Reality 🥺

289 19 2
                                    

Hello everyone!!!👋

Sana masaya at maganda ang hapon ng lahat.  Nacancel kasi mga meetings ko napaaga ang update 😘

Down to last 2 chapters!!! Maraming salamat sa patuloy pa rin sumusubaybay. Sabay sabay natin alami kung ano nga ba ang ending ng kwento nina Uno at Tricia.

————❤️


TRICIA'S POV

"Ate Trish." Nagising ako sa tawag ni Jill. Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang magkasama sila ni Kaye. Pinanggigitnaan nila ako sa upuan.




"Umuwi ka muna, Ate Trish. Makakasama sayo na hindi ka nakakapag pahinga ng maayos." Agad na sabi ni Kaye na puno ng pag aalala.






Umayos ako sa pag kakaupo at inilagay ang isang kamay sa aking tyan. At isa nama'y hawak ang regalong ibibigay ko sana kay Uno.




Bumalik ako sa reyalidad. Sa totoong nangyari sa araw ng birthday ni Uno.



Flashback


I insisted na salubungin ang birthday niya. Pero sabi niya ay gisingin ko na lamang siya. Umuwi siya  na mukhang pagod na pagod. Ilang beses akong nagtaanong kung okay lang ba siya. Ang tanging sagot niya lamang ay okay siya at kailangan niya lamang ng pahinga.



"Happy Birthday to you! Happy Birthday, Happy Birthday. Happy Birthday to you! Happy Birthday, Love!" Ngunit hindi nagising si Uno. Kahit anong gawin ko ay hindi siya nagigising.




Nakalimutan ko na Doctor ako ng mga oras na iyon. Agad kong kinatok si Kaye at dali dali siyang pumunta sa kwarto para icheck si Uno.


"Call 911, ate. I will check on Kuya."



Mabilis dumating ang tulong at agad naming naisugod sa ospital si Uno. Ang masaya sanang pag salubong sa kaarawan niya ay nabalot ng takot, luha at pangamba.


End of Flashback



"Kumusta siya? Lumabas na ba ang Doctor?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa regalong hawak hawak ko.



Jill and Kaye are aware of my pregnancy. Sa kanilang dalawa ko unang sinabi at nagpatulong na isurprise si Uno. Ngunit kami ang nasorpresa.


"Hindi pa, ate. They are still doing some tests. Tinawagan ko na rin sina Mommy, nakakuha na sila ng ticket and by this time nakasakay na siguro sila ng eroplano." Pahayag ni Kaye.



"He will be okay, Ate Trish." Dugtong ni Jill.



Ang daming tumatakbo sa isip ko. Bakit kailangan mangyari 'to sa mga panahon na akala ko okay na ang lahat.


"Kailangan niyang maging okay. Kailangan namin siya ng anak niya." Ang tangi ko na lamang naisagot.



Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ang Dr ni Uno.


"Relatives of patient Villarama?" he asked.




Tumayo ako bago sumagot."I'm the wife." At lumapit sa kinaroroonan niya. Sumunod rin sina Jill and Kaye.



"Hi, I am Dr. Rowley." He offered his hands and I accepted it.

"Dr. Tricia Villarama". Pagpapakilala ko.


"How is he?" Sunod na tanong ko.


"He is okay for NOW." Kumunot ang noo ko at hinayaan siyang magsalita. " I already warned him the last time he was here." He said.



AlwaysWhere stories live. Discover now