TRICIA'S POV
Nag paalam ako kina Tita na uuwi muna para makapag palit at makakuha ng mga gamit. When I left tapos na ang heart biopsy at nasa ICU na si Uno.
"Anak, kumusta si Uno?" tanong ni Mama
"How bad is it, Ate Trish?" tanong naman ni Jill.
"Hindi ko pa alam. He will be in the ICU for next 24 hrs or so for observation." malungkot na sagot ko.
Bumalik sa ala-ala ko ang unang pagkakataon na nangyari sakanya 'to. Panahon na hindi man lang ako nagtanong. Hindi ko man lang napansin na may kakaiba na pala. I wouldn't let that happen again.
" Ma, I think this is the right time."
Alam ko na nakuha agad ni Mama ang ibig kong sabihin. Tumango siya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
"By all means, Anak. You have my blessing."
I've already missed my chance before because of a stupid decision na pinag sisihan ko. Ngayon na binigyan ako ng isa pang pag kakataon hinding hindi ko papalampasin 'yon - even if it means putting my dreams on hold.
" Tito, Tita pwede ko po kayo makausap?"
I don' t want to waste time. The sooner the better.
"I've been thinking po na baka mas makakabuti kung macheck ulit si Uno sa US?"
Hindi sila agad nakasagot at kitang kita sa mukha nila ang pag tataka.
"Anak, don't tell me na -" I interrupted her.
"No, Tita I will never do that. Not again. Never again. I have decided to put my residency on hold po. Alam ko po na hindi magugustuhan ni Uno ang desisyon ko pero hindi din naman po ako papayag na ako pa ang maging dahilan kung bakit ulit siya mawawala sa akin. "
I've explained my side and I know that this is not something they want me to do. But this is what I want.
" Trish, I'll be very honest that I am already considering that as an option. And this is not something na ipipilit namin sayo at lalo na kay Uno"
"Tito, Tita alam ko po 'yon. But believe me po, this is something na matagal ko ng pinag isipan."
Halata pa din ang gulat at pag tataka nila sa desisyon ko.
" Matagal ko pong hinintay na bumalik si Uno. I made a promise to myself na kung bibigyan ako ulit ng chance na makasama siya I will never let go of him again. I should have been with him during that most difficult time for him but I missed that chance - I let go of the chance. And I don't want to commit the same mistake again"
"Have you discussed this with your Mom and your sisters?" Tita Stella asked.
"Yes tita and they are totally okay with it."
"Hija, wala sa amin ni Tita mo ang desisyon. Desisyon niyo pa din ni Uno ang masusunod."
"Kung ano man po yung gusto ni Uno whether to stay here or bumalik ng US i'll be with him. Pero about my residency po I know Uno will be against it but this is what I wanted to do."
Tito was about to say something but we were interrupted by Uno's Dr.
"Good that you are all here. I've got the result of the biopsy. Good thing I see no signs of his body rejecting the new heart but we still have to make sure not to let our guard down."
"Kumpadre what does it mean?" Tito asked.
"You may want to consider bringing him back to the US. I had a conference call with Dr. Rowley earlier though we don't see any signs yet he recommended to check Uno again."
Seryosong nakikinig si Tito. Si Tita bakas ang pag aalala. Ako? Gusto ko na lang makita si Uno.
" Gusto ko siyang takutin dahil napakatigas ng ulo. Mula pag kabata hindi na nag bago. Pag may gusto gaano man kahirap pipilitin at pipilitin pa din."
Sinangayunan nina Tito ang sinabing iyon ni Dr.Chiong. Ninong siya ni Uno sa binyag at magiging Ninong din naman sa kasal.
" You can go and see him now, Dr. Robredo. Hindi na kayo ang hinahanap ngayon" Lingon niya kina Tito. "Si Tricia na. "
Lalabas na sana ako para puntahan siya pero may dagdag bilin pa si Ninong Doc.
"Distant meet up for now, please."
Ngumiti lang ako at kumaripas na ng takbo.
When I reached the ICU, I saw my man. I saw my love. I saw my home -
smiling and waving at me.
I smiled and waved back. God! I missed him.
---------
Good Morning! 🧑❤️🏡
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...