TRICIA'S POV
Hindi ko alam na may isasaya pa pala ang buhay. Busy man pero masaya. Si Ate Aiks naman kakapanganak pa lang. Si Jill and Michael naman nag extend ng bakasyon nila since pwede naman silang work from home. Si Mama busy pa din bilang Pangulo ng Pilipinas. Syempre kami ni Uno going strong kahit may konting away minsan.
Hindi ko makalimutan kung paano ko siya sinuyo noong hindi ko na nakita ang bracelet na binigay niya noong sinagot ko siya.
Isang araw di na siya nakatiis. Nagkita kami after duty ko. Nagtanong siya bakit daw hindi ko pa din suot. Hindi ko naman alam kung paano ko sasabihin sakanya. Hindi ko naman sinasadyang iwala. Basta ang alam ko nasa box yun ng mga gamit ko from US. Hinanap ko naman pero hindi ko talaga makita. Ang duda ko ay nakasama iyon sa mga boxes na inuwi namin sa Naga.
2 araw ko siyang sinuyo suyo. Ang dami niyang hinanaing. Hindi ko daw pala iniingatan ang mga bigay niya. Pero mas nagalit daw siya kasi hindi ko na lang sinabi na namisplaced ko. Pinili ko pa daw mag sinungaling sakanya. Which I am guilty. Ginusto kong umuwi ng Naga ng mga oras na 'yon para icheck kung nandoon nga. 2 araw na parang ang cold cold niya. Pero syempre di ko naman hinayaan na ganun kami. Kasalanan ko kaya todo effort ako mag explain.
Nasundan pa ang away namin ng isang beses galing ako sa 36 hrs na duty. Usapan na namin na tutulog ako maghapon and magkikita kami for dinner sa gabi. Pero dahil tulog mantika ako hindi ako nagising sa alarm. Mag isa lang ako sa condo noon wala sina Jill kasi umuwi sa province nina Michael. Si Mama naman nasa out of town engagement. May 2 oras daw siyang naghihintay sa labas ng condo. Kahit mga tawag niya noon hindi ko narinig. Nagising ako 3AM na kinabukasan. Sumasabog notif ko. Grabe talaga yun. Hindi niya ako kinakausap pero sweet pa din naman nag papadeliver pa din ng coffee everytime duty ako. Cold lang talaga pero naitawid ko din naman.
And mukhang ngayon manunuyo na naman ako.
Wedding Anniversary ng parents niya at may renewal of vows. Syempre ako ang partner niya sa entourage. Pero eto at late na naman ako - wala pa akong duty neto kagabi ha? Yung start sa church is kanina pa 3PM pero anong oras na 6PM na ngayon. Bakit kasi napakasarap ko matulog.
Nauna pa sa akin sina Jill dahil from Naga doon na sila dumeretso nina Mama. Nasa kalagitnaan na daw ng reception base sa huling text ni Jill at mukhang badtrip na daw si Uno dahil minsan na lang ngumiti. Nag sawa na nga ata mag text at tawag sa akin. Wala na din ginawa si Jill kung hindi tumawag ng tumawag and in fact sa tawag niya ako nagising.
Dali dali akong pumasok sa venue. Yung ibang bisita pa nakakasalubong ko na. Almost 7PM na ngayon. Away na naman 'to sure na sure.
Agad namang sumalubong si Jill ng makita niya ako.
"Ate Trish, sa dami ng okasyon ngayon pa talaga? Ihanda mo na yang explanation mo".
Hindi ko na siya pinansin at agad na tumungo sa kinaroroonan nina Uno. Umabot naman ako. Umabot ako sa pag thank you nina Tito Anton at Tita Stella sa mga dumalo.
Umupo ako agad ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at humalik sakanyang pisngi. Nagulat pa siya ngunit ng makita niya ako dumilim na ang mukha niya. Patay na.
"Labs, sorry na. Wag ka na magalit." Saktong tinawag naman silang 2 ni Kaye sa stage at naiwan ako sa upuan kasama ang boyfriend ni Kaye na si Drew.
"Ate Trish, straight from duty ka niyan?" tanong ni Drew na nginitian at tinanguan ko lamang.
Nakatapos na ng pag papasalamat sina Tito. Picture taking na at tinawag kami ni Tito Anton para mag-join sa kanila. Mabuti pa si Kaye at Drew okay na okay. Pero kami ni Uno hindi. Pero syempre kailangan hindi kami halata kaya agad niya akong hinawakan sa bewang ko para mag pose sa camera. Makailang kuha ay bumalik na kami sa table. Inaalalayan pa din naman ako ni Uno pero eto na naman ang cold treatment niya. Ramdam na ramdam ko. Kasalanan ko naman kasi.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...