Always - 10

258 6 0
                                    

TRICIA'S POV

Sorry my Numero UNO. I wanted to stop when you called me. But Jill is right, paano kung friendship lang talaga ang gusto mo? Hulog na ang loob ko sayo. Gusto kita pero ako gusto mo ba ako? More than friendship ang gusto ko. Ikaw ba ano ba ang gusto mo? Mahirap mahulog na wala naman sasalo sayo. Mahirap din mag assume. Gusto ko malaman kung ano nararamdaman mo but at the same time natatakot din ako malaman ang sagot mo. Natatakot ako na baka mag kaiba ang nararamdaman natin.


UNO'S POV

Nawalan na ako ng gana mag work out. Minabuti kong umuwi na lamang ng makapag isip isip. Kailangan ko ng makausap si ate aika and Tita Pres. Baka lumayo na ng tuluyan ang loob sa akin ni Tricia.

To Ate aika:

Hello po, ate. Okay lang po kung ngayon na tayo mag usap? Kahit 5 mins lang po.

Habang iniintay ko ang sagot ni ate aika ay nag handa na din ako. Para kung sakaling pwede silang makausap ngayon ready na ako umalis ng bahay agad agad. Hindi ko na pwedeng palampasin ang araw na 'to na wala man lamang subukan gawin.

Hindi naman nagtagal at sumagot din si ate aika.

From ate aika:

Sorry, I checked with Mama first.
What time you can be here?

To ate aika:

I can go there na po ngayon.

From ate aika:

Okay. Mama will be here in 30 mins.
I will inform the front desk to let you in

To ate aika:

Thank you ate aika.


Agad agad na akong umalis sa bahay. Dumaan lamang ako sa saglit sa mall at bumili ng fruit basket para kina ate aika at flowers for Trish. Yes, balak ko na din agad kausapin si Tricia right after ko makapag paalam sa Mama at mga kapatid nya.

Wala ngang 30 mins ay nakarating na ako sa condo nila. Agad din naman akong pinapasok ng nasa front desk.


Si Jill ang nag bukas ng pintuan. Agad ko siyang binati at inabot ang dala kong fruit basket at pagkain.


"Pasok kuya Uno. Nag bibihis lang si ate aika. Si mama naman ay parating na daw". Pahayag niya


"Thank you, Jill. Nagkita kami ni ate trish mo sa gym, may group study daw?" paninigurado ko sakanya


"Yes, kuya. Mamaya pa yun makakauwi."


Tumango na lamang ako sakanya at nakitang pababa na si ate aika.


"Andito ka na pala. Tungkol saan ba pag uusapan natin? Nasa parking na si Mama." agad na sabi ni ate aika.


"Oy kuya Uno,natigilan ka na dyan. Kabadong kabado? May ginawa ka ba? Sinaktan mo ba yung ate trish ko ha? Ano?" Sunod sunod na tanong ni Jill



"Jill, stop it. Masyado mo naman sinisindak si Uno." Nagulat ako at pag tingin sa pinto ay nakita ko si Tita Pres. Agad naman akong sumalubong at nag mano.

"Good afternoon po, Ma'am".

"Good afternoon, mag bibihis lang ako. Sandali lang" sagot ni Tita Pres

"Uno, halika. Dito tayo sa dining. Gusto mo coffee, juice or water?" Tanong ni ate aiks

"Water na lang ate." Agad kong sagot

AlwaysWhere stories live. Discover now