Always - 26

298 8 1
                                    

TRICIA'S POV

Hindi ko siya mabasa. Umupo siya sa kama at tumingin sa akin.

"Anong sabi mo? Asawa? Anak? Hindi ko alam saan mo nakuha ang impormasyon na yan. Pero sinasabi ko sayo fake news yan." Kung kanina ay hindi ko mabasa ang reaksiyon niya, ngayon ay kita ko ang gulat sakanya.

"Selina Villarama. Attending ko ang Pediatric Consult sa delivery niya. Kasama niya si Kaye sa ospital kahapon." Pag uumpisa ko.

"Upo ka nga dito" sabi niya habang tinatapik ang kama.

"Aalis na ko. I want you to be happy." Akmang bubuksan ko ulit ang pinto nang mag salita siya.






"Selina Villarama. Ate Selina Villarama is my cousin. She's Kuya Chris' wife."

Natigilan ako sa sinabi niya. Shocks! Pinsan?

Napatingin ako sa kaniya.

"She'll give birth here. Kasabay namin sila umuwi last week. Pag lumabas ka ng pintuan na yan makikita mo sila sa baba nag bbreakfast. Nandito ka sa bahay namin, Trish. Kung ready ka nang makita sina Dad at Mom na mag isa, sige feel free to go out. Kung hindi naman feel free to sit here and I'll walk you out mamaya after natin mag usap."



Kahit nahihiya at napahiya ako mas pinili kong tumabi sa kanya. Hindi ko naman kayang harapin sina Tito Anton at Tita Stella nang mag isa.

" Sorry, akala ko kasi....

" Akala mo kasi? Kinalimutan na kita? Nag pagaling at nagpahinga lang ako, Trish. " Agad na pahayag ni Uno.

"Ate yung tawag sa kanya ni Kaye. Villarama yung surname niya. Hindi ko naman alam na may asawa pala si Kuya Chris. Ang tagal mo nawala, hindi ko alam ano ng ngyari sayo" Sagot ko na hindi pa din makatingin sakanya.

I can't believe that I am sitting next to him. Gustong gusto kong hawakan ang mga kamay niya. Gustong gusto ko siyang halikan. God, Uno!

" Talent mo talaga mag assume, 'no? Dati inassume mo na mapapagod ako kasi mag kalayo tayo. Ngayon naman inassume mo na may asawa na ako at mag kakaanak pa?"

Napakaseryoso niya ngayon. Hindi ko alam paano ako sasagot sa mga sinasabi niya.

"Hindi ko naman alam...."

"Madami kang hindi alam kasi pinili mo akong iwan."

Kinurot ang puso ko sa sinabi ni Uno.

"Alam mo I was ready to leave everything behind. I already talked to Dad and Mom na I can manage the office sa FL and I can be with you every weekend sa NY."

"Uno..."

"Let me finish, Trish."

Hinayaan ko lamang siya mag salita. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya kahit hindi siya direktang nakatingin sa akin.

"When we celebrated our 1st anniversary, I already knew that you are the girl I wanna marry. I was ready to propose to you. I was ready to marry you. But I have to wait kasi gusto ko matupad mo muna mga pangarap mo. When you got accepted abroad for your clerkship and internship I was so happy for you. Pwede naman ako mag leave to visit you. In fact I already talked to your mom about my plan. Sakto lang kasi e. 2 years yung program mo pag balik mo ggraduate ka na then mag rereview and after boards mag popropose ako sayo."

Never nasabi sa akin ni Mama na may ganito pala silang usapan ni Uno. Mas lalo kong naramdaman yung pag kakamali ko.

"Do you still remember yung sabi ko sayo na mag ccelebrate tayo out of town after boards?"

"Yeah." maikling tugon ko.

"Dun sana ako mag ppropose sayo during sunset kasi sabi ko gusto kong fiancee na kita pag dating ng sunrise."

Kung kanina may kirot yung mga sinasabi niya ngayon pakiramdam ko parang may sumasaksak sa puso ko ng paulit ulit.

"Masyado akong naging confident sa mga plano ko. Masyadong naging mataas ang expectation ko. Akala ko kasi sapat yung pag mamahal at pag titiwala natin sa isa't isa para malampasan lahat ng pag subok. Kaya noong tinulak mo ako palayo noong iniwan mo ako, sobra sobra yung sakit na naramdaman ko. Pinabayaan ko na sarili ko kasi para saan pa iniwan mo naman na ako. Doon nag simulang lumala ang sakit ko. Hindi ko na sinabi sayo kasi nga confident ako e, confident ako na hindi naman lalala kasi masaya ako at okay ako. Noong nakita ko na ngumingiti ka kasama ng iba doon gumuho ang mundo ko, Trish."

After Jacob and I broke up sabi ko maghihintay na lamang ako sa tamang tao. Dumating na pala ang tamang tao pero sinayang ko.

----
Dropping the next chapter tomorrow. Tinatapos ko lang.

Thank you!

❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now