Hello! Kumusta kayo?
Maraming maraming salamat sa patuloy na nagbabasa sa istoryang ito.Halos patapos na ang kwento nina Uno at Tricia. Sila pa din nga kaya sa huli?
♥️
Part 1/3
—————TRICIA'S POV
It's been 7 months after the accident and 6 months since umalis ako sa Manila. Sa loob ng anim na buwan ni isang tawag or text wala akong natanggap galing kay Uno. Araw araw umaasa ako at nag babaka sakali na mag paparamdam siya kahit alam ko naman na hiniling ko 'to sakanya. Kumusta kaya siya? Palagi kong dinedeny kina Mama, pero miss na miss ko na siya.
Isang malaking what if pa din ang nag lalaro sa isip ko. What if nakinig ako kay Uno — karga karga ko na sana si Primo ngayon. Masaya at magkasama siguro kami ngayon.
Video Call with Ate Aiks
ME: Hello! Kumusta na kayo?
ATE AIKS: Okay kami. Ikaw ang kumusta? Naghintay kami ng tawag mo noong isang linggo.
ME: Okay naman ako dito. Nawalan ako ng pagkakataon medyo naging busy kasi.
ATE AIKS: Tinawagan mo na ba si Mama? Si Jill?
ME: Nakausap ko na si Mama medyo madali lang kasi may mga meetings daw siya. Si Jill? Wala pa din. Hindi niya pa din siya sumasagot sa mga tawag or texts ko.
ATE AIKS: Just give her time. Hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang sarili niya. Kahit yang pag alis mo dinamdam niya rin.
ME: Hindi ko na alam paano ako mag rereach out sakanya. Wala naman talaga siyang kasalanan sa nangyari. Kung may dapat sisihin ako 'yon at hindi siya.
ATE AIKS: Mas makakabuti kung mag uusap kayo ng personal. Wala ka pa rin bang balak umuwi?
ME: Mag e-end na ang pinirmahan ko na kontrata dito pero iniisip ko na mag stay pa for another 6 months or who knows maybe more.
ATE AIKS: Kailangan ba talaga yan, Patty? Sa tingin ko hindi mo naman kailangan gawin yan. Pero hinayaan ka namin kasi sabi mo yan ang kailangan mo. Pero hanggat nandyan ka hindi babalik sa dati ang samahan niyo ni Jill. Hindi mo din ba gustong makita si Uno at ayusin kung anong meron kayo?
Sa isip ko. "Gustong gusto siyang makita. Gustong gusto ko siya mayakap. Ako kaya gusto niya din makita?"
ATE AIKS: Hoy Patty! Natigilan ka na diyan.
ME: Ay sorry, ate. Si Uno kumusta?
ATE AIKS: This is the first time na ikaw ang unang nagtanong about sakanya. Miss mo?
ME: Natanong ko lang naman.
ATE AIKS: Hindi nag sisinungaling ang mga mata, Patty. Mukhang okay naman siya. Hindi na nga lamang namin siya madalas makita. Never din namin siyang naabutan sa sementeryo pag Sunday. Pero alam ko na araw araw pa din siyang pumupunta. Mukhang toy store na nga ang puntod ng anak niyo.
ME: I used to bring him toys, tinuloy niya pala. See Ate Aiks ang laki na ng nawala dahil lang sa hindi ako nakinig sakanya. Ipinagkait ko sakanya maging isang ama.
ATE AIKS: Sana hindi mo din tuluyang ipinagkait sa kanya na maging masaya kasama ka. Sana hindi mo din tuluyang ipinagkait sakanya na malampasan niyo ang sakit ng mag kasama. At sana, Patty wag mo din ipag kait sa sarili mo na iparamdam at ipakita sakanya kung gaano mo siya kamahal. Kasi kahit hindi mo sabihin kitang kita sa mga mata mo ang pag mamahal at pangungulila mo sakanya.
ME: Sige na Ate Aiks, may kailangan pa akong gawin. Kumusta mo na lamang ako kay Kuya Kevin and kiss Celeste for me. Bye
ATE AIKS: PAT—
Hindi ko na nagawang patapusin pa si Ate sa sasabihin niya. Kailangan ko ng i-end ang tawag bago pa ako tuluyang maluha. Hindi ko alam kung sapat na ba na bumalik ako para maging okay kami ulit ni Uno? Paano kung hindi? Paano kung may iba na?
Anak, tulungan mo naman si Mommy.
"Doc Tricia, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Doc Rodriguez, pasensya na may tinawagan lang. Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong ko.
"Hanggang ngayon Doc Rodriguez pa rin? Akala ko okay na sa Doc Enzo kung ayaw mo ng Enzo lang?"
Si Dr Lorenzo Rodriguez ay isa din sa mga volunteer doctors na kagaya ko. Halos 2 taon na siya dito. After passing the boards minabuti niyang maging isang volunteer dito sa lugar kung saan siya pinanganak. Ayon sa kwento niya kulang na kulang raw talaga ang tulong medikal dito kahit noon pa.
Payak akong ngumiti. " Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Muli kong tanong.
Huminga siya ng malalim bago nag salita.
"Doc Tricia, matagal tagal ko ng gustong tanungin sayo 'to pero nawawalan ako ng lakas ng loob at nahihiya ako sayo"
"Ha? Bakit? Ano ba yang gusto mong sabihin?"
"Doc Tricia,
pwede bang....
Pwede ba kitang ligawan?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Unang beses pa lamang kitang nakita nahulog na agad ang loob ko sayo. Sino ba namang hindi mahuhulog diyan sa mga ngiti mong nakakatunaw. Sobrang bait at napaka makumbaba mo pa. Kahit sino mahuhulog sayo. Pwede ba kitang ligawan?"
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...