UNO'S POV
I woke up next to Tricia who is quietly looking at me.
"Hindi kaya matunaw na ako sa mga tingin mo?"
Ganito ko gugustuhing gumising sa umaga. Sana palagi na lang masaya.
Sinubsob ko ang ulo ko sa may tagilirian niya na parang bata. Gusto ko sulitin ang bawat oras. Bawat oras na kasama siya. Hindi ko man sinasabi kay Tricia pero may takot sa puso ko. Takot na baka isang araw bigla na lang akong bumigay.
"Labs, ang tahimik mo ata?" tanong ko.
Her caressing touch is like heaven to me.
"Speechless pa din ako sa nangyari kagabi, Labs." sagot niya.
"Ano bang dream wedding mo, Labs? Narealize ko na never tayo nag usap about marriage, 'no?"
Natagalan pa bago siya sumagot. Marahil ay nag iisip. Umayos ako ng higa. Kung kanina nakasubsob ako sa tagiliran niya ngayon ay umunan ako sa lap niya. Kitang kita ko ang mukha ni Tricia. Ang mukha ng babaeng hinding hindi ko ipag papalit kahit kanino.
"Simple lang. Basta nandon ka at ang mga taong importante sa ating dalawa, okay na ako. Dream wedding na yun."
"Pareho lang tayo ng gusto, Labs. Kaya compatible tayo e. Sa Naga mo ako sinagot. Sa Naga din kita papakasalan."
"Katulad ng sinasabi ng iba I must have done something good in the past to deserve you. Sa lahat ng sakit na nabigay ko sayo nandito ka pa din. Bumalik ka pa din sa akin. I love you so much. Lagi mo tatandaan 'yon. I am so lucky to have you, Uno."
Paredeem na sana ako ng Kambal Card kaso bigla naman may kumatok.
" Love birds, bumaba na daw kayo sabi ni Mama. Padating na sina Ate Aiks. "
Wrong timing talaga tong si Jill.
Sa mga Robredo mortal sin kung may lakad ka ng Sunday. Non negotiable yun unless work related dahil na din sa nature ng work ni Tita and ni Trish. Pero kung may conflict man sa work humahanap talaga sila ng common time pag Sunday. Either breakfast, lunch, merienda or dinner basta hindi mawawala ang family time pag Sunday kahit ano mangyari.
Halos kakadating lang nina Ate Aiks ng makababa kami ni Trish.
"May date na ba ang wedding?" salubong na tanong ni Tita Leni.
"Meron na po. May out of town work lang si Uno this week pag balik niya mag uumpisa na kami mag plano." Agad na sagot ni Tricia.
"Kuya Uno, sali ako ulit sa planning ha? And ate Trish ako na maid of honor diba? No choice ka na."
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Jill. Pero siya na din naman talaga ang nabanggit ni Tricia. Si Kuya Chris naman ang best man ko. Wala na din naman iba. Kaye will be part ofcourse - Bridesmaid.
Celeste is now the main attraction of our every Sunday. I can't wait to have our own Celeste. May mga naiisip na nga akong pangalan.
Pag boy dapat may Primo kasi ako Uno tapos pangalan ng parehong lolo.
Pag girl naman Aada (first born) then pangalan ng parehong lola.
Pero hindi pa kasi 'yon kasali sa priorities ni Trish ngayon which I understand. Soon Primo and Aada will come to life - kasal muna.
TRICIA' S POV
"Dr. Tricia may naghahanap po sainyo sa ER. Chris Villarama daw po. Hindi nya daw po kayo macontact."
Hindi na ako nakapag tanong pa or nakapag pasalamat man lang sa nurse. Parang may baterya ang mga paa ko na kusang tumakbo papuntang ER.
Ngayon ang balik ni Uno from Cebu kasama si Kuya Chris. Pero bakit nandito si Kuya Chris sa ospital? Iba na agad ang pakiramdam ko.
Just when I thought things couldn't get worse....
" Kuya Chris, anong nangyari? tanong ko.
" Trish, si Uno."
Hindi ako agad nakagalaw at nakapag salita.
"Kaninang umaga nag sabi siya na parang hindi daw okay pakiramdam niya. Tinanong ko naman kung kaya niya or gusto niya magpahinga na lang sa hotel. Pero kilala mo naman si Uno pag may trabaho na kailangan tapusin tatapusin at tatapusin niya. Pag board namin may slight fever na. Pag ka land namin pinatawag niya na ako sa Doctor niya at dito na nag paderetso. Nawalan siya ng malay on the way here. "
Maraming post transplant complications. Pinaka common ang infection. Kaya lagi ko nireremind si Uno na inumin ang mga gamot niya at mag mask kung hindi siya sigurado sa health ng nakakasalamuha niya. Pero yung mahimatay siya hindi magandang sign yun. Maaring graft ang may problema.
"Trish, calm yourself. Umupo ka muna dito. Papunta na sina Tito Anton."
May kalahating oras kaming nag hintay ni Kuya Chris bago lumabas ang doctor na nag check kay Uno.
"Doc, kumusta po si Uno?" agad na tanong ko.
"Infection. Medyo bumaba na ang lagnat niya. But we need to move him to the ICU for observation for atleast 24 hrs or until mawala ang lagnat niya. I will administer heart biopsy to see if there are signs of his body rejecting his donor heart. I am hoping that it is not."
"Pero gising na siya Doc? Pwede ko siya makita?"
"Yes he is awake now. And I am afraid that you have to wait before you can see him. You know how it works Dr. Robredo."
"Yes, Doc. Thank you." malungkot na sagot ko.
"Chris pag dumating sina Anton tell them to see me."
Yes, I know how it works. Kailangan i-isolate si Uno for now. And sa nangyaring 'to alam ko na kailangan ko munang itigil ang residency ko. Hindi pwede na ako pa ang maging carrier ng virus. Alam ko na kokontrahin ni Uno ang desisyin ko. Pero hangga't labas pasok ako ng ospital hindi maiiwasan na mangyari ang ganito. Kahit sabihin pa na nag iingat hindi mo pa din masasabi ang panahon.
This time - ako naman. Ako naman ang mag sasacrifice.
Agad dumeretso sina Tito Anton and Tita Stella sa clinic ng Dr ni Uno ng makarating sila ng ospital. Nag hintay na lamang kami ni Kuya Chris sa ER habang iniintay na mailipat si Uno sa ICU.
"Tito is it bad?" Agad na tanong ko ng makabalik sila ni Tita sa ER.
"Hija, we are hoping it is not. Ibbiopsy na daw siya ngayon before ilipat sa ICU. We just need to wait and pray that this is not bad."
"Chris, can you pick up Kaye and bring her home? Bukas na lang siya pumunta dito hindi pa din naman natin makikita si Uno ngayon." utos ni Tito kay Kuya Chris.
"Yes, tito."
"Trish, anak baka gusto mo din muna umuwi?"
"No, Tita. I'll stay here. Mag papaalam lang po ako sa attending ko and babalik po ako dito."
Mas lalong naging buo ang desisyon ko na itigil na muna ang residency program ko. I already discussed this with Mama even before the proposal happened. Simula ng magbalikan kami ni Uno nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko na siya iiwan. At lalong hindi ako papayag na ako pa ang maging dahilan para mawala ulit siya sa akin.
Nothing is more important now than my Family - and Uno is Family.
-------
Happy Monday! ❤️
Salamat po sa lahat ng patuloy na nag babasa.
❤️
YOU ARE READING
Always
FanficThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...