Always - 33

277 9 0
                                    

UNO'S POV

We spent almost half of the day sa room as what Tricia wanted para makapag pahinga daw ako. Walang kapilyuhan na nangyari kasi natulog lang talaga kami. Hinang hina katawan ko e. Ayaw ko lang sabihin sakanya kasi mag papanic na naman. Kagabi nga nagawa pa niya tawagan yung pinakamalapit na ospital dito sa resort e para magtanong kung kumpleto mga gamit nila.





This trip is to spend  time with her family. Kaya sinabihan ko si Tricia na we will spent the rest of the day na sa kanila before we go back to Manila tomorrow. Since okay na din naman ako kaya pumayag na siya. And chance ko na din 'to na makausap sila Tita kahit palihim at pakonti konti lang.




Una kong nacorner si Jill nang makababa kami.



"Kuya, okay ka na?" agad na tanong niya


"Okay na. Nakapagpahinga na. Hmm, Jill may gusto ako sabihin." nakita ko naman na agad siyang nagtaka.




"Hala ano yun?" tanong niya.



Humugot muna ako ng lakas ng loob. Huminga ng malalim bago nagsalita.




"I am planning na mag propose na kay Ate Trish mo."



Muntik pa siyang mapasigaw ng marinig iyon. Mabuti na lamang at napigilan ko agad.



"OMG! For real? Itutuloy mo na?" tanong niya.



Alam din naman kasi ni Jill na may plano na ako noon pa but life happens kaya hindi na natuloy.



Tumango na lamang ako bilang sagot. Nag offer naman siya na tutulong daw siya.



"Wag ka muna mag papahalata ha? Kakausapin ko pa si Tita and Ate Aiks." bilin ko sakanya.



I was able to get a chance na makausap din si Ate Aiks ng lumapit siya sa amin ni Jill while Tricia is talking to Michael and Kuya Kevin.




"May sasabihin yan, Ate Aiks." Excited na sabi ni Jill.




Eto talagang si Jillian inunahan pa ako.



"Sabi ko discreet muna e. Pero since may chance na din naman habang libang pa yung isa. Ate Aiks, itutuloy ko na yung naudlot na proposal kay Trish". Nakita ko ang gulat sakanya pero agad din naman siyang ngumiti.





"Akala ko hindi na dadating 'tong araw na to." Bilis magbago ng mood ni Ate Aiks. Biglang naiyak naman. Kasalanan daw ng pregnancy hormones.




"Matagal naman na dapat ate. Sobra lang ang naging pag tutol ng universe. Pero it is still Trish and will always be Trish. Wala naman nagbago. Mas lumalim pa nga. And this time I won't let go. Hindi ko na hahayaan pa. Tutulungan niyo naman ulit ako diba?" Lahat kami ay nakatingin sa kinaroroonan ni Trish. Ang ganda ng mga ngiti niya.




"Oo naman. Tutulungan ka namin pero pwede bang mag hintay ka pa ng mga 2 months pa? Intayin mo munang mailabas ko 'tong inaanak mo?" pabirong tanong ni Ate Aiks.




Yun naman talaga ang plano ko iintayin muna makapanganak si Ate Aiks. Sabi naman ni Jill bakasyon pa siya and pwede naman sila mag work from home ni Michael. Si Tita Leni at ang pamilya ko naman ang susunod na kakausapin ko.



" Kakausapin ko muna sina Mom and tsaka ko kakausapin si Tita Leni. Wag na lang po muna kayo papahalata kay Trish." Pakiusap ko na agad naman nilang sinang ayunan.




"Pero wag na sa Naga, Uno. Hindi pa pwede ibyahe si baby that time. Sa Naga ka na lang mamanhikan pero somewhere in Manila ka na lang mag propose kay Patty." Pakisusap ni Ate Aiks dahil gusto niya daw present siya.




May point naman siya. And gusto ko din kumpleto sila sa araw na yun kaya pumayag ako agad.


We ended the night with a bonfire sa may tabing dagat. Kwentuhan at tawanan. Pag balik ng Maynila sasalubungin na naman kami ng tambak na trabaho.

AlwaysWhere stories live. Discover now