Lahat ng tao sa paligid ko sinasabihan ako na mag move on na. Pero napakahirap pala mag move on na hindi mo alam kung ano ngyayari or ngyari sayo. Sinasabi nila na hindi mo daw siguro nasurvived yung transplant mo kaya wala na ako aasahan. Sabihin na nila sa akin lahat ng masasakit o sisihin na nila ako wag ko lang marinig na wala ka na kasi yun sobrang sakit 'non. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ngayri' yon"
" 2 years ko hinintay na makita ka ulit. 2 years akong umasa na sana bumalik ka. 2 years kong hinintay na humingi ng tawad sayo at 2 years kong hinintay gawin 'to"
Ikinagulat ko ng halikan ako ni Trish. Yes, nagulat ako. Bakit hindi? I have never kissed her sa lips niya, palaging sa noo o mga kamay niya lamang. This is the first time. I return the kiss. I wanted to get intimate with her, I want to own her. I want her. Pero sa isip ko hindi dapat ako mag take advantage dahil pareho kaming emotional. Mabuti na lamang at si Trish din ang naunang humiwalay. Kung nagtagal pa ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mabiyayaan agad si Tita Leni ng pangalawang apo.
"What was that?" I innocently asked her.
-------
Happy Monday Everyone!
Mag ingat sa maulang panahon.
Enjoy part 27 ❤️Thank you sa lahat ng nag babasa ❣️
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...