Always - 44

317 13 1
                                    

UNO'S POV

Finally we are home.





"Labs, okay ka lang? Walang masakit? May gusto kang kainin?" Tanong ko.






"Okay lang ako, Labs. Antok lang. I mean antukin naman ako pero mas grabe ngayon.Pinapasabi din ni baby sorry daw kasi siya talaga yung dahilan bakit nalate kami sa renewal of vows ng Lolo and Lola niya."










Natawa ako sa huling sinabi niya. Kaya pala. Kaya pala sobrang antukin niya.Akala ko pagod na pagod lang talaga siya sa trabaho.







" Oh bakit ka tumatawa diyan?"






" Natawa lang, Labs. Kaya pala grabe ka matulog tapos grabe ka din mag sungit. Pero sige lang sungitan mo lang ako ng sungitan at matulog ka lang ng matulog. "






" A ngayon okay lang matulog ng matulog?Pero nung hindi ko pa alam na buntis ako halos hindi mo na ako pansinin pag nakakatulog ako ng matagal. At tsaka kailan kita sinungitan? Ewan ko sayo. Bahala ka diyan. "






Heto na ba 'yon? Start na ba?




" E, Labs hindi ko naman kasi alam. Hindi pa natin alam noon. Syempre akala ko binabalewala mo yung sinasabi ko sayo. 'to naman wag ka ng magtampo, okay? Sorry na. Ngayon na alam na natin e sige kahit maghapon ka matulog sige lang. Hindi ako magagalit sayo. "





" Che. Bahala ka diyan. Ewan ko sayo. "


Jusko. Ginusto ko naman mag kaanak pero iba pala talaga pag andito na. Mukhang 9 months ako manunuyo.







" Labs, naman. Sorry na. Wag ka na magalit. Sige ka baka nakasimangot si Baby pag labas niya."






"A so kasalanan ko pa? Nababadtrip talaga ako sayo, Uno."




Around lunch time na kami nakauwi from the hospital. Ngayon almost dinner time na pero ayaw niyang umalis sa kama. Humingi lang siya ng tubig kanina tapos natulog na ulit. Nagising naman siyang good mood pero natawa lang ako sa sinabi niya kanina eto nabadtrip na.






"Wag ka na magalit. Payakap nga."







Nagpayakap naman siya. Kinuha at ipinatong niya pa ang mga kamay ko sa tiyan niya.





"Alam mo anak, iniiiiiiiiiiiiiis na iniiiiiiiiiiis ako sa Tatay mo ngayon. Pero ayaw ko din naman na hindi ko siya katabi."





Kung makainis naman 'to. Tumawa lang naman ako sa sinabi niya kanina. Yun lang talaga.






"At alam mo anak, mahal na mahal ko kayo ng Mommy mo kahit iniiiiiiiiiiiiiis na iniiiiiiiiiiis siya akin."






"Kung mahal mo talaga kami ng anak mo pupunta tayo ng US no ifs and no buts."







Napag usapan na namin ni Trish 'to matapos niyang sabihin ang tungkol sa pag bubuntis niya. Alam ko na din na ititigil niya na muna ang residency niya at mas ipupursue ang medical research.

Yumakap ako ng mas mahigpit sakanya at tulad ng madalas kong ginagawa isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya. Hindi ko maisip bakit pumasok sa isip ko na iwan siya. Dapat yung mga ganito ang iniingatan sa buhay pero muntik ko nang sirain.







"Labs, invite kaya natin sina Tita dito for lunch bukas? Or gusto mo sabihin natin kina Mommy bukas then sainyo sa Sunday?"






AlwaysWhere stories live. Discover now