Always - 47

295 12 4
                                    

TRICIA'S POV

"Labs, gusto mo ulit ng magic?" Tanong ni Uno ng makalabas ako ng banyo.


Ano na naman kayang pakulo ng asawa ko. Kasal na sana namin bukas.


Kanina nag pacheck up kami at ayaw pa din talaga ako bigyan ni Kim ng clearance to go abroad. Ma s-stress daw si baby sa haba ng byahe. Kahit sabihin ko pa kay Uno nang paulit ulit na okay lang ako alam ko na ramdam niya na hindi.


Kumandong ako kay Uno na nakaupo sa kanyang swivel chair. Kinuha niya pa ang suklay na hawak ko at siya nang nag tuloy ng pag susuklay ng aking buhok.


"Labs, ano naman inutos mo kay Jill? Mamaya nakasimangot na naman 'yong papasok dito."



"Iba naman. Magic nga, Labs e." Patuloy pa din siya sa pag suklay ng buhok ko.


Mamimiss ko ang ganitong pag lalambing ni Uno. Kung pwede lamang na pigilan ko siyang umalis, gagawin ko.


Nang matapos niyang suklayin ang buhok ay muli siyang nagtanong "Labs, ready ka na sa magic ko?"





"Hmm. Ang magic dapat diba entertaining? Pero bakit ang magic mo nakakaiyak?"


Ramdam ko ang pag yakap niya sa bewang ko mula sa likod. In 2 weeks wala nang yayakap sa akin ng ganito.



"Tears of joy naman 'yon, Labs. Game ka na?"

I nooded.


"Okay. Pikit ka muna." Aba iba ata ang magic niya ngayon ah, may pag pikit pa. Sinunod ko naman siya. Ramdam ko na gumulaw ang upuan, pakiwari ko ay nakaharap na kami ngayon sa may pintuan.



"Relax lang, Labs. In the count of 3 open mo mga mata mo ha? Ready?"


I nooded.

"Okay


1






2








3"


"Surprise!" isang malakas na sigaw ang narinig ko pag bukas ng pintuan. Pag dilat ko ay agad akong naluha nang makita kung sino sino ang nasa may pintuan ng kwarto namin. My bestfriends are here. Napayakap at halik ako kay Uno. He is really a man full of surprises.


KARL: Ay, respeto po sa single. Pansinin mo muna kaya kami, girl.

ASHLEY: Ininvite mo ba kami dito Uno para makita namin paano kayo maglambingan or para makabonding namin si Trish?

Hindi ko na sila madalas makasama dahil may kanya kanya nang pinagkaka abalahan. Tanging si Kim na lamang ang almost everyday kong nakakausap. And ofcourse wala si Richie na hindi na namin alam kung nasaan. Never na siyang nagpakita sa isa man sa amin after ng nangyari sa kanila ni Uno.

Yumakap ako sa kanila at ganoon din si Uno.

"Let's go sa labas? May nakahandang food para sainyo." Pag aaya ni Uno. Hinayaan namin silang maunang lumabas. Hinarap ko pa si Uno na nakaalalay sa likuran ko. "Labs, thank you for this, I really appreciate it."


"Anything for you, Labs. I know you needed this. Alam ko na bored ka na dito sa bahay. Kaya halika na." Lumabas na kami at nagtung sa dining table.


Nag paalam na din si Uno nang masiguradong okay na ang lahat.

"Labs, just text me if you need anything. Enjoy your bonding time with your bestfriends. Babalik na muna ako sa kwarto para tapusin 'yong ginagawa ko. I love you" Bulong niya. Humalik pa siya sa noo at humawak sa tiyan ko bago siya pumasok ng room namin.


AlwaysWhere stories live. Discover now