Always - 37

309 12 0
                                    

TRICIA'S POV

"Ha? Anong mag ingat? Bakit Jill? Uno?"



Noong isang araw pa ako kinukutuban sa 2 'to. Sabi ni Uno kanina about daw sa new project na i-ppitch ni Jill pero mukhang may ibang agenda sila.




"Kaa-ni-naa ka pa ba diyan Ate Trish?" tanong niya


Talagang tanong din ang sagot sa tanong? Nahihiwagaan ako sa kanila. Kung walang tinatago hindi dapat magulat.

"Sapat lang para marinig ko pinag uusapan niyo."



"So bakit mo pinag iingat si Jill, Uno?" baling ko naman kay Uno.



Nagtinginan pa ang 2 bago makasagot.


"Labs, ano kasi. Ganito."




Tumingin pa ulit si Uno kay Jill. Pero bago pa siya makapag salita ulit ay sinalo siya ni Jill.




"Ate Trish, may naging problema kasi sa work. Ayaw ko na ipaalam sainyo. Since sanay naman si Kuya Uno sa mga technicalities sa kanya na ako lumapit. Diba Kuya?"



"Ahh yes, Labs. Tinulungan ko lang." pag kasabi niyon ay lumapit siya sa tabi ko at ipinulupot ang isang kamay sa bewang ko.




"Anong problema yan? Bakit hindi ka nag sasabi? Dati naman lahat ng nangyayari sayo sa amin mo sinasabi ni Ate Aiks. Ano talagang meron, Jill? Uno?" Pag tataka kong tanong. Palipat lipat ulit ako ng tingin sa kanilang dalawa dahil pakiramdam ko may tinatago ang 2 na to.





" Ate, okay na nga. Sorry kung hindi ko nasabi sainyo. Pero okay na. Okay? Diyan na nga kayo. Aakyat na ako. "



Tinarayan pa ako.



Umakyat na nga si Jill at kami na lang ni Uno ang natira dito sa may balcony.




"Ano talagang meron? Sinasabi ko sayo Uno ha? Work ba talaga 'yon o niloloko ni Michael si Jill?"



"Labs, sa work lang talaga yon, okay? Don' t stress yourself. Jill can handle it. Natulungan ko naman na. Relax, okay?"



Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Uno. Pero ramdam ko talaga na may tinatago sila. Malalaman ko din.



"Halika na matulog na tayo, inaantok na ako.Maaga din tayo pinapupunta ni Ate Aiks sa hotel bukas. " pag aaya ko sakanya.



Tumayo din naman agad si Uno. May tiwala naman ako kay Uno pero para sakanya lumapit si Jill parang may mali. Wag ko lang talaga malalaman na niloloko ni Michael si Jill.




UNO'S POV

Mukhang bothered pa din si Tricia sa ngyari sa baba. Mukha siyang nag iisip ng kung ano habang nakaupo sa may kama at nag lalagay ng lotion.




Kailangan mawala ang isip niya doon. Wala naman talagang problema sa work or kay Michael si Jill. Nag uusap lang kami about sa proposal bukas.



"Ang bango mo naman."



Nakaluhod ako sa likod ng nakaupong si Tricia sa kama habang hinahalik halikan ang leeg at likod niya.



"Sigurado ka ba na work lang yung problema ni Jill hindi si Michael?"



Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa ginagawa ko.



"Oy, Labs. Bangong bango ka naman sa akin. May tinatanong ako.".



Niyakap ko siya mula sa likod bago sumagot.



AlwaysWhere stories live. Discover now