TRICIA'S POV
Nagising ako sa mga katok sa pintuan. Bago ako bumangon ay ichineck ko muna kung may lagnat pa si Uno. Mabuti na lamang at wala na.
Pupungas pungas kong binuksan ang pintuan. Si Mama and Ate Aiks pala.
"Kumusta? Nakatulog naman kayo ng maayos?" Agad na tanong ni Ate Aiks.
Sinundan agad iyon ni Mama. " May lagnat pa ba?"
"Nakatulog naman. Mga bandang 3am kanina pag check ko wala ng lagnat hanggang ngayon. Ang reklamo lang niya parang hinang hina daw siya. Kaya hinahayaan ko na lang muna matulog." Paliwanag ko.
Sinilip pa nila si Uno. Kitang kita ko ang pag aalala nina Mama. Hindi din naman sila nagtagal.Nagbilin pa na ipapaakyat na lamang daw dito sa kwarto ang breakfast namin. Sayang, nakaschedule pa naman sana kami ng snorkeling at island hopping today pero mukhang hindi na kami makakasama. Kailangan muna makabawi ng lakas si Uno.
Bumalik ako sa kama. Gusto ko lang katabi niya ako. Gusto ko pag gising niya makita niyang andito ako. Ayaw ko na mafeel ni Uno na nandito lang ako because he is sick. It want him to feel that it is more than that- sobra ko siyang mahal.
Ang sarap niyang pag masdan habang natutulog. Mas nag matured na yung mukha niya ngayon pero gwapong gwapo pa din naman ako sakanya. Maya maya pa ay nagising na din siya.
" Labs, baka matunaw naman ako sa mga tingin mo." Wala na akong pakialam basta pag gising na gising niya hinalikan ko agad siya.
"Ang sarap naman nun Labs, sorry ah di natin naconceptulized si Kambal kagabi, napagod ako e."
Masama na nga pakiramdam pero mapilyo pa din.
"Masama na nga yung pakiramdam mo kambal pa din yang nasa isip mo. Mabilis ka mapagod kaya wala munang kambal kambal. Hanggang kiss ka lang muna" Mapang asar kong sabi sakanya habang paulit ulit ko siyang hinahalikan.
Sinamaan pa ako ng tingin ng isang 'to.
"Ibang pagod naman kasi yun, Labs. Pwede nga ngayon e. Breakfast?" At binigyan niya na naman ako ng mga ngiti niyang nakakabaliw.
Ano kayang ibang pagod pinagsasabi neto? Simula ng maging okay kami e aba puro kambal kambal kambal na bukang bibig. Pakasalan mo kaya muna ako?
" Ipapaakyat ko na lang breakfast dito? Or gusto mo sa baba tayo?" Tanong ko.
He looks disappointed. " Ayaw mo siguro magka anak 'no?"
Aruy! Mukhang hindi ata ako titigilan ng isang ito. Mukhang mas madamdamin na din ata siya ngayon.
"Labs, hindi naman sa ganun. Syempre gusto ko mag kaanak. Pero wag muna ngayon, okay? Kakabalik mo lang. Gusto ko muna bawiin yung mga oras na nawala kasi iniwan kita noon. Gusto ko sayong sayo muna ako. Tapos may residency pa ako." Paliwanag ko na sana tanggapin niya.
Mukhang naintindihan niya naman. Agad nabago ang posisyon namin. Siya na ngayon ang napapaulan ng halik." I'm totally okay diyan sa kapilyuhan mo, okay? Basta wag lang muna mabubuo sina Kambal ha? We can try after residency, okay?"
Sinagot niya lamang ako ng isang mahigpit na yakap at nag paulan ng halik.
"I love you my love! Pero wait napansin ko since bumalik ako never ko nakita na suot mo yung bracelet na binigay ko sayo noong sinagot mo ako."
Kinabahan ako. Hindi naman yun nawala pero tinago ko. Tinago ko pero hindi ko alam kung saan. Bakit kasi biglang hinahanap. Patay.
" It is in a safe place, Labs." pag sisinungaling ko.
" Hindi mo na ba gustong suotin? "
Uno, naman e. Wag mo naman ako nilalagay sa ganitong sitwasyon. Kailangan ko talagang mahanap yun.
"Girlfriend naman ulit kita diba? Boyfriend mo ako?" Blangkong tanong niya.
"Oo naman, Labs. Bakit naman ganyan ang tanong mo?"
"Baka lang kasi ayaw mo suotin yung bracelet kasi hindi naman natin napagusapam." malungkot niyang sagot
Jusko! Sa tagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to kung pwede lang asawahin na kita. Kailangan ko talaga mahanap yun. Bakit kasi hindi ko agad naisip na hahanapin niya.
"No. Nung naghiwalay tayo itinago ko siya. Itinago muna. Kasi mas nagiging masakit pag nakikita ko na pinakawalan kita. Pero ngayon na nandito ka na, pwede ko na siya ulit isuot. Mahal na mahal kita Uno."
Ipinaakyat ko na lamang sa room namin ang breakfast. Tinext ko na lamang din sina Jill na hindi kami sasama sa activities ngayon. Mamaya na lang siguro kami bababa para makipag bonding sa kanila. Gusto ko lang ngayon kasama siya.
UNO'S POV
Kung kahapon hindi ako sure kung kailan ako mag ppropose kay Tricia ngayon sure na ako na kailangan na. This trip made me realized that life is short. Pwedeng kunin na lang ako isang araw. Live life to the fullest. Pwede naman mag residency si Trish habang nag pplan kami ng wedding or kahit kasal na kami. Sina Ate Aiks naman bumubuo na ng pamilya. Meron na din naman na taong nag aalaga kay Jill. And I am sure susuportahan naman kami ni Tita.
Gusto ko mag out of the country trip with Trish pero hindi possible yun because of her schedule. So I am thinking na sa Naga na lang ulit. Like when I asked her to be my girlfriend. Kailangan lang ng magandang timing. It all depends sa magiging usapan namin ni Tita, manganganak pa si Ate Aiks and kung hanggang kailan ang bakasyon ni Jill.
Totoo talagang mararamdaman at mararamdaman mo pag ready ka na. Well dati pa naman pero kailangan lang talaga mag back to zero ng lahat. And this time, sisiguraduhin ko na masusuot na ni Trish ang singsing na matagal na niya dapat suot.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...