Always - 5

244 4 0
                                    

TRICIA'S POV

Nakakainis naman kung kailan naman weekend na tsaka naman ang dami kailangan gawin. Gusto ko na lang talaga makagraduate para kahit paano makapag pahinga. Naisipan ko na dito na lang sa bahay mag work out para mabilis lang at makabalik ako agad sa gawain ko. Nandoon kaya si Uno today? Ano ba yan hindi na nawawala sa isip ko si Uno. Kasalanan 'to ni ate aiks at jill e. Ang gagaling kasi manggatong.

Nang makatapos ako mag work out at maligo ay babalik na sana ako sa study table ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Si ate aiks.

From ate aiks:

Andito si cutie ngayon. Sayang wala ka. Mukhang hinahanap ka pa naman nya.

To ate aiks:

Naku ate tigilan mo yan. Baka nag aassume ka lang.

From ate aiks:

Cutie nga pala talaga sya. Ngayon ko lang sya natitigan ng maayos. Tama nga si Jill mukhang mabango. Hekhek

Natawa na lang ako at hindi na sya nireplyan. Nagpatuloy na ako sa kailangan ko tapusin para ready na by Monday.

UNO'S POV

Sayang naman. Kung kailan naman ready na ako sya naman yung wala. Buhay nga naman parang life. Ilang araw ko na din hindi nasisilayan ang magaganda niyang ngiti. At masasabi ko na namimiss ko sya. Yung tama ko kay Tricia hindi tulad ng sa mga naging girlfriends ko. Iba 'tong sakanya. Tamang pang forever. Ang baduy mo naman Uno. Pang forever? E paano di mo nga magawang makausap. Sana nandito na sya bukas para naman maganda ang araw ko bago mag Monday.

The Next Day

"Kuya, hindi ako makakasama sayo today sa gym ha. May pupuntahan kami ng mga classmates ko. Ippick up namin yung gagamitin namin for our report tomorrow." Sambit ni Kaye.

Kunwaring nalungkot ako. "Ay ganun, ano ba yan nag seselos naman ako. Mas pinili mo pa mga classmates mo kaysa sa bonding natin."

"Hay naku Kuya, maniniwala na sana ako sayo kung hindi ka lungkot lungkutan dyan. Deep inside naman hindi na ako ang dahilan kaya ka namomotivate mag gym. Malakas ang kutob ko na si ate Tricia na ang dahilan kaya sumasama ka pa din sa akin"

" Selos ka naman?" saad ko. "Hindi ah, happy nga ako e na nakikita kitang masaya. Sana lang nga magawa mo na sya kausapin bago ka pa maunahan ng iba" Pagbabantang sabi nya. "Sana pag uwi ko may good news ka ha?" Dagdag nya pa

Nilapitan ko sya at ginulo ang buhok nito. " Salamat sa payo ha, salamat talaga! Sige na umalis ka na at baka malate ka pa sa lakad nyo, or should  I say date?"

Agad na itong lumabas ng kwarto ko na may pag kainis sa huling sinabi ko.

Nagmadali na ako mag bihis para makapunta na ng gym. Sana nandoon si Tricia. Sana.

Pag kababa ay agad na akong nagpaalam kina Mom and Dad na mukhang busy din pag aayos. Mukhang may lakad sila.

"Gym lang po." Paalam ko sabay labas ng pinto.

Nakatapos na ako mag gym at nakaligo na ay wala pa din ako nakikitang Tricia. Siguro ay busy pa din sya. Pag katapos magbihis akma na sana akong pupunta ng locker area para kunin ang tumbler at sapatos ko ng may matanaw ako. Parang nagtataasan sila ng boses.

Nakuha ko na nga ang gamit ko at lahat ay parang mas tumitindi ang diskusyon. Hindi ko sinasadya na lingunin sila at. Isang babae at lalaki ang nag uusap. Nakatalikod ang babae ngunit malakas ang kutob ko na si Tricia yun kaya lumapit ako ng makasigurado.

AlwaysWhere stories live. Discover now