TRICIA'S POV
Feeling extra happy ang gising ko today. Kaya lang hindi pa siya nag gogoodmorning. Hindi na katulad ng dati na hindi ko siya maunahan.
Nakaligo na ako at nakaready na for duty pero hindi pa din siya nag rereply.
Last time na ganito siya may nangyari sakanya. Baka naman nabago lang talaga yung routine niya. Ang tagal din naman na walang nagtetext sa akin na Uno. Hindi ko na alam kung maaga pa ba siyang nagigising or what. Nawala tuloy yung pag ka good mood ko.
"Nakasimangot na naman ang aga aga. Kagabi lang ang saya saya mo ah? Tigilan mo yan at baka mamana yan nitong pamangkin mo". Bungad ni Ate Aiks ng buksan niya ang kwarto upang icheck ako.
Dito muna ako nag s-stay kay Ate Aiks for the meantime since wala sina Mama and Jill. Naging safe place ko na din 'tong bahay nila lalo na noong mga panahon na hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay.
"Pag katapos mo diyan e bumaba ka na. May nakakahappy na breakfast sa baba. Baka sakaling matanggal yang kunot mo sa noo."
Sumunod na din ako agad kay Ate. Nadatnan ko sila ni Kuya na nakaupo na sa dining table pero wala naman pag kain.
"Oh akala ko may nakakahappy na breakfast? Nasaan na?" pag tatakang tanong ko.
Agad naman tinuro ni Kuya ang kusina. "Nasa kusina pa, kunin mo na."
Since nakikituloy lang ako wala ako maireklamo kung mautusan ako. Pero laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nandito sa kusina at nag luluto ng breakfast.
Kaya pala hindi nag rereply ang isang 'to.
"Ang ganda naman ng view. Ang gwapo naman ng cook dito."
Lumingon naman siya kaagad at naka apron pang lumapit sa akin.
Hinalikan agad ako ni Uno. "Good Morning, Labs. Nakapag pahinga ka na? Ready ka na for breakfast?"
Aga agang kay pilyo ng Uno ko. Agad ko naman ipinulupot ang aking mga kamay sakanyang leeg.
"Ssshhh! Wag ka nga maingay marinig ka nina Ate e. Pero seriously, bakit nandito ka?" Tanong ko
"I'm here for breakfast and ihahatid kita sa hosp. Ayaw mo ba?" may pagtatampong sagot niya.
Aalis na sana siya sa pwesto naming iyon mabuti na lamang at napigilan ko. " Hindi naman sa ganon. Ang akin lang sana nagpahinga ka na lang and bawal ka mapagod. Hindi mo pa nasasabi sa akin yang status ng puso mo. "
Ayan na naman po ang pilyo nyang ngiti. People change talaga hindi naman kasi siya ganito dati. Or talagang di niya na lang naipakita kasi iniwan ko siya?
" Pinagod mo din naman ako kahapon ah? Pero okay naman ako. Pwede mo na ako ulit pagurin ngayon."
May pawink wink ka pang nalalaman dyan.
"So bread or me?" pahabol niya.
"No time for your kapilyuhan, Labs. 36 hrs straight duty ako today, i'll see you the day after tomorrow pa. So I'll go for bread muna, hindi ako pwede malate."
"Eheeem! Umagang kay haharot naman. Gutom na yung inaanak niyo, where's the food?" pareho kaming napangiti at tumingin sa direksyon ni Ate Aiks.
YOU ARE READING
Always
FanfictionThis story is about Uno and Tricia. Uno Ezekiel Villarama is a graduating student taking up Master of Science in Industrial Economics. A 5 year Program (Bachelor's + Master's) at the University of Asia and the Pacific. while Janine Patricia Robredo...