Always - 48

257 14 1
                                    

Sorry for the late update.
Umaga na ako nakauwi from work.
But enjoy Part 48. Will try to finish Part 49 tomorrow.

Thank you! ♥️
---------

UNO'S POV


Iniiwasan ko na mag tampo kay Trish kahit pa minsan talagang katampo tampo na. Iniisip ko na lamang na baka lumalala pa e mauwi sa away hindi makakabuti sakanya. Pero kagabi sumama talaga ang loob ko. Hindi ba naman ako pinansin. Ayaw niya ba ng mga pangalan na naisip ko?




Sinadya ko gumising ng maaga para makapag labas ng sama ng loob sa threadmill.




"Umagang kay gusot naman ng mukha ng ferson. Nag away kayo ni Ate Trish?" Bungad ni Jill na nabungaran ko na nag co-coffee sa dining table kaharap ang kaniyang laptop.








Nagkibit balikat ako at matamlay na bumati. "Good Morning, Ninang Jill. Mag threadmill lang ako pag nagtanong ang ate mo."






Mabuti na lamang at may mini gym sila dito sa condo. Habang lumalakad ako sa threadmill naalala ko naman ang nangyari kagabi. Napapailing na lamang ako. Ganun ba kapangit ang mga pangalan na naisip ko? Pero ang unfair naman hindi naman niya sinabi kung ano naisip niya. E di kung mas maganda 'yon e di 'yon.




Mga ilang minuto pa akong lumakad takbo nang narinig ko na may pumasok.




"Pssst pogi, ang hot mo naman po." Napalingon ako. Sino bang hindi mapapalingon pag sinabihan kang pogi. Pero agad kong ibinalik ang atensyon ko sa pag lakad sa threadmill. Magtatampo ako kahit ngayon lang.



"Ay ang sungit ni pogi. Pansinin mo naman ako. Tingin ka dito dali."


Nag vivideo ka pa diyan ha. "Stop it." I said.



"Bakit ang sungit mo?"


Ay nakalimutan niya na ba na hindi niya ako pinansin kagabi?




"Ahh. Parang alam ko na kung bakit nag susungit ang mahal ko. Halika ka nga dito." At sumakay din siya ng threadmill at yumakap sa likuran ko.



"Wag ka na magtampo, Labs. Okay, ang ganda kasi ng naisip mo. Kaya napahiya na ako. Ni hindi ko nga naisip na ipangalan siya sa parents natin e." Dahan dahan ay inalalayan ko si Trish hanggang sa itinigil ko na ang threadmill. Nanatili pa din siyang nakayakap." Mali ako na hindi man lamang ako nag react. Kaya sorry na, wag ka na magtampo or magalit, Labs. Alam mo ba kung anong meron ngayong araw na 'to? Bukod syempre na wedding day sana natin."



Umiling lamang ako pero nanatili pa din kami sa position namin. Nasa threadmill at nakayakap pa din siya.



" Labs, today is also our first date annivesary. Naalala mo pa ba? Our first coffee date after mo ako iligtas kay Jayce, nakalimutan mo na noh? "



Ako dapat yung nagtatampo pero parang nakonsensya ako na hindi ko na naalala 'yon.



"Pansinin mo naman na ako oh. Wala ka na nga sa tabi ko kanina pag gising ko e. Halika na nag ready na ako ng breakfast natin. Sabay na tayo kumain oh?" Hindi ko naman matitiis si Trish - never naman. Ninanamnam ko lamang ang pagiging sweet niya kasi minsan lang din 'to.

" Anak, hindi tayo bati ni Tatay. "


Bigla kong hinawakan ang kamay niya nang maramdaman ko na kakalas na siya sa pag kakayakap. Maingat akong humarap at dahan dahan bumaba sa threadmill. "Baba ka na diyan. Halika ka na, dahan dahan lang." Iniabot ko ang aking isang kamay at ang isa naman ay inalalay ko sa kanyang bewang. "Akala mo naman magtatampo ako sayo ng matagal? Never naman nangyari 'yon."


AlwaysWhere stories live. Discover now