TRICIA'S POV
Nanlamig ako nang mabasa ko ang text ni Kaye. Hindi ko alam ang gagawin ko. Yung puso ko parang mahuhulog sa bilis ng tibok.
"Patty, si Uno na ba yang nag message?" tanong ni ate aiks
"Kailangan ko puntahan si Uno. Ate pahiram ng susi" tarantang sabi ko
"Trish, kumalma ka muna. Anong nangyari?" tanong ni Mama
"Nag text si Kaye may nangyari kay Uno." umiiyak na sagot ko. "Pahiram ng susi ate, bilis." dagdag ko
"No Patty, di ka mag ddrive. Sasamahan ka namin. Love halika na, bilis". Agad namang tumayo si Kuya Kevin.
Nanag makarating kami sa ospital ay agad naman akong sinalubong ni Kaye. "Ate Trish, si Kuya" malungkot na sabi niya sa akin.
Agad din naman tumayo sina Tito Anton at Tita Stella - mga magulang ni Uno.
"Anong ngyari Kaye? Nasaan siya?" tanong ko
"Hija, nasa examination room pa si Uno." agad na tugon ni Tito Anton
"Upo ka muna dito Trish." sabi naman ni Tita Stella
"Tita, ano po bang ngyari?" nag aalalang tanong ko
Hinawakan ni Tita Stella ang mga kamay ko bago siya nag salita. " Hindi pa namin alam ang buong detalye, hija. Ang sinabi lang sa amin ng sekretarya niya ay nahimatay daw kanina. Bigla na lamang daw bumagsak sa gitna ng meeting."
"Kumusta po siya ngayon? Nakita niyo na po ba siya?" sunod sunod na tanong ko.
"Hindi pa ate Trish, may mga tests pa daw na ginagawa" agad namang sagot ni Kaye.
Lumapit din si Tito Anton at umupo sa tabi ni Kaye. "Hija, may nasabi ba sayo si Uno na masama pakiramdam niya?"
"Naku tito wala po. Huling usap po namin ang sabi niya lang may mga meetings siya. Dapat nga po sa bahay siya mag ddinner tonight. Tinetext at tinatawagan ko po siya kanina pero wala siyang sagot. Nag memessage na nga po ako kay Kaye kanina ng matanggap ko text niya. " Sagot ko
Tumango tango naman si Tito. Nakita kong nakapasok at papalapit na sina Ate aiks and Kuya Kevin sa amin.
Nang makalapit sila ay agad ko silang ipinakilala sa parents ni Uno.
" Tito Anton, Tita Stella si ate aiks nga po pala panganay na kapatid ko po. At si Kuya Kevin po boyfriend niya." pagpapakilala ko
Ngumiti naman sila.
"Kumusta po si Uno?" tanong ni ate aiks
"Hindi pa namin alam e. May mga tests pa daw na ginagawa sabi ng Dr." sagot ni Tita Stella
"Ganun po ba? Sige po, sa may lobby lang po muna kami." Nilapitan ako ni ate aika para mag bilin "Patty nasa lobby lang kami if you need us ha?" Bilin niya bago sila umalis.
Tumango ako bilang sagot sa bilin ni ate. Hindi na din naman nagtagal at lumabas na ang Dr at mga nurses from the examination room where Uno is. Hinayaan ko na sina Tita ang lumapit sa Dr. Nasa likod lamang nila kami ni Kaye.
" Doc, kumusta po ang anak namin?" Agad na tanong ni Tito
"He is concious now. Wala naman head/brain injuries based sa CT Scan. Blood tests are all good but we still need to observe. May nakikita lang akong irregularities sa heart beat niya. I am recommending him to stay here for atleast 24 hrs. And Uno being Uno masyado na naman niya ginagalingan. Pagod na ayaw pa magpahinga. Hayaan lang muna natin siya makapag pahinga ngayon. And kung kaya na ng katawan niya he will undergo stress test bukas and again we need to do the 24hrs holter and Ambulatory BP monitoring like what we've done the last time he fainted. Hayaan muna natin makabawi yung katawan niya ngayon. Pwede niyo na siya puntahan and ipapa-aarrange ko na din na mailipat siya ng room. " pahayag ng Dr.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...