Always - 36

282 10 0
                                    

UNO'S POV

I woke up to Tricia's messages. Miss ko na siya. Gusto ko na sana siyang puntahan pero base sa text niya busy siya. Mag aassist daw siya sa isang operation today.

Mamaya after ng meetings pupuntahan ko na talaga siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mamaya after ng meetings pupuntahan ko na talaga siya. Di na din ako makakatiis as always. Kahit siya pa may kasalanan ako lagi tumitiklop. Hay Tricia, lakas ng tama ko sayo. Tagos at sagad!




Naging mabilis ang oras. Puno ang araw ko ng mga meetings in and outside of the office. Ni hindi ko na nga nagawang tingnan ang phone ko. Basta isa lang nasa isip ko habang patapos na ang last meeting ko ngayong araw - mayayakap at mahahalikan ko na si Tricia.



So after that last meeting dali dali na ako bumalik sa opisina ko para kunin ang mga gamit ko at sumibat papunta sa ospital.


"Sir, nasa loob po si Ms. Tricia. Kanina pa po siyang after lunch." Bungad ni Tiffany, secretary ko.



After lunch pa? E anong oras na ngayon almost 6PM na.



Pinanliitan ko siya ng mata. " Bakit hindi mo agad sinabi?"



Sasagot pa sana siya pero hindi ko na inantay at dali dali na akong pumasok. Tumambad sa akin ang miss na miss ko ng si Tricia. Pero dahil siguro kanina pa siyang naghihintay at marahil pagod din ay nakatulog siya sa sofa. Naka scrubs at salamin pa siya. Napansin ko din ang pagkain sa lamesa.


"Kanina pa siya dito. Wag na daw sabihin sayo, iintayin ka na lang daw niya. Tigilan mo na yang pa hard to get mo anak hindi bagay sayo. Magkita na lang tayo sa bahay." Pabulong na sabi ni Dad.


Nang makalabas si Dad ay agad akong umupo sa tabi ni Trish. Mukhang pagod na pagod siya pero para pa din siyang Anghel matulog. Nakanganga lang.


Hinalikan ko siya sa noo bago ginising.

" Labs, gising na. Umuwi na tayo para makapag pahinga ka ng maayos."


Gulat na nagmulat siya ng mga mata  at mula sa pagkakahiga ay mabilis na napa upo.


"Sorry, Labs. Nakatulog na naman ako. Sorry talaga. Kanina ka pa?" tanong niya


Hinalikan ko muna siya bago sinagot. Namiss ko e.


"It's okay, Labs. Sana dumeretso ka na sa condo. Nakapag pahinga ka sana ng maayos. Tinext mo na lang sana ako." Sagot ko.


Magkaharapan kami at ipinulupot niya ang kanyang mga kamay sa aking leeg.


"Gusto ko lang sanang isurprise ka para maiba naman. Ikaw lagi ang nag ssurprise sa akin sa ospital e. Gusto ko lang din bumawi, nagtake out pa ako ng food para sabay sana tayo mag meryenda. Kaso sabi ni Tiffany nasa conference room ka daw at sunod sunod ang meetings mo. Nakita ko si Tito kanina pero sinabihan ko na wag na sabihin na nandito ako. Sorry sa ngyari Labs ha? Miss na miss na kita. Mag bati na tayo, please? "



Sino naman hindi titiklop sa sinabi at ginawa niya. Effort 'to for her. Pag galing kasi siyang OR ang tendecy talaga ay dumederetso uwi na siya. Mag tetext na lang na nasa condo na siya.








" Okay na Labs, pupuntahan na din naman sana talaga kita sa ospital ngayon kaso tumagal yung last meeting ko." Sagot ko habang inaayos ayos ko pa ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang mukha.



"Gutom ka na siguro, halika kainin muna na natin 'tong dala mo before tayo umuwi." Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan siyang tumayo.



After kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko para makauwi na kam. Hindi lang masabi ni Tricia pero halatang halata ko ang pagod niya.






"Labs, sa condo niyo na lang tayo umuwi para makarest ka agad. Pag sa bahay ang layo pa, traffic and sure late na tayo makakauwi." Agad na sabi ko kay Trish ng makalabas siya ng banyo.




Nagtaka pa siya kasi hindi pa naman ako natutulog sa condo nila kahit ilang beses na ako pinayagan ni Tita na doon matulog.


" Sure ka? " Tanong niya


Tumango ako at kinuha na ang bag ko para makauwi na. May mga damit naman ako sa kotse kaya hindi problema, Friday na din naman and walang akong pasok kinabukasan.




May bahay na ako na tinitingnan sa subdivsion lang din nila Ate Aiks. Mas malapit sa work namin pareho. Mag YES lang si Tricia bibilhin ko na talaga.




"Labs, nung isang araw nadinig ko na mag kausap kayo ni Jill sa phone. Bakit? Anong meron?" tanong niya.



Patay na. Eto talagang si Jill nasabihan ko ng siguraduhin na wala ang ate niya pag tatawag sa akin e.



Kunwari pang nag mamaang maangan ako. Ayaw ko talaga na nag sisinungaling sakanya e.



" Ah oo, Labs nung isang araw.Mag ppitch ata siya ng project sa work may mga tinanong lang." sagot ko.



Tumango tango lang siya pero alam ko na nag tataka siya. Ano kaya nadinig niya sa usapan namin? Naku talaga Jill lagot ka sa akin.



Habang papalapit ng papalapit ay mas lalo ako kinakabahan. Paano kung mag No si Trish? Baka atakihin na talaga ako.



"Jill, alam mo bang nagtatanong ang ate mo kung ano daw pinag uusapan natin over the phone nung isang araw? Sabi ko sayo mag ingat ka e."



"Ha? Anong mag ingat? Saan? Bakit Jill? Uno?" Palipat lipat siya ng tingin sa aming 2.


Mabubuko niya pa ata kami ni Jill.

————
Mag YES kaya si Tricia kay Uno?

❤️❤️❤️

AlwaysWhere stories live. Discover now