Always - 13

263 4 0
                                    

UNO'S POV

"I am so happy for the both of you. Thank you Uno for again doing  things right." Pahayag ni Tita Pres na siyang ikinagulat ni Trish.

Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na ito. Walang kaalam alam si Tricia na alam nina ate aiks ang plano ko. In fact, nasa likod lamang namin sila habang nakikipag usap ako kay Mayor Pogi. Gusto ko na marinig nilang lahat ang sasabihin ko. Gusto ko na alam nila kung gaano ko kamahal si Tricia. Their Tricia - My Tricia.

"Alam nila? Plinano mo 'to?" Tanong niya sa akin.

"Yes, sinabi ko kina Tita na gusto ko kaharap din si Papa mo at saksi ang pamilya mo sa pag mamahal ko sayo. Pero hindi kasama sa plano ko na mabad trip because of Richie. Bigla na lamang siya sumisingit, as always." Sagot ko sakanya.

"Wag ka na kasi mabad trip. Ikaw lang ang mahal ko, okay?" sabay yakap niya sa akin.

"Ehem! Tama na po. Grabe kayo, respeto po sa single." Agaw eksena ni Jillian.

"Hindi ka pa pwede mag boyfriend, Jill. Baby ka pa". Suway ni ate aiks

"Oh, Uno bakit ka naman umiiyak?" Tanong ni Tita

"Tears of Joy lang po. Ganito po pala ang pakiramdam pag nasa tamang tao ka." Sagot ko

"I know the feeling, bro!" sigaw ni Kevin - bf ni ate aiks

"Sabi ni Papa tigilan nyo na daw ang" Kakalan." Irap ni Jill

"Anong kakakalan, jill?" Tanong ni Kevin

"Kakalandi". Sagot ni Jill na ikinatawa na lamang namin lahat.

Nang maubos ang mga sinindihan naming mga kandila ay agad na din kaming bumalik sa bahay.

Pag katapos ng dinner ay agad naman nag handa sina Tita para sa isang online interview - yes kaliwa't kanan ang interview sa kanilang mag iina. Nanatili na muna kami ni Kevin sa labas ng bahay habang nag hhintay sa kanila.

"Bro, matagal pa naman plano mong pakasalan si Trish? Tanong ni Kevin

" Matagal pa bro. Kakasagot niya pa lang sa akin at madami pa kaming gustong gawin. Bakit mo natanong? Balik na tanong ko sakanya.

"Kami muna ha? Kami muna ni aiks bago kayo. Sigurado na ako sakanya, bro. Siya na ang the one for me." Pahayag ni Kevin

" Oo naman. Walang problema yan. By all means. Matagal na din kayo ni ate aiks and it's about time." sagot ko sakanya

"Ang hindi ko lang alam, kung ready na ba siya? Alam mo naman na simula ng mamatay si Tito ay si aiks na ang naging katuwang ni tita sa lahat ng mga bagay". Agad niyang sagot

"Never niyo bang napag usapan ni ate aiks?." Tanong ko ulit

"We've been talking about marriage but not much. I mean not very often. Pero syempre alam mo na doon na din yun pupunta." Sagot naman niya

"Naisipan mo na bang kausapin sina Tita? Ano plano mo?"

"Bro, madaming beses na. Hinintay ko lamang din na makagraduate si Trish and andiyan ka na para sa kanya. Hinihintay ko na lamang ngayon na makagraduate si Jill ng highschool. Ayaw ko din naman kasi na mafeel ng mga kapatid niya na ilalayo ko sa kanila ang ate nila. Tulad mo ipinangako ko din na aalagan at mamahalin ko ang lahat ng mahal niya. Kaya bro, alagaan mo si Trish. Wag mo sana siyang sasaktan katulad ng ginawa ni Jacob sakanya. Tandaan mo suportado ko kayo pero oras na saktan mo si Trish, isa din ako sa makakalaban mo". Salaysay niya

"Bro, makakaasa ka na aalagaan at mamahalin ko si Trish. Deserve na din ni ate aiks na sarili niya naman ang intindihin niya. Alam ko din na wala na magiging problema kay tita. Graduating na din naman si Jill this school year. So may plano ka na ba? Agad kong tanong

AlwaysWhere stories live. Discover now