RICHIE'S POV
Bakit naman ako susunod sa plano mo? Hindi ako tanga, Kim. Kung pumalpak ang plano mo nganga na naman ako. Hindi na pag mamahal ang nararamdaman ko kay Tricia. Galit. Galit na gusto ko ipaghiganti.
Hindi ako nawala sa tabi mo. Pero bumalik lang si Uno binalewala mo na ako. Sinaktan mo ako Tricia. Wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka. Napakatagal na panahon mo akong pinaasa asa. Masakit kung mawawala ang anak mo. Pero mas masakit kung ang mag ama mo ang mawawala. Tama! Kung sa mag ama mo na lang kaya ako gumanti? Bright idea!
Kailangan ko makaisip ng paraan paano mapapauwi si Uno. Hindi dapat maging madali ang lahat para sayo, Tricia. Unti unti mo din dapat maramdaman ang sakit. Sakit na gugustuhin mo na lamang din mamatay.
Tumunog ang telepono ko sa gitna ng pag iisip.
Tangina, ang kulit kulit mo. Pero hindi pwedeng magpahalata. "Hello, my friend. Anong susunod?" tanong ko.
KIM: Sigurado ka bang nakuha mo na ulit ang loob ni Tricia?
ME: Mismo natumbok mo!
KIM: May ticket na ako. Susunod na ako kay Uno sa isang linggo. Pag nakaalis ako ikaw na ang bahala sa Tricia mo. Siguraduhin mo na hihintayin mo akong makaalis bago ka gumalaw. Kung gusto mo magpaka ama sa anak niya bahala ka.
ME: Copy my friend. Mag hihintay ako ng go signal mo.
Papaikutin lang kita Kim. Gagamitin ko lamang din ang tiwala mo para saktan si Tricia. Kung tutuusin wala naman akong pakialam sayo. Sadyang mahilig ka lamang din makisawsaw.
Kung pinili mo lamang ako Tricia hindi tayo aabot sa ganito. Sana masaya tayo. Sana ako ang ama ng anak mo. Mas pinili mo si Jacob pero niloko ka. Mas pinili mo si Uno pero dispalinghado. Mabait naman ako pero winasak mo. Damay damay tayo sa sakit. Dapat maramdaman mo ang lahat ng pinaramdam mo sa akin.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...