TRICIA'S POV
Hindi ko alam kung sumobra ba ako sa mga sinabi ko kay Richie. Basta hindi kami nagkikibuan after ng nangyari kahapon. Mabuti na din siguro 'to para hindi na siya umasa.
"Nag away kayo?" tanong ni Nathalie habang nakanguso sa direksyon ni Richie.
"Ewan. Siguro. Hindi ko alam. Baka." blangkong sagot ko.
"Umagang kay sungit naman po, Doc Tricia." sabat ni Ashley.
Suminghap lamang ako, kumuha ng kape at nagtungo sa tabing dagat. Parang hindi ata magandang ideya na sumama ako dito. Hindi naman ako nalibang mas nalungkot pa. Ramdam ko kasi na may kulang. Noong iniwan at pinag tulakan ko si Uno akala ko yun yung kailangan ko. Akala ko maiiwasan ko yung sakit - pero hindi pala. Nakasakit na ako, mas nasaktan pa ako.
Good Morning, Labs. Kumusta ka na? I've lost count on the days since you left but one thing is for sure my love for you remains the same. I miss you!
"Pwede na siguro ilibing ang patay 'kong kuko diyan sa lalim ng iniisip mo". Sa kanilang 5 si Kim ang pinaka best of best of friends ko kung meron man ganun. Alam niya lahat ng ngyayari sa buhay ko. Magkapatid na ang turingan namin. "Ang taray natin kanina ah"?
"Ikaw pala. Pasensya na kayo. Hindi ata talaga magandang ideya na sumama ako."
Umupo siya bago nag salita. "Si Uno. Siya dapat at hindi kami yung kasama mo dito ngayon. Wala pa din talaga?"
Umiling ako at muling tumingin sa papasikat na araw. "Miss na miss ko na siya, Kim."
"I know, Trish. I know. Pero hindi ka pa ba napapagod?"
Huminga ako ng malalim at tumingin kay Kim. "Hindi ko na alam. Or should I say hindi ko na alam ang ibig sabihin ng pagod. Ang alam ko lang mahal ko siya at pinag sisihan ko na itinaboy ko siya."
"Girl, alam ko yang nararamdaman mo. Wag mo isisipin na walang nakakaintindi sayo. Yang nararamdaman mo valid yan. Pero, Trish ibangon mo yang sarili mo. Step by step, umpisahan mo na yung dapat matagal mo nang sinimulan. Madami pa kaming nag mamahal sayo, we want the old Tricia back. We want you back. "
Naramdaman ko yun. Naramdaman ko ang sinabi ni Kim. Nanatili akong tahimik.
" If you feel like taking your residency program abroad, go ahead. Matalino ka, madaming opportunities ang naghihintay sayo. But please pag bumalik ka sana ikaw na ulit yung Tricia na nawala noong umalis si Uno. Sana bumalik pa yung Tricia na bestfriend ko. Sana bumalik yung Tricia na strong kahit iyakin. Buuin mo ulit yung sarili mo. Malay natin dumating yung araw na biglang bumalik si Uno hindi ba mas maganda na buo ka? Mas maganda na makita niyang okay ka? Dahil kahit sa huling pagkakataon naman diba pinili niyang pag bigyan ka sa gusto mo - kaya ipakita mo na may narating ka. Na yung sakit na binigay mo sakanya hindi nasayang" napayakap na lamang ako kay Kim sa sinabi niyang iyon.
"Hindi ko alam kung gaano pa kadaming ganitong usapan ang mangyayari hanggang sa maging okay ka, pero always remember na nandito lang ako for you. But please paulit ulit ko sasabihin I want my bestfriend back. Humiwalay siya sa yakap at tumingin sa akin" Okay? "
" You really are my bestfriend. Alam mo kung paano ako saktan at icomfort at the same time. Sana lang talaga tumaya ako. Sana hindi ko pinangunahan ang mga pangyayari. Hinayaan ko na lamang sana. Pero alam mo yung mas pinag sisisihan ko? Yung hindi ko man lang napansin na nahihirapan si Uno na may sakit pala siya. " hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko.
" Alam mo girl, dapat hindi kape 'tong hawak natin mas bagay ang alak sa ganitong usapan.Pag nakita ko talaga yang si Uno, sisikmuraan ko talaga siya. Naku makikita niya talaga! " ramdam kong pinagagaan ni Kim ang usapan "and girl, miss ka na din ng gym. Tapos naman na ang boards baka gusto mo mag balik loob? Medyo tumataba ka na."
Ganito palagi at ng madramang usapan Kim has her way of ending things on a lighter note. Glad to have her.
UNO'S POV
"Kuya, are you sure?" nag aalalang tanong ni Kaye.
Sinundan iyon ni Mom " Pwede pang umatras, anak."
"Handa ka na?" Paninigurong tanong naman ni Dad.
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
--
Humawak ako sa kaliwang dibdib ko bago ko sila sinagot. " Kaya na nito, matibay na 'to."
Kung hindi pa ngayon baka wala nang pag kakataon.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...