Hello po. Vote po kayo if gusto nyo po ang story❤️
–––––––
TRICIA'S POV
Matapos ang graduation ay halos parang pumikit ka lamang sa bilis ng mga pangyayari. Heto nga at halos tapos na ang isang sem ko as 1st year Med Student. Si Ashley lamang ang nahiwalay sa aming 6 - napag desisyunan kasi ng mga magulang nya na sa ibang bansa na siya mag patuloy ng pag aaral. Si Mama at 2 kapatid ko ay supportive pa din as always. At si Uno, yes si Uno. Constant pa din ang presinsya nya sa buhay ko. Mas lalo ko pa siyang nakilala. 'Twing andyan sya sa paligid ko pakiramdam ko safe ako at palagi akong may matatabukhan. Hindi kami at hindi din naman sya nanliligaw. Pero kumukulo ang dugo ko at naiinis ako sa' twing may mga babae na nag papaka cute sya kanya sa gym man or pag magkasama kaming 2.
From numero UNO:
Rise and Shine, beautiful! 🌞
Tinulugan mo na naman ako kagabi 😔
Office na po ako. Take care coz I care 🙃Yan ganyan siya - pa FALL. Kinabukasan after nung unang labas namin never na siya nakamiss mag send ng good morning sa akin - hanggang good night - pero umaga ko na din nababasa. Kung gaano sya ka consistent mag good morning at good night ay ganun ko din sya ka consistent na nakakatulugan.
To numero UNO:
Matik na kasi yun 😅✌️
Good Morning. Ingat ka din 🙂From numero UNO:
Nagbreakfast ka na?
To numero UNO:
Hindi pa. Nakahiga pa ako 😅
Ikaw?
Hindi ka ata busy 🧐From numero UNO:
Busy - gusto ko lang makapag goodmorning sayo.
Bumangon ka na baka malate ka pa.Yes from 'unknown' to numero UNO sa contacts ko. Sino hindi ma-ffall sakanya. Ganyan yan daig pa boyfriend. Text pa lamang yan ha, mas lalo yan pag mag kasama kami. Well, hindi lamang naman siya sa akin sweet. Kahit sa Mommy at kapatid nya at kahit sa mga kapati ko at kay Mama din.Parang too good to be true ganun.
"Maganda na naman po umaga niya. Mapapa sana ALL ka na lamang talaga" bati ni Jill
"Salamat talaga kay UNO at hindi ka na masyadong nag tataray" dagdag pa ni ate aiks.
"Pag masaya si Uno agad? Hindi ba pwedeng masaya kasi kasama ko kayong mag bbreakfast?"
"Maniniwala sana kami kung bago dumating si Uno ganyan ka na perrrrrrooo ano kasi e mataray ka at masungit madalas" himutok ni Jill
True enough. Lagi nga naman ako mataray sa kanila. Pero napansin ko din na nag iba nga simula noong nakilala ko si Uno. Para bang ang gaan gaan lamang at lagi nya ako napapasaya kaya nadadala ko dito sa bahay.
"Ano nga ang latest sainyo. Kayo na ba?" pag uungkat ni ate aiks.
"Hindi." tipid kong sagot
"Ay true ba?" tanong ni Jill
"So ano kayo?" pag uusisa ulit ni ate aiks
"Hindi nga kami. Friends kami" sagot ko.
Yun naman kasi ang totoo friends kami. Super close friends – ata.
"Ay weh? Friendzone lang? As in best of friends?" pangungulit ulit ni Jillian.
"Pero di mo sya gusto? As in hanggang kaibigan lang talaga?" Singit naman na tanong ni ate aiks.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...