Good Morning!
Part 2/3
-----
UNO'S POV
"Primo, may mga bisita ka pala?"
Dumeretso lamang ako at inilagay ang dalang bulaklak at laruan para kay Primo.
Matapos akong makapag sindi ng kandila ay hinarap ko siya.
"Hi, it's been what? A year? Kailan ka pa nakabalik?"
"Ngayon lang."
Tumango tango lamang ako at napatingin sa kasama niya.
"Ah, Uno si Enzo nga pala. Dr. Lorenzo Rodriguez. Enzo si Uno."
Sino ka? Anong papel mo sa buhay ni Tricia? Ikaw ba ang ipinalit niya sa akin?
Ngumiti ako ng bahagya at iniabot ang aking isang kamay. "Hi, I'm Uno tatay ni Primo."
Tinanggap naman niya iyon. "Enzo. It so nice to finally meet you. I've heard a lot about you."
"Really? Sana lahat magaganda ang narinig mo."
Bumalik ang tingin ko sa puntod ni Primo.
"Anak, Tatay has to go. Babalik ako bukas."
"Trish, mauna na ako. Mom is waiting at home. Wag mo na lang kalimutan na ilock 'to." Kahit pilit ay ngumiti ako sakanya at tumingin ako sa kasama niya. "Maiwan ko na kayo dito."
"Uno" Tawag niya ng makatalikod ako. Bakit mo pa ako tinawag.
Humarap ako at pinilit na ngumiting muli. "Hmm?"
"Ingat ka." Tumango na lamang ako at tinungo ang aking sasakyan.
Mula sa aking kinaroroonan ay kitang kita ko kung paano siya inaalalayan ng Enzo'ng iyon.
Ang tagal ko hinintay ang pagkakataong 'to pero ang sakit. Nadagdagan lamang ang sakit.
" Mukhang malalim na naman ang iniisip mo, anak." Iniabot niya sa akin ang isang bote ng beer. " Si Tricia na naman ba?" Tanong niya
"Wala namang araw na nawala siya sa isip ko. Nagkita kami kanina sa puntod ni Primo." Sagot ko
"Oh nagkita pala kayo e bakit parang hindi ka naman masaya? Ang tagal mong hinintay na magkita kayo ulit."
Lumagok muna ako bago sumagot. "Someone was with her kanina. Doktor din and mukhang magkasundo naman sila."
"Pinakilala ba sayo?"
Tumango ako. "Enzo. Dr. Lorenzo Rodriguez. Mukhang naka move on na siya, Dad." Ang pinipigil kong luha kanina ay ngayon bumuhos.
"Why don't you talk to her?" He asked
"Para saan pa, Dad? Mukhang wala naman kaming dapat pag usapan. Sa tingin ko hindi naman siya isasama ni Tricia sa puntod ni Primo kung wala lang, diba? And she made it clear naman before siya umalis. Tinapos niya naman yung sa amin."
"So what's your plan?"
"Napag isip isip ko since nandito naman na siya ulit may titingin na kay Primo. Pwede na siguro akong umalis. Dapat nga noong umalis siya umalis na din ako. Susunod na ako kay Kaye. Parang wala naman ng dahilan para mag stay pa ako dito. Kayo ni Mommy pwede naman kayong sumunod anytime."
"Think about it. Wag kang magpadalos dalos ng desisyon."
"Wala naman na akong dapat pag isipan, Dad. Mukhang okay naman na siya so it's about time na din siguro na mag let go na ako. Hindi magiging madali para sa akin kasi parang babalik lang ulit ako sa Day 1. Pero mukhang masaya na siya magiging masaya na din ako para sakanya. Diba nga kung mahal mo papalayain mo."
Araw araw si Tricia sa puntod ni Primo. May mga araw na hindi na ako tumutuloy kapag nakikita ko na naroon siya. May mga araw din naman na nag hihintay ako na makaalis siya bago ako tumuloy.
Last Sunday nakita ko na doon sila nag breakfast. That particular day naisipan ko na bumaba para na din makapag hi at makapangumusta kina Tita Leni pero umatras ako ng makita ko na dumating 'yong enzo. Masaya siyang nakipag batian kina Ate Aiks. Mukhang close na agad sila. Mukhang wala naman na talagang problema.
While looking at them I called Kaye. "I'll see you soon, bunso."
---
Part 3/3 will be later today.Happy Sunday! ♥️
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...