TRICIA'S POV
..... "Trish?" tawag nya
Parang nakalimutan ko paano mag salita. Hindi ko alam anong isasagot ko sakanya. Or should I say alam ko naman ang isasagot hindi ko lamang alam paano ko sasabihin. Napakasincere naman po ng taong 'to. Naisip nya pa talagang magpaalam kina Mama.
"Trish?" tinawag nya ulit ang pangalan ko. Tsaka pa lamang ako bumalik sa realidad.
"Sabi ko pwede ba kitang ligawan?" tanong ulit ni Uno.
Kung pwede lamang sagutin na kita agad agad. Pero alam ko naman na you wanted to do it your way. Hahayaan lamang kita. Atleast ngayon alam ko na hindi lamang tayo mananatiling mag kaibigan.
"Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Totoo ba 'to?" tanong ko sakanya. Hawak nya pa din ang mga kamay ko
"Yes, Trish. I like you and this is real". Do you like me too? " pahayag nya.
Tumango na lamang ako. Hanggang ngayon ay hindi ko mahanap ang mga salita na dapat kong sabihin.
Pag katapos noon ay hinalikan nya ang mga kamay ko at niyakap ako." Thank you". Dugtong nya
Sa pagkakayakap niyang iyon ay ramdam ko gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Tibok ng puso niyang pantay din sa tibok ng puso ko. Ayaw ko na lamang kumawala sa yakap na iyon. Ang sarap sa pakiramdam na gusto ka din ng taong gusto mo.
Nang bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin agad siyang nag salita.
"Wala nang bawiaan ah? Liligawan kita." malambing niyang pahayag habang nakatingin sa mga mata ko
Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Lord ano po bang nagawa ko at may ganitong tao sa harapan ko. Lahat na ng hinahap ng isang babae sa isang lalaki ay nasa kanya na. Iingatan ko ang puso nito.
"Hindi ko naman balak bawiin. Thank you kasi nag paalam ka muna kina Mama. Palagi mo na lamang akong pinahahanga." Malambing na sagot ko sakanya
"I respect your family as much I respect you. Iingatan kita, Trish. Thank you for letting me in to your life". Mahinahon niyang sagot
"Mama, ang dami naman langgam dito. NAKAKAINIS!" Kilalang kilala ko agad ang boses na iyon.
"Jilllll!" Napatawa na lamang kami ni Uno
"Mukhang nakapag usap naman kayo ng maayos? Okay na?" Tanong ni Mama sa amin at agad naman kaming tumango sakanya
"Oh sya let's eat. Nakakagutom na din." Saad naman ni ate aiks
Agad din naman natapos ang dinner. Hindi na din nagtagal ay nag paalam na si Uno. May work pa siya bukas at ako naman ay may recit.
"Ingat ka pag drive ha? Text ka pag nakauwi ka na, okay?" Bilin ko sakanya
Hinalikan niya naman ang noo ko bago siya sumagot. " I will. Sige na pasok ka na sa loob."
Inaasahan ko na ang pang aasar nina Jill and ate aiks. Ngunit tila ata nag iba ang ihip ng hangin. Ibang iba sa inaasahan ko ang ngyari. Nang makapasok ako sa loob ng ay agad na yumakap sa akin si ate aiks.
"Iba si Uno, I'm so happy for you." Pahayag ni ate aiks
" Sigurado bang nag iisa lang si Kuya Uno, Lord?" Hirit ni Jillian
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...